Chapter 13- Jujube Latte

312 11 5
                                    

Dedicated sa'yo. =) Maraming salamat sa suporta. :D

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sunshine's POV

                   Hi readers! Pasensya na kung halos wala akong part dun sa last chapter ha. XD Si ate Shane kasi gusto ring ibahagi sa inyo ang mga buhay ng mga kaibigan ko. ^__^

                     Well, speaking of my friends, nandito ako ngayon sa isang cafeteria para i-meet sina Micahel and Luxelle. Sama-sama kasi kaming titingin kung maayos ba ang rehearsal ni Luxie and Zach para sa play. 

                    Nakakainis nga si Michael eh . . . Sasabihing liligawan niya ako tapos pinasabi pa dun sa gumagawa ng article 'tas hindi naman pala kaya panindigan yung sinabi niya dun sa school writer. Pshh . . . Kung talaga kasing nililigawan niya ako, edi sana sinasamahan niya ako ngayon dito sa cafeteria para naman hindi ako loner . . . Aisshh!!! =<

After 5 mins . . . 

                    Dumating si Michael pero siya lang. Asan sila Nigel??? Hanubeyen . . . Ang A-W-KW-A-R-D tuloy. >.< 

"Ahhmm, Michael . . . Yung sinabi mo dun sa school writer nung in-interview tayo. Totoo ba 'yun???"  - 

" Syempre naman. Alangan namang 'di ko 'yon panindigan eh nasabi ko na yun. Naka publish na nga yung article ehh. " - saad ni Michael pero parang napilitan lang siya. 

                    Hmmp! Kung napilitan lang siya eh di wag! Anlakas kasi ng topak niya para sabihin yun sa school writer eh!!!  Waaah!!! Bakit ba masyado na rin akong affected?!? >.<

"Alam mo kasi, kung napipilitan ka lang para maging sikat yung horror experience natin, pwede na - - " - hala . . . Sige, hindi na ako pinatapos sa pagsasalita. >.<

" Teka, nakikita mo ba yun??? Tara um-order  tayo parehas ng Jujube latte." - Michael

"Bakit yun pa?" - hindi ko alam kung ano na naman ang trip ng isang 'to.

" Paunahan tayong makaubos ng Jujube latte at ang matalo, may punishment." - Michael. 

" Ano namang punishment? " -

" Yung mananalo na ang bahala doon. ^.~ "

                    Asus, may pakindat-kindat pang nalalaman 'tong si Michael ah. Akala niya 'di ako lalaban?!? Siyempre, lalaban ako!   ^o^

"O, sige . . . Game? " -

" Game! " - Michael

                    Pagka order namin ng Jujube latte ay agad na kaming nag-ready . . .  

READY - SET - GO ! ! !

*Kain

*Higop

*Nguya

*Lunok

                    Lahat na, kahit ano . . .  Ginagawa ko para maunang makaubos nitong Jujube Latte kaya lang hindi ko talaga trip yung lasa niya ehh. >3<

                    After 5 mins . . . Dumating na sina Luxie kasama yung mga kabarkada ni Michael.

" Waaahh!!! Shine, samahan mo ako sa restroom! " - sabi ni Luxie sabay hatak sa'kin. Anyare sa babaengito??? o.O

Truth or Dare? ♥ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon