Lauren : hoi panget,pwesto ko yan,umalis ka dyan!
Parang walang narinig yung nakaupo na patuloy lang pakikinig ng music sa Ipod niya.
Lauren : (hinampas yung nakaupo) Alis sabi eh!
Julie : (pinatay Ipod) Ako ba pinapaalis mo?
Lauren : Sino pa ba?Ikaw lang naman naka-upo dyan,ikaw lang panget na nakikita ko lagi!
Julie : Ako panget?
Lauren : Oo,at saka ang taba mo!
Julie : (Kumuha ng salamin tapos tinapat sa mukha ni Lauren) Yan ang tunay na kahulugan ng panget!
Lauren : Aba’t ——
Julie : (pinutol sasabihin ni Lauren) At anong sinasabi mong mataba?Ang payat ko nga eh,ikaw kaya ang mataba!
Lauren : Hindi ako mataba,ikaw yun!
Julie : Ikaw ang mataba,tingnan mo nga ang balakang mo,ang lapad,hindi pa proportion,para kang lalaki!
Lauren : Ikaw somosobra ka na!
Julie : Ikaw ang somosobra! Alam ko naman kung bakit ka nagagalit sa akin eh,kase hindi ka na ulet pansinin ni Magalona,sabagay sino bang papansin sa babaeng napakalaki ng bunganga pati mata,tingnan mo nga sarili mo sa salamin!
Lauren : Ang sakit mo magsalita ah!
Julie : Ikaw ang nauna,binawian lang kita,dyan ka na nga,wala kang kwenta kausap!
At umalis na nga si Julie,iniwan nanggagalaiti si Lauren.Nagpunta si Julie ng room kung saan naghihintay sa kanya si Elmo.
Elmo : Balita ko nag-away na naman kayo ni Lo ah.
Julie : Ah yun ba,nakakainis kase eh!
Elmo : Sana hindi mo na lang pinatulan,alam mo naman na walang breeding yun eh.
Julie : Aba alangan pabayaan ko yung EX mo na yun,ndi ako papayag na awayin niya lang noh,ewan ko ba sa’yo kung ano nagustuhan mo dun!
Elmo : Hoy Julie,isang linggo ko lang yun naging GF at alam mo kung bakit ko siya naging girlfriend.
Julie : (natatawa) Bakit nga ba? Nakalimutan ko na kz dahilan eh.
Elmo : (napangiti na din) Di ba ikaw nagpasimula nun,ang sabi mo ipapamalita mo bakla ako pag hindi ko siya niligawan at ndi naging GF ng isang linggo,ikaw pa naman pag nagsalita na,ginagawa mo nga at ang mga tao naman dito sa school paniwala agad sa’yo.Wala tuloy ako choice kundi pagtiyagaan kasama siya ng isang linggo!
Julie : Ha! Ha! Ha! Natatawa nga ako sa’yo noon eh,isang linggo kita pinagtawanan kz hindi lagi maipinta mukha mo haha!
Elmo : (humarap kay Julie) Akala mo ba papalampasin ko yung ginawa mo?Hindi noh!Pagbabayaran mo yung ginawa mong yun!
Julie : (biglang kinabahan kase sobrang seryoso ni Elmo) Anong ibig mong sabihin Elmo?
Elmo : Pinahirapan mo ako ng isang linggo,pahihirapan din kita!
Julie : (napalunok) Teka Elmo hindi ko naman sinasadya yun eh,ikaw kase lagi mo na ako niloko kaya ko lang nagawa yun!
Elmo : Kahit ano pa dahilan mo ndi ko tatanggapin,kahit mag-sorry at lumuhod ka pa dyan,wala ka din mapapala,isang linggo din kitang pahihirapan.
Julie : Anong klaseng pahirap yan?Letse Elmo,ayoko ng lokohan hah!
Elmo : (ngumisi) Magpapanggap ka lang naman na girlfriend ko.