Chapter 6

3.7K 79 1
                                    

Maddie's POV

Nag dinner na kami at buti na lang di ako pinabayaan ni Bea na mailang sa family nya. Very welcoming din naman sila Tito, Tita and Kuya Loel. Kinuwento nila ang kalikutan at kapilyohan ni Bea. Napapahiya na lang si Bea sa akin.

"Here, try mo 'tong sinigang ni Mommy. Best pork sinigang!!!" Ipinaglagay ako ni Bea sa bowl ko. Sya din ang naglagay ng rice sa plate ko.

"Thanks. Ang dami naman." I smiled at her at pinisil ko ng bahagya ang kamay nya. Na excite ako kasi favorite ko ang sinigang. Kahit anong sinigang pa yan except sa fish.

"Kunwari ka pa. Ang lakas lakas mo kayang kumain talaga. Mom, dad! Alam nyo ba yung food na di namin nauubos ng team, si Mads yung taga-ubos." Tumatawang kwento ni Bea.

"Bei!" Inirapan ko sya. Tumatawa lang sila Tito.

Nagsimula na akong kumain.

"Oh my gosh, Tita! This is so good! You should teach Bea and I how to cook this!" Tuwang tuwa ako. Ang sarap kasi talaga. Hindi lang sya sinigang na maasim. May linamnam talaga.

"Sure, Maddie. Sama ka kay Bea dito sa bahay kapag may free time kayo ulit para maturuan ko kayo." Nakangiting sagot ni tita.

Dinner went well. Nag ask lang ang parents ni Bea about my family, my hometown, etc.

"Borrow ko muna saglit si Bea ha? Dad, c'mon." Nakangiting paalam ni Tita Det. Kakatapos lang naming kumain.

Napamaang si Bea. Pumunta sila sa 2nd floor. Kami lang ni Kuya Loel ang andito sa living room.

"Maddie, do you wanna see our family room? Andun yung lego collections ni Bea." Aya ni Kuya Loel.

Nag-nod lang ako. Ayun lang at ni lead nya ang way papunta sa family room.

"This is so cool!" Lumapit ako sa Merlion na gawa sa lego.

"Si Bea lang mag isa nag buo nyan. Wala kasi ako nung time na nakuha nya yan."

"Bongga nya ha." Nakangiti ako.

"Madz..." tawag ni Kuya Loel.

"Yes, Kuya?"

"Please take care of my baby sis ha? Mas palagi ka nyang nakakasama kesa sa akin. Bea's a strong and independent girl but still, she's just a baby." Seryosong saad ni Kuya Loel.

"Of course, Kuya. You can count on me. Di nya lang ina admit pero may pagka needy si Bea na hindi naiintindihan ng iba." Sagot ko naman.

"And you do?" Tinaas ni Kuya Loel ang kilay nya.

"Well yeah, I guess." Bigla akong nag alangan. "I'll do my best tho."

"Thank you, Maddie. This means a lot to me."

Na touch naman ako na sa akin nya inihabilin si Bea.

"Tara laro tayong NBA. Do you know how to play?" Change topic nya.

"I live to play, Kuya Loel." Biro ko.

"Atta girl!" Natawa sya sa sagot ko At inayos na nya ang consoles...

Bea's POV

"Mom... Dad... Am I in trouble? 'Cause I swear, wala akong ibinabagsak na exams." Simula ko.

"Sit down, princess..." nag pause si dad.

Andito kami sa office nya ngayon. Pinaupo nya ako sa chair paharap sa desk nya at si mommy naman, nakatayo sa tabi ni dad  na nakaupo sa swivel chair nya.

"...Or should I say, prince?" Tumawa si mommy sa idinugtong ni daddy.

"What the? Seriously dad. What's the meaning of this?" Kinakabahan na ako.

"I... WE can see the way you look at her, princess." Magkatinginan si Daddy at mommy bago bumaling sa akin.

"What???" Pamaang kong sagot.

"Princess, anak ka namin. Mahal namin ang mahal mo." -si mommy.

"Si Maddie, you like her, right? And by like, I meant, in a romantic way." -si daddy.

Natigilan ako. Napaisip.

Is IT really that obvious? Yeah, I like Maddie. I liked her from the very start. I liked her since the first time I saw her pero di ko alam na ganito ko sya kagusto na aabot sa point na mahahalata ng parents ko at icoconfront ako.

"Silence means yes." Basag ni daddy sa katahimikan at nakangiting bumaling kay mommy.

"Uuggghh..." frustrated na ungol ni mommy sabay naglabas ng, I think, ten thousand pesos. Iniabot nya ito kay Daddy. "You win."

Tumaas ang kilay ko.

"What the heck? Pinagpustahan nyo ba ang sexuality ko???" Gustong mag init ng ulo ko pero hindi ko magawa kasi mukha namang hindi galit sila mommy and daddy.

"Princess!" My dad exclaimed. "Of course not. Di namin gagawin sayo yun."

"Eh para san yan???" Turo ko sa pera. "And why did she say na panalo ka???" Nagugulohan na ako talaga. Like, seriously.

"We knew from the very start, baby." Panimula ni mommy. "Nung bata ka, binubully mo ang mga lalaki na lumalapit para makipaglaro sayo at protective ka sa girl playmates mo. Nung nag highschool ka, hindi ka pa rin nagpakita ng interest sa mga bagay na nagugustohan ng typical teenage girl. Kaya hindi na kami nabigla. Hinintay ka lang naming mag confess."

"Pero hindi naman ako nag confess, mom! Para san yung money??" Nag uumpisa na ang tantrums ko.

"Sweetheart, nakipag bet ako sa mom mo na yung ipapakilala mo tonight na babae ay ang babae na you really like." Nakatawang sabi ni Daddy.

"You guys are the worst!" Nasabi ko na lang. Wala na akong magagawa. Obvious naman daw na gusto ko si Maddie eh.

"You're still our princess tho, baby. And kung saan ka masaya, as long as wala kang tinatapakan na tao, we support you. Your mom, kuya Loel and I." Mahabang saad ni Daddy.

"Maddie seems like a really good kid. I like her." -si mommy.

"I know, right?" Nakangiti kong sagot dahil proud ako kay Maddie KO. Yes, akin sya. I won't let anyone have her. Dadaan sa butas ng karayom ang magtatry na agawin sya sa akin.

"When are you planning to court her? You're a De Leon for Pete's sake! Hindi uso sa atin ang babagal bagal." Asar ni daddy.

"Daddy naman,maaga pa. I don't wanna complicate things pa with her."

Ang totoo nyan, hindi ko pa rin talaga alam. Wala pa akong balak. Yes, may nangyari na sa amin pero gusto kong mapalapit pa sa kanya. Gusto kong malaman ang mga bagay na gusto nya, ang ayaw nya, yung nagpapasaya sa kanya, etc.

"Basta anak, we're here for you. We love you no matter what." -si daddy.

He stood up and gave me a long, tight and warm hug. Naki join naman si mommy.

"Thanks, mom and dad. I love you both!" I almost cried.

Thank you, Lord.

All Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon