Sunshine's POV
"What the heck?! Napaka wrong timing naman nitong elevator!" - pagrereklamo ko. Halos 15 minutes na kasi kaming naghihintay dito at nagbabaka-sakaling baka nag-malfunction lang nang kaunti itong elevator at babalik na ulit ito sa dati.
"Walang magagawa 'yang pagrereklamo mo. Ang mabuti pa, pahiram na lang ng cellphone mo." - suggestion naman ni Michael.
"Ha? Eh, empty battery na ako ehh. Iyong sa'yo na lang." -
"O,sige." - Michael
Sinubukan ni Michael kunin yung phone sa bulsa pero wala. Nung i-check niya naman iyong kabilang bulsa, wala din doon yung phone.
"Talaga naman oh! Kapag nga naman minamalas . . . " - saad ni Michael na pailing-iling pa.
"Bakit? Nasaan na yung phone mo?" -
"I'm sorry. Naiwan ko yung cellphone sa kotse. Pagkalagay ko nung mga regalo natin for Zach and Joy, naiwan ko na din doon yung phone." - pagpapaliwanag niya.
"Aish!!! Let's just hope na maayos na din kaagad ito." -
"Well, sana nga. Napaka imposible naman na walang generator ang mall na ito kung sakali ngang nag- brown out." - Michael
After 30 minutes, wala pa ding nagbago. Trapped pa din kami dito sa loob ng elevator. Gustuhin ko mang sumigaw upang makahingi ng tulong, wala din namang makakarinig eh.Gustuhin ko mang makalabas na dito para mapanuod na 'yung play nina Luxie, wala naman akong magawa. :3
"Shine, wala bang bagay diyan na pwedeng maging source ng ilaw? Masyado kasing madilim." - Michael
Oo nga noh. Siguro ito ang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tsk! Sa sobrang gusto ko mapanuod yung play, hindi ko na naisip yung darkness dito. XD
Wait, ano nga ulit 'yung tanong ni Michael? Ah,oo tama! Mabuti na lang at mayroon akong mini-flashlight. Alam niyo yun? - Iyong flashlight na keychain na nakasabit sa zipper ng bag ko. XDD Binuksan ko na yung ilaw. Although, weak lang yung light na pino-produce nito, ang mahalaga is mayroon kaming source ng light. Mahirap na, elevator ito. Baka mangyari yung mga katulad ng sa horror movies. Ayt. Bakit ko ba naisip yun? Tinatakot ko pa tuloy ngayon ang sarili ko. Nyaaay! >___<
"Oy, hindi ka ba nangangalay kakatayo diyan? Pwede ka namang umupo oh." - sabi ni Michael. Then, he offered me the available space sa tabi niya.
"7:30 na, konti na lang at magsisimula na yung play nina Joy at Zach." - dagdag pa ni Michael.
"Umaasa pa din ako sa himala . . . " - sabi ko
"Tsk! Eto naman kasing elevator na ito eh! Napakalaking epal!" - Michael
"Hey! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan sa elevator na 'to. Mamaya, out of nowhere eh may magpakita sa'ting kakaibang nilalang eh." -
"Edi, magpakita yang mga multong iyan! As if naman may magagawa sila, maya-maya lang Christmas Eve na oh. " - pagkasabi ni Michael ng linyang 'yan, bigla pang humina yung ilaw ng flashlight ko. >__<
"Michael naman eh!!!" -loko kasi siya. Baka mamaya bigla ngang may magpakita dito, ang dami kasing sinasabi nitong kasama ko.
"Anong ginawa ko?! Kasalanan 'yan nung flashlight mo. Sadyang mahina lang talaga battery niyan. Ang mabuti pa, kumain na lang tayo." - pagyayaya ni Michael. Tumayo naman siya upang maghanap ng pwede naming makain mula sa mga pagkaing pinamili ko.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare? ♥ (ONGOING)
Teen FictionDalawang taong natatakot na magmahal muli dahil sa kanilang unang pag-ibig. Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga landas nila nang dahil sa isang dare, muli kaya nilang matutunan ang magmahal?