Dedicated po sa inyo. Thanks sa comments and votes. I also appreciate na nag-post pa kayo sa message board ko. Keep on supporting ToD. God bless! ^__^
==========================================================================================================================================================
Michael's POV
Natapos ang misa de gallo ng 11 p.m. Mabuti na lamang at malapit lang ang simbahan sa aking bahay. Agad namang naging abala ang lahat para sa paghahanda ng Noche Buena. Ang mga babae ang nag-ayos sa loob habang kaming mga lalaki ang nag-iihaw ng barbecue. Dito na rin silang lahat magpapalipas ng gabi dahil sa araw na ito, kami-kami ang magkakasamang magdiriwang ng Pasko. Nakakatuwang isipin na pare-parehong nasa ibang bansa ang aming mga magulang kung kaya't makakahanap kami ng karamay mula sa isa't-isa. Ngayong Pasko, masaya ako na mayroong nadagdag na tatlong babaeng makikisalo samin sa Noche Buena. Noong nakaraang taon, kaming apat lang kasi ang magkakasama.
"Hmm . . . Ang sarap talaga ng amoy ng barbecue." - sabi ni Andrew habang inaamoy-amoy ang iniihaw naming barbecue.
"Oy, Andrew! Sino ba yung Key na 'yun? Hindi ko kasi makalimutan yung kwento ni Michelle kanina." - Nigel
"Hindi ko din talaga kilala kung sino yung lalaking 'yon. Basta ang alam ko lang, may naging issue iyon kay Mich at Shine." - Andrew
"Nako, Andrew. Tinamaan ka na ata talaga kay Mich."- pang-aasar ni Zach.
"Asus. Ikaw nga, may lihim na pagtingin kay Luxelle eh." - agad na sagot ni Andrew habang pinapay-payan ang aming iniihaw.
"Ewan ko sa'yo." - sagot naman ni Zach. "Uy Michael, seryoso ka na ata kay Shine ah."
"Oo naman. Seryoso talaga ako sa kanya."- diretso kong sagot. Seryoso naman kasi talaga ako.
"Eh paano na yung dare?"- tanong ni Andrew.
Nagkatinginan kami ni Nigel. Kaming dalawa lang naman kasi ang nakakaalam na ibinalik ko na sakanya ang pera. Iniisip kasi namin ni Nigel na baka kami ang malagot sa dalawang ito.
"Okay lang naman kung itigil na natin yung napagkasunduan." - Andrew
"Ang totoo kasi niyan, may hindi kami sinasabi sa inyo." - pagtatapat ni Nigel.
"Alam ko na. Bago yung dare, gusto mo na talaga si Shine ano? Pero sana naman Michael ibalik mo na yung pera kay Nigel. Alam kong mayaman si Nigel pero sayang din kaya yun."- pag-putol ni Andrew sa mga sinasabi ni Nigel.

BINABASA MO ANG
Truth or Dare? ♥ (ONGOING)
Novela JuvenilDalawang taong natatakot na magmahal muli dahil sa kanilang unang pag-ibig. Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga landas nila nang dahil sa isang dare, muli kaya nilang matutunan ang magmahal?