Chapter 7- Weird Feeling

464 16 3
                                    

Michael's POV

 

 

 

 

"Tara, Micahel bilisan natin, baka may last challenge pa." - at hinatak na nga ako ni Shine papunta doon sa ,madilim na direksyon papunta sa pintuan at hagdanan.

          Pag-akyat namin, nagulat kami dahil nasa rooftop na kami. Wala namang nakasulat na mga instructions kung anong dapat namin gawin . . . Si Shine naman, biglang tumakbo at may tinignan sa baba.

"Wow! Ang ganda naman dito." - Shine

         Tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin . . . Oo nga ang ganda dito. Kitang-kita mo yung buong syudad. Ito pala yung kabilang side ng bundok. . . Tapos, nagulat na lang kami ng may biglang nagsalita sa speaker. Ahaha, akalain mo 'yon hanggang dito pala sa rooftop ay may speaker! XD

"Mr.Jed Michael Olivarez and Ms. Mary Sunshine Montenegro, Congratulations for both of you have survived the halloween experience." -sabi nung babae, na naririnig lang namin sa speaker.

          Pagkatapos, nagulat na lang kami ng biglang nagkaroon ng fireworks. Pshh . . . Eto ba yung reward nila sa amin?!! Mas gugustuhin ko pa yung plus one sa quiz, kaysa naman sa fireworks display na eto . . . Teka lang, napansin ko na parang tahimik si Shine.

          Paglingon ko sa kanya, sobrang tuwang-tuwa siya sa fireworks display. . . Yung matang kanina ay mayroong mga luha, ngayon nagniningning sa tuwa. Pshh . . . Ngayon lang ba yan nakakita ng fireworks display at masyadong na-amaze?! Parang imposible naman yata yun . . . 

"Haay . . . Natapos din." - Shine

"Ano tara na? Balik na tayo." - pag-aaya ko sakanya.

"O, sige. . . " - Shine.

          Nang makalabas na kami sa kunyaring haunted school na 'yon, biglang nakaramdam ng pagod si Shine . . . 

"Michael, pwede bang doon na lang tayo sa kubo magpalipas ng gabi?" - Shine.

"Ha? . . . Eh, mas lalong delikado kapag hindi tayo bumalik doon." -

"Sige na please . . . Wala naman sa instructions na bawal tayo magpalipas dito ng gabi ehh." - sabi ni Shine with matching puppy eyes.

"O sige, ganito na lang, BATO-BATO-PICK na lang tayo, kung sino manalo, yung gusto niya ang masusunod." -

"Teka, lugi naman ako . . . Kapg nanalo ako, may advantage kang makukuha dahil parehas tayong makakapag-pahinga sa kubo; Pero kapag naman ikaw ang manalo, mapapagod ako ng sobra. Unfair yun! Pag nanalo ako may advantage kang makukuha, samantalang pagnanalo ka naman, wala naman akong advantage na makukuha."- Shine.

"O sige, ganito na lang . . . Kapag nanalo ako, sumampa ka na lang sa likod ko para di ka mapagod." -

"Sige ha, sabi mo yan." -Shine.

"Oo nga, Promise!" -

at nag BATO -BATO -PICK na nga kami . . . 

BATO

BATO

PICK!

Shine: Papel

Michael: Gunting

          At dahil nanalo ako, kailangan ko siya buhatin pababa ng bundok . . . Haay . . . 

"O, ano ready ka na?" - tanong ko sakanya.

"Game!" - Shine.

          After 30 mins. ng paglalakad ko (dahil di naman naglalakad si Shine at nakasampa lang siya sa likod ko. XD), narating na namin ang paanan ng bundok. 'Di naman ganoon kataas yung bundok kaya mabilis lang namin itong nababa.

"Shine, baba na . . .  Andito na tayo oh." -

          Pero walang umimik. Nakatulog yata siya sa likod ko . . . Kahit na ang sakit-sakit na ng likod ko kabubuhat sa babaeng ito, may part parin na natutuwa ako dahil nakasampa siya sa likod ko . . . Alam kong dapat hindi ganito yung nararamdaman ko . . . That's why I hate this WEIRD FEELING.

 

 

_____________________________________________________________________________

Yippie! Kinilig naman ako sa chapter na ito! Sana kayo rin! ^__^ Vote po kung nagustuhan ang chapter 7 and comment kung ano man ang masasabi niyo sa update!

The piggy back ride!!! *o* Picture at the right side ======>

 

Love you all!!! Keep supporting my story! ^__^

 

 

Vote.Comment.Be a Fan. Support.Recommend

 

 

(c)simplyshane

Truth or Dare? ♥ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon