Chapter 19

3.5K 86 0
                                    

Bea's POV

"Babe, bay 8." Turo ni Maddie sa family nya. Sunod naman agad ako.

Sinundo namin sila sa terminal 3.

"Wag ka na baba, ako na lang. Wala naman sila masyadong dala."

I stopped the car in front of a woman who looks exactly like my girlfriend. Huminga muna ako ng malalim to calm my nerves.

"Relax, babe. They're not gonna eat you." Maddie winked at me and I smiled. She got out of the car.

Pa cool lang ako sa harap ni Maddie pero shit! Yung puso ko! Talo ko pa ang uminom ng 20 cans ng red bull sa bilis ng tibok. Pinapawisan ang kamay ko. Para akong nasusuka na hindi ko maintindihan.

After ng hugs, kisses at kumustahan nila ay pinapasok na ni Madz ang parents at baby sis nya sa back seat.

Lumingon ako sa likod and tried to smile para itago ang kaba.

"Good afternoon po, Ma, Pa, Sachi!" Bati ko.

"Wow! Mama and Papa agad!" -si Maddie. Nagtawanan sila.

"Good afternoon, Bea." Halos sabay na sagot ng mama at papa nya.

"Bea, anak, ang lamig dito sa kotse mo, pinapawisan ka pa rin?" Puna ni Tita Donna.

"P-po?" Bago ko pa ma check, pinunasan na ni Madz ang pawis ko sa noo. Nag blush ata ako.

Shucks! Baka isipin nila maasim ako.

"Wag ka nga kasing kabahan." Natatawang sabi ni Madz.

Tiningnan ko ang parents nya sa rearview mirror. Nagtinginan ang mag asawa sa pagpunas ni Maddie sa pawis ko at nagngitian.

"Ma, Pa, kain muna tayo ha? Gutom na ba kayo?" Kunwari ay chill ako. Pinaandar ko na ang sasakyan.

I drove to MOA kasi yun ang pinakamalapit at madaming option ng kainan. Sa buffet 101 ko sila dinala para safe. Iba ibang cuisines.

Kumakain na kami. Ininterview lang naman ako ng mom and dad nya. Walang silang pinakitang hint na ayaw nila sa akin and that made me relax. Bumalik si Maddie sa buffet table kasama si Sachi. Naiwan kami ng parents nya dito sa table namin.

"So, Bea. Any plans on going to Davao with Maddie this christmas?" Tanong ni Tito JP.

"Uhm di pa po namin pinapag usapan yan pero kung invitation po yang pagtatanong nyo, pupunta po ako." I smiled at them. Ngumiti din naman sila.

1 point!

"Good. I've never seen my daugther this happy, Bea. I hope you take good care of her." Seryosong sabi ni Pa.

"Yes, Tito. Kahit po di nyo sabihin, aalagaan ko sya talaga. I love your daughter so much. I'll never do anything stupid that would hurt her." derechong sagot ko. Eye to eye para mas intense.

Nag smile ulit sila.

"Papa and Mama na lang nga ang itawag mo sa amin. Inumpisahan mo na eh." Natatawang sabi ni Papa.

2 points!

"That's good to hear pero mas gusto sana naming makita na gawin mo yang promise mo. Bea, I've seen my daughter get hurt and almost ruin her life because of love. At wala nang mas sasakit pa sa pain ng magulang na nakikitang naghihirap ang kalooban ng anak nila. Buti nga na convince pa namin sya na sa Ateneo na lang mag aral para makalayo sya dun sa amin." Sabat naman ni Tita Donna. Ay! Mama pala.

"Yes, ma, pa. You can count on me. I won't hurt her. Hindi po ganun ka kapal ang mukha ko para kilalanin kayo and tawagin kayo na mama and papa tapos sasaktan ko lang pala ang anak nyo."

All Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon