Chapter 20- Playground

129 8 0
                                    

Sunshine's POV

         I woke up early kahit na late na kami nakatulog last night. I don't know why pero everytime na matutulog ako sa ibang bahay, hindi ako nahihimbing ng tulog. Kabaliktaran ko naman si Mich na halos mapuno na ng laway ang unang hinihigaan niya ngayon. She's really comfortable sleeping anywhere. I'm sure with that cause she always drools. Haha! Pasensya ka na Mich, alam na ng readers kung paano ka matulog pero okay lang yan as long as hindi alam ni Andrew. Kahit ganyan si Mich, she's one of the most awesome people I know (next to her is Luxie). 

 

          Lumabas na ako para maghilamos. Wala kasing cr dito sa guest room. Well, si Michael lang nga naman kasi ang nakatira dito so 'di na kailangan ng maraming banyo. XD

 

 

          Pagbaba ko sa sala, agad na nabulabog ang "fresh-from-bed" na face ko. O.O Totoo ba talaga 'tong nakikita ko? Luxie and Zach are sleeping- their arms wrapped around with each other. Kulang na lang maghalo na yung katawan nila. Anong nangyari? Omo! Baka naman nagka-inlove-an na sila?! Yung mata ko tuloy na papikit-pikit pa kanina ay biglang nanlaki. Grabe lang kasi. Sino ba namang hindi magugulat kung ganito ang sasalubong sa'yo pagkagising na pagkagising mo pa lang.

 

 

"Good morning!"- Michael said.

 

 

"Shh."- sabi ko sa kanya matapos kong ituro kung ano yung nawi-witness ng mga mata ko.  

 

 

"Alam ko. Pabayaan mo na muna sila. Baka gusto mo munang maghilamos?"- sabi niya na pailing-iling pa. 

 

 

          Uwaah! Oo nga pala, bumaba ako para maghilamos. Masyado kasi akong nadala kina Luxie eh. >< Huhu. Baka may muta pa ako, nakakahiya. Pero wala naman siguro? Hindi naman ako nakatulog ng maayos so paano ako magkakamuta? :3 Bago pa ulit ako makapagsalita ay may bumaba na rin sa hagdanan.

 

 

"Wow. Sweet naman nila. Ma-picture-an nga."- wika ni Andrew na tila nakapaghilamos na rin. Bakit kasi walang cr sa kwarto namin?

 

"Okay lang yan. Ang ganda mo pala kapag bagong gising."- Michael. Ayt. Nambola pa. Napatakbo tuloy ako sa cr. 

 

 

          Pagharap ko sa salamin ay nakita ko ang mukha ko na hindi naman parang sunshine. Sunshine ang pangalan ko pero parang dinaanan ng bagyo ang pagmumukha ko ngayon. Wala nga akong muta pero nangingitim naman ang eyebags ko dahil nga hindi ako nakatulog ng maayos 'tas yung buhok ko ang panget din. Hindi rin pala ako nakapagsuklay. Ano bang pumasok sa utak ko at nagmuni-muni pa ako sa pagtulog ni Mich at nagpaka-shock naman ako kina Zach. =__= Bangag. Isa akong malaking bangag ngayon. For sure, epekto ito ng 'di maayos na tulog. Huhu! Okay lang sana kung si Mich at Luxie ang nakakita sa kalagayan ko ngayon eh. Kaso, si Michael pa. Uwaah! Nakakahiya. Bakit kasi ganito ang hitsura ko kapag bagong gising?! :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth or Dare? ♥ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon