Chapter 7.1 : Keep the change... xD

58 1 0
                                    

HAMMY'S POV

LUNCH TIME

Hyper na ako ulit! Thanks to Robi! Nakatulog ako ng konti pero sapat na yun! At ngayon, lalamon naman ako. :3

Mahaba ang pila. Ano ba yan? Gutom pa naman ako. Kainis naman oh. Ayun konti tao sa kabila. Dare-daretso akong pumunta dun. Gutom na gutom na ako eh. :) 

Nakapila na ako. Nasa dulo ako. Konti lang tao pero ang tagal naman. Puro 4th year yung nasa unahan ko, puro lalaki. Yung mga kaibigan ko sina Rhealyn, ayun hinihintay lang ako. Habang naghihintay, napatingin ako sa kabila. Madami pa rin tao, pero isang lalaki ang nakaagaw ng pansin ko...

Si HUGE!???!

Hala??! Di naman kumakain ng lunch yun huh. Tama ba yung nakikita ko. Papunta siya dito. Umayos ka HAMMY! Napatingin ako sa mga kaibigan ko at ayun nangasar pa. Mas kinikilig pa yata sila sa akin eh. Ano ba yan??! Ayan na malapit na siya! Nasa gilid ko na siya. OMG! Mamamatay na ako! :") Diba nasa dulo ako, naku mahiya naman siya wag siyang sumingit pero pede naman siyang sumingit 

.

.

.

sa PUSO KO! :"""">

Kaya ayun pumila na siya. Nasa likod ko siya. OMG! Di ko na keri ang kilig. Ewan ko ba! Feeling ko namumula na ako. Ang init kasi ng mukha ko. Pano ba naman napakalapit na niya! At syempre nahihiya ako, remember yesterday! yung nakita niya akong tumatalon at naglulupasay sa KILIG ng dahil sa kanya. Wag na ngang alalahanin yun. NaBBV lang ako eh. 

Dyosko! Napakatagal talaga. Ganun pa rin kami. Hay! Di na ako makagalaw! Ano bang itsura ko??! Di pa naman ako nakapag-ayos! Di ako ready! Nako yaan mo na nga! Tapos tumingin siya sa piliin ng food. Ako?? Todo alis ako eh, kasi nakasandal ako dun. Ano ba yan?? Medyo halata! Ok na sana kaso yung nasa unahan namin napakaBAGAL at napakaKULIT! Ang sarap itulak at pagsisigawan! Kalalaking tao napakaKIRE! 

Lalo pa akong nainis nung nadali nila ako! Dyosko! Nakakainis! Ewan ko kung anong ginagawa nila sa harapan! Bigla na lang umurong patalikod at syempre napaurong din ako, eh diba si HUGE nasa likod! Ayun, napaurong din siya! Ewan ko ba kung maiinis ako o magpapasalamat ako kasi feeling ko nagkadikit kami!!! 

Ang dami tuloy pumasok sa isip ko eh....

1.) Dahil makukulit yung nasa unahan kapag umurong ulit sila papatalikod... YUN NA YUNG CHANCE.... na magkukunwari akong mapaurong talaga ng sobra!!! ( ay, OA naman yun at baka mainis at umalis SIYA. )

2.) magkukunwaring tignan sila Rhealyn pero gusto lang siya makita.. hihihihi! :) ( pero baka iba ang mangyari! Pano kung malapit siya tapos nakatingin lang siya sa likod ko naghihintay! Tapos bigla bigla na lang ako haharap......  

:><: -----nagetsz nyo ba!!???! BAKA MAGKISS kami! HAHAHA! Ay, ewan! Masyadong OA na ako.

3.) pede rin namang maghintay na lang ako at hayaan ang destiny o si LORD na gumawa ng plano para lalo pa kaming mapalapit ng husto :"">

HAY! Di ko alam na nakangiti na ako! Pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya! OMG! Nakakahiya! Nakita nanaman niya akong kinikilig sa kanya, Anobayan????! Sobrang nakakahiya na huh! Tumalikod na lang ako ulit sa kanya at hinintay matapos yung sa unahan. 

Makalipas ang halos 9,999,999 billion years natapos na yung mga lalaking makikire. At kami na lang dalawa! :") Bakit kaya ganun?? Walang ibang pumipila?? Parang kami lang talaga noh. Tapos ito pa umalis pa si ate, kukuha yata ng ahmmmmm... ewan ko. Panukli???! Wala ng barya. Ang laki kasi ng binigay nung lalaki kanina, 500 pesos! Dyosko naman! Edi, naiwan pa kaming dalawa dun!

Awkward! :") 

Hulaan niyo kung anong ginagawa ng tatlo kong kaibigan?!!! AYUN, NANGANGASAR! Dyosko! Hiyang-hiya na ako! Nahahalata na siguro ni Huge! Lagot sila sakin mamaya! Tinignan ko sila ng masama at effective, tumigil din sila! Lalo tuloy akong kinikilig eh.

Sa wakas, bumalik na si ate. Ayun pumili na ako ng ulam. Pumili na rin siya. :"> Parang date! HAHAHA! Alam niyo yun, yung nasa isang fast food tapos kayong dalawa lang. Pumipili ng pagakain. Ay, ewan! Edi, pagkabigay sakin ni ate, kumuha na akong kanin at kutsara't tinidor. At nagbayad na ako... at UMALIS na. Kahit ayaw ko pa. Kahit gusto ko pang manatili sa tabi niya, sa piling niya pero hindi tama. Pero kailangan kong umalis kasi

.

.

.

NAGUGUTOM na rin ako! xD

Medyo malayo na ako ng may tumawag sa akin.

"ATE!" Huh??! Ate?? Paglingon ko si.................. HUGE!!!!!!!!! 

"Ahhh, ehhhhh, ba-bakit p-po??" Nangangatal sa takot?? Ahmmm.. nangangatal sa KILIG! :")

"Nakalimutan mo.." inabot niya ang 50 pesos??? HALA!?? Oo nga noh! May sukli pa pala ako! Ano ba yan??? Nakakahiya!!! 

"Ahhhh, salamat!" Namumula ako sa HIYA at KILIG! OMG! Nahawakan ko yung kamay niya! Anebe??! Pulang-pula na yata ako eh, 

Akala ko ok na pero may ginawa pa siya na nagpakilig sakin...

"Miss ok ka lang ba?? May lagnat ka ba??" Bigla na lang niyang hinawakan yung forehead ko. OMG! Di ko na kaya. Kinikilig na talaga ako....

Sasagot na sana ako ng nagsalita siya....

"Oh kaya naman KINIKILIG ka nanaman sa akin. HAHAHA! Sige, alis na ako...." WHAT!??! Sabi na eh, magyayabang nanaman siya. WAHHHHHHHHH! Napahiya nanaman ako. -_- 

"Dear CHARLIE,

Guess what??! Napahiya nanaman ako sa kanya! Ano bang problema ng tadhana??! Napapansin niya nga ako pero dahil sa kahiya-hiyang rason! WHY OHHHHH WHY??! Huhuhu :'( Di ko na yata siya kayang makita. Ayoko ng madagdagan ang mga kahihiyan ko! Tama! Iiwas na lang ako. Lalayo muna ako. Di muna ako magstastalk! HAHAHA! Kaya ko yan! Kayang-kaya ko yan! Ako pa, si HAMMY ata toh! :)) FIGHTING! :)

Magfofocus muna ako sa studies. Malapit nanaman ang Quarterly. Ang bilis noh! Mag-iiba nanaman ng upuan. Ayoko pa! Masaya na ako sa upuan ko eh. :)

REMEMBER: IWASAN MO NA SI HUGE! KAHIT MGA ILANG ARAW LANG. PARA MAKALIMUTAN KA NA NIYA AT YUNG MGA KAHIHIYAN MO! KAYA MO YAN HAMMY! FIGHTING! :)) - Charlie:)

GOODNIGHT CHARLIE."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

TRUTH: Yes! Ngayon totoo yan! Totoong nagkasabay kami sa pila. Totoong nagkadikit kami. Totoong naiwan kaming dalawa. Ang hindi lang totoo ay yung SUKLI! Totoong nakalimutan ko yung sukli ko pero hindi niya binigay yun. Pagkatawag sakin ni ATE, napatingin ako. Nakita ko si HUGE!! Nakatingin din sa akin. Nakakahiya! Bumalik ako at kinuha yung sukli ko. Hindi ko nahawakan yung kamay niya. :( Pero ok lang. Sapat na yung nagkadikit kami. Thanks to kuyang makulit sa unahan! :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AYAN HUH! ANG BILIS KONG NAGUPDATE! HAHAHA! SALAMAT SA PAGBABASA. WAG PO SANA KAYONG MAGSAWA! LOVE YOU GUYSSSS :*

The Truth about Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon