Sunshine's POV
Malapit na ang uwian namin. Kinakabahan ako . . . Paano kung kidnapper pala siya?! Tapos gagamitin niya ako para maka-hingi ng ransom money. O_O oh my!!! Ayoko ng ganun . . . Ang mabuti pa, isama ko na lang yung isa ko pang kaibigan, si Michelle.
"Mich, samahan mo naman ako." -pag-aya ko sakanya.
"Saan?" - Mich
"Sa mall, natatakot kasi ako ehh." -
"Edi huwag ka na lang tumuloy . . . Teka, bakit ka ba natatakot?" - Mich
"Kasi may nakilala akong new friend kahapon, tapos sabi niya magkita daw kami sa mall, dahil mas gusto niya pa daw akong makilala . . . Eh paano pala kung masamang tao pala siya? . . . Malay mo kidnapper pala siya or something . . ." -pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Grabe ka naman! Masamang tao agad?! . . . Saan mo ba nakilala yang NEW friend mong yan???" - Mich
"Dito din sa campus natin." -
"Nyek! School mate naman pala natin ehh . . . Puntahan mo na! " - Mich
"Eh, kaya nga samahan mo ako!" -
"Sige na nga . . . " - Mich
Sa mall . . .
"Uy, ayun na pala sila, bilisan natin!" - ako
"Oh sige . . . Masyadong excited to oh! " - Mich
Michael's POV
Nakita ko si Sunshine na papalapit sa amin. Ayos! May kasama din siya katulad ko! ^__^
"Uy, Michael meet my friend, si Mich." -Shine
"Ah, eh . . . hello sa inyo ^__^ ako si Michelle Stephanie Vargas, you can just call me Mich." sabi ni Mich . . . Halatang uneasy siya. Siguro na-iilang pa siya sa amin.
"Ah, hello din sa'yo. ^__^ ako naman si Jed Micahel Olivarez. but you can just call me Michael." sabi ko.
"At ako naman si Andrew del Rosario, just call me Andrew. ^_^" - Andrew
"Ah, nice meeting you." - Mich
"Ah . . . Wait lang ha, Shine halika muna dito ^__^." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare? ♥ (ONGOING)
Teen FictionDalawang taong natatakot na magmahal muli dahil sa kanilang unang pag-ibig. Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga landas nila nang dahil sa isang dare, muli kaya nilang matutunan ang magmahal?