Chapter 2: Who's that Guy???

138 2 0
                                    

Hammy's POV

So sobrang excited, di na ako masyadong nakatulog. Kawawa naman ang eyebags ko. :( Naunahan ko pa yata ang mama ko gumising eh. Mga 3 gising na ako. Di na ako nakatulog, di dahil sa pagiging excited kung hindi dahil sa ghosts. Medyo naniniwala rin kasi ako dun eh.

Pag 3 AM kasi malimit dun nagpapakita at nagpaparamdam ang mga spirits. Malay mo makita ko si Katie (character sa paranormal activity). Malay mo ako yung isunod niya. Magkaroon pa ng Paranormal Activity 5 at ako ang bida. Hay naku!

Bumangon na ako at dumaretso sa dining room. Nakaluto na si mama. Kumain na ako at naligo. Medyo halatang puyat ako. Ang laki ba naman ng bagahe ko sa mata. Anebeyen??! Nagbihis na ako. Uniform na ang suot. Parang ordinaryong uniform lang siya pero sosyal kasi ang ganda ng kulay. Light brown ang white. Di ko maexplain ang design pero maganda. Nagayos na ako ng buhok at mukha. Nagready na rin ako sa aking pag-iintroduce.

"Goodmorning! My name is Hammy Anne Arias. I'm 13 years old."

At sabi ng mama ko pagkatapos magpakilala give them a big, wide smile. :D

Grabe, nakakakaba naman. Umalis na kami sa bahay. Habang nagbabyahe kami naisip ko nanaman yung guy na nakita ko kahapon, ang dahilan kung bakit malaki ang bagahe ng mga mata ko. Ano kayang pangalan niya??? hay, Hammy tama na nga. Concentrate, baka atakihin ka nanaman ng kaba. 

Mga ilang minuto, nandun na kami sa KOK School. Grabe, ito nanaman ang kaba ko. Lord, sana maging ok lang ang lahat. Wag sana akong atakihin ng panic, sana maging mahinahon lang ako. Ito na malapit na ako sa classroom namin.

"Hammy!" Ay, putakte. Naku, naman si Rhealyn. Lalo yata akong kinabahan eh. Pero ok na yun at least may kasama na ako papasok. Di na ako nag-iisa.

"Rhealyn, nakakagulat ka naman eh. Halika na nga at pumasok na tayo at baka kung ano pang gawin ko sayo. " Tumawa na lang kami at dumaretso papasok. Bago ako pumasok binuga ko muna lahat ng kaba ko.

"HAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH! Ok na ko. Halika na!" Pagkakita namin madami na sila. Doon ulit kami umupo. Katabi ko pa rin yung maliit na guy. Nalaman ko rin na yung guy na to ay yung valedictorian nila. OMG! Medyo nagulat ako. Katabi ko talaga huh. 

Hindi naman sa pagyayabang pero matalino naman ako. I graduated as a valedictorian nung elementary. Pero iba pa rin dito eh. Ang pagkakaalam ko, 43 kami dito sa section na to. OMG. Grabe, pala ang pressure. 

Nagsimula na ang class. At as I expected may "introduce yourself" na. Buti na lang at nagpractice ako. Kaya medyo ok na ako. Dahil nasa likod kami. Matagal pa ako kaya may ilang oras pa ako magayos at magpratice. At syempre oras para magkaroon ng confidence. Di pa naman ako masyado sanay magsalita sa maraming tao. Gosh!

"Hammy, ikaw na! Ui!" Huh??? ako na. Ako na ba??? Kung ano-ano kasi ang iniisip eh. Ayan lalo kang napahiya. Pumunta na ako sa harapan. Nanginginig yung paa ko. Yung kamay ko malamig. Yung bibig ko ayaw gumalaw. Walang lumalabas na boses kung hindi hangin. Hammy concentrate. 

"Go ahead. Introduce yourself." sabi ni Mrs. Daez. Huminga muna ako ng malalim at nagumpisang magsalita,

"Hi! My name is Hammy Anne Arias. I'm 13 years old" Ok na. Hay! Pabalik na sana ako ng pigilan ako ni teacher.

"Ms. Arias you forgot to tell your birthday and your motto in life." Nakita kong ngumiti yung mga tao sa harapan ko. Ang engot mo Hammy. Di ka talaga nakikinig. Nagpatuloy na lang ako para di masyadong nakakahiya,

"Sorry Mrs. Daez. My birthday is on January 27. My motto in life is 

If there's a wheel, there's a way. It means that every problem in life has a solution. You just need to ask help from God so that you can solve it. " 

The Truth about Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon