KABANATA 2

2.9K 47 8
  • Dedicated kay Jeth Bardillon
                                    

KINABUKASAN, pagmulat pa lamang ng mga mata'y nakaramdam kaagad nang 'di maitagong kasiyahan, sapagkat nalalapit na'ng pagkikita namin ni Lena. Maagang nagpaalam kay Tiyang upang tumao sa bahay dahil ayon nga sa ginang, ngayon ang uwi ng matalik na kaibigan. Kapagkadaka'y pumayag ang matanda dahil menos gawa sa pagluluto at paglilinis ng aming munting bahay.

Sa sobrang pagiging atat, pati yata tumbong umiikot-ikot sa saya.

Nang matapos ang mga gawaing bahay, maging ibang task na madalang gawin sa t'wing aabutan ng pagiging abala'y pinatos na'rin. Paglilinis ng electric fan, pag-sasaayos ng ilang mga butas sa bubong, at ang pinakahuli ay magsaing kung saan sinabayan din nang pagpiprito ng tortang sardinas. Kalaunan, matapos ang mga gawai'y saka lamang nagpasyang magmuni-muni sa likod-bahay.

I badly needed to rest!

Sa likod-bahay, mayroong puno ng kamatsile kung saan tuwing makakaramdam ng lungkot o feel na feel mag-daydream, dito sa puno pinapasyahang isagawa ang ritwal ng pag-iisa o teleseryeng ako mismo ang gumagawa na sadyang nananalaytay sa kulay violet na dugo.

It's one of a kind talent!

As of this moment, I'm actually doing my usual thing which is to slouch on the bed and chili tree. (kamatsile)

Naisipang kumanta upang maging complete package ang paghihintay sa panauhing walang dangal.

"Two less lonely people in the world and it's gonna be fine. Out of all the people in the world,  I can't believe you're mine...Everybody I'll gonna hit the high notes!" saad sa mga ghost audiences habang tinatanggal ang barang plema sa lalamunan.

"In my life---"

"Leah!"

" Ay lumpiang pipi!"

Muntik mahulog sa puno kung hindi mabilis ang reflexes o hindi kaagad nakahawak sa sanga, ngunit kung mas sinuswerte malamang sa lupa ang magiging bagsak ko.

Who the hell?

Dumako ang paningin sa bandang gilid, dahilan upang gumuhit ang masayang ngiti nang makita ang kababatang halos matabunan ng mga bagaheng dala. I immediately went down from the tree and embraced her so tight.

"Oh my gosh Lena ikaw ba talaga 'yan? "

"Lukaret ka talaga friend, I miss you so much!"

Gumanti ang dalaga ng yakap, kapagkadaka'y niyaya ang kaibigan sa loob ng bahay. Ilang huntahan ang naganap hanggang sa abutin ng takip silim, ngunit tila hindi nauubos ang mga baong kwento sa isa't-isa, marahil naipon sa tagal namalagi ng matalik na kaibigan sa Maynila, rason para pumayag si Tiyang Berta na sa'min muna magpalipas ng gabi si Lena.

Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga pinggan upang maghanda sa hapunan, napansin ko ang maraming pagbabago sa itsura ng dalaga. Medyo pumusyaw ang kulay ni Lena, ibang-iba noong mga bata pa kami na halos ngipin lamang yata ang maputi dahil sa sunog na balat ng kaibigan. Kung ikukumpara sa dati'y mas nag-improve ang dating solar
girl ng Masbate.

Lumunok din kaya 'ko ng bleach?

Napapangiti sa tuwing pagmamasdan ang babae, ngunit kahit anong maging itsura ng dalaga'y itinuturing pa'rin siyang kapatid. Kasalukuyang nasa hapag, habang kasalo si Tiyang Berta sa kwentuhan tungkol sa mga pangyayari at karanasan ni Lena sa lungsod. Base sa naririnig mula sa kaibigan, mukhang maganda ang trabaho ni Lena kahit simpleng kasambahay lamang sa Maynila. Natutuwa ako habang nai-imagine ang mga naglalakihang gusali, kung saan sa lumang telebisyon lamang napapanood. Ang totoo, nakakaramdam din nang kagustuhang makatuntong sa Maynila, ngunit mas inaalala ang tiyahing maiiwan sa Masbate kung nagkataon.

HOMIGEN SERIES I: "Stake To One"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon