Chapter 3: ACCEPT my heart...

120 3 0
                                    

"If I could fall

Into the sky

Do you think time

Would pass me by?

Cause you know I'd walk a thousand miles

If I could see you

Tonight."

(Click lang po video sa gilid to hear the music. A thousang miles by Vanessa Carlton -------------> )

 One month na ang nakalipas ng pumasok ako sa bago kong school. Naging comfortable na ako. Madami na akong nakilala. At meron na akong laging kasama. :) Mga bestfriends ko sa new school.

Syempre una na diyan si Rhealyn Famas. Maganda na, mabait pa. Chinita,maputi at matangkad. San ka pa??! Pangalawa, si Mary Gillian Lee or simply MaGi. Masyado daw kasing innocent ang Mary at masyado daw mahaba ang Gillian kaya MaGi na lang daw. Maganda rin siya at Joker. Makalaglag panty ang mga jokes niya. HAHAHA. At ang panghuli ay si Chayne Castro. Siya yung sinabi kong suplada pero di naman pala. May side na makulit din siya. Maganda siya, girly at mayaman.

Sila ang dahilan kung bakit masaya ako araw-araw sa school. Naku! Pagnagsama kaming apat, fantastic four ang kakulitan at kabaliwan. Pero syempre isa pang tao ang nakakapagkompleto ng araw ko. Ang anghel na bumaba sa lupa para sa ..... ay Hammy! Stop it! Stop your kabaliwaan. 

Ewan ko ba kung anong meron sa kanya at lagi ko siyang hinahanap at tinitignan. Parang yung mata ko sa kanya lang tapos lagi kong nafefeel na malapit na siya, na paparating na siya. Naku, Huge Ivan Opalma! Ano bang ginawa mo sa akin??? At nababaliw ako sayo!

Pagbreak time lagi na lang ikaw ang hinahanap ko. Minsan nga di na ako nakakakain dahil sayo. Minsan ka lang kasi nalabas sa classroom mo eh. Teka lang??!! Di ko pa pala alam ang section mo. Nakanaman oh! Tanungin ko kaya ulit si ate. Eh?? Baka mahalata na. Wag na nga lang. 

Ngayon ay sunday, bukas may pasok na. Medyo tinatamad na rin ako kasi ang daming ginagawa. Sulat dito, sulat doon. Buti na lang at di ako naging officer ng class. Muntikan pa! Kainis ba naman si liit (Carlo) binoto ako bilang president. Kamusta naman yun, dba?! Buti na lang at nanalo agad si ??... ahhh. Si David! Yun naman ang second honor nila last year. Halos lahat yata bumuto sa kanya. Siguro mabait. Akala ko nga makakahinga na ako ng maluwag pero di pa pala. Remember Yve, ninominate niya ko bilang sergeant and arms. Anebeyen??? Buti na lang at di ako nanalo. Pero muntik na, isang boto na lang at panalo na ako. Thank God at hindi! :)

Wala namang magawa sa bahay eh, bored! Nanonood at nag-iinternet na lang ako. Facebook! Hinanap ko na yung facebook ni Huge Ivan Oplama, ilang beses ko na ngang binubuksan kaso ayoko pa rin pindutin yung Add as a Friend... natatakot kasi ako baka di niya iaccept. Pagnangyari yun, magkukulong ako sa kwarto,di na ako kakain at maliligo. Mamamatay na ako dahil sa sobrang depressed. Hay! Ang OA kong mag-isip. Siguro masasaktan lang naman ako ng bonggang-bongga. 

Pero paano ko malalaman kung di ko susubukan??! 

Conscience 1: Pano kung iaccept ka niya??? 

Conscience 2: Pano kung hindi??? 

C1: I-click mo na kasi para malaman mo. Iaaccept ka niyan. Tiwala lang :)

C2: Naku! Di ka niyan iaaccept. Sino ka ba para iaccept niyan??? Wag ka ng magsayang ng panahon. 

C1: Nasayo ang desisyon Hammy. Nasayo. 

C2: Bahala ka nga diyan. Sinasayang mo lang ang panahon ko. Makalayas na nga sa isip mo at manonood na ako ng Phineas and Ferb. Che!

Ano ba yan??? Medyo natakot ako dun huh. Pero sino ba ang susundin ko. Syempre sa ganitong sitwasyon, mananalo ang mabuti laban sa kasamaan. Parang sa movies, dba??! Laging tagumpay ang kabutihan laban sa kasamaan. 

Huminga ako ng maluwag. Dahan-dahan kong inilapit ang cursor sa ADD AS A FRIEND. Pumikit at CLICK! 

FRIEND REQUEST SENT...

OMG! Ano bang nagawa ko??? HUHUHHUHHU! Ok lang yan, tiwala lang. Mamaya-maya icoconfirm ka na niya. 

After 5 hours ng paghihintay,

Di pa rin niya ako inaaccept. HUHUHUHUHU! Dapat pala nakinig ako sa C2. Di yung inumin huh, dun sa Conscience 2. :(

NagLOG-OUT na lang ako at nanood ng movie. Thai movie, "First Love" o "A Crazy Little Thing Called Love" . Grabe, kahit ilang beses ko na siya napapanood iyak pa rin ako ng iyak. Lagi nga akong may dalang timba, di dahil sa luha ko kundi dahil sa uhog ko. Medyo nakakarelate ng konti. Pero di masyado kasi wala namang gusto sa kin si Huge. :( 

Natapos na yung pinapanood ko, tumingin ako sa orasan. 

6:37 pm pa lang pala. Naisip kong silipin ang facebook ko. Pero parang pinipigilan ako ng puso ko, pero yung isip ko READY na. Wala ng nagawa ang puso ko kung hindi ang bumitaw at ang isip ko ayun kinlick na ang log-in. 

Loading..........

Ayan na..

3 friend requests

1 message

9 notifications

Inuna ko muna ang friend request, CONFIRM. CONFIRM. CONFIRM. Tapos ang message, naku si Rhealyn lang pala. NagBABAY lang siya, kachat ko kasi siya kanina. At ito na, notifications! Yung unang lima tungkol lang sa laro, iniinvite... SCROLL DOWN.. O_o

WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Is this really true??? Is this really happening??? Kinurot ko ang sarili ko. 

"ARAY" totoo nga, totoo nga lahat ng to. OMG! 

"HUGE OPALMA  accepted your friend request." 

WHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

"Hammy, ano ba yan??? Sigaw ka ng sigaw!" 

"Sorry po mama, nanonood po kasi ako ng resident evil eh. Nagulat lang ako. Peace!" HAHAHA! Grabe, nagsinungaling pa ako. Pero di ko naman pedeng sabihin na,

"KASI MA, INACCEPT NA NG ANGHEL NA BUMABA SA LUPA PARA SA AKIN ANG FRIEND REQUEST KO! AYIIIEEEE!" 

Oh dba??! Ang halay naman. Ihampas pa ni mama ang electricfan sa mukha ko. Ay mabigat yun, plato na lang, xD

Ay, basta ang saya-saya ko! Nakakaloka na toh. Ibig sabihin FRIENDS na kami,

sa FACEBOOK! HAHAHAHA! 

"Dear Charlie,

Ang saya ng araw ko ngayon! Alam mo kung bakit kasi,

Inaccept na ni Huge Ivan Opalma ang friend request ko. Thanks to C1 (Conscience 1) kung hindi dahil sa kanya, di ko napindot ang ADD AS A FRIEND! xD 

Sana di lang kami maging friends sa Facebook, sana sa personal din. :)

Goodnight Charlie."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SALAMAT SA MGA NAGBABASA! :))) HAHAHAHA. 

ABANGAN NIYO NA LANG ANG KASUNOD. MABAGAL KASI MAGUPDATE SI AUTHOR EH. :) 

The Truth about Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon