Chapter 18

4K 89 0
                                    

Bea's POV

Ang lakas pa din ng ulan sa labas. I checked my phone para tingnan kung anong oras na.

11:36am

Gising na ako kanina pa pero ayoko na atang bumangon. Sine-savor ko pa yung nangyari kagabi hehe. Tinititigan ko lang sya dito sa tabi ko. Literal na anghel yung itsura nya. Nag isip ako.

It's now or never...

"Babe..." she called sleepily. Her eyes still closed. She hugged me.

"Shh. Sleep ka pa." I brushed my fingers through her hair.

Pinakiramdaman ko sya.

Yup! She's still asleep.

I slowly got up from the bed trying so hard not to wake her up and went to find the thing in my closet.

Gotcha!

Nag shower ako ng mabilis paglabas ko ay gising na sya. Nakaupo sya sa bed at yakap ang unan ko.

"Good morning, babe." Lumapit ako para kumiss sa kanya. Lumayo sya.

"Morning breath, babe." Nagtago sya sa unan.

"Okay lang yaaaan." Kinuha ko ang unan at kiniss sya.

My baby blushed.

"Bea... stop it." Sabi nya at nagtago sya sa comforter.

"Stop what?"

"Making my heart skip beats and then make it beat super fast after." She said shyly

I smiled.

"Go take a shower. Ayusin ko lang tong bed tapos o-order na ako ng food for brunch."

"I want stuffed crust pepperoni pizza, babe." She pouted. Sign na nagpapacute sya.

Nainlove na naman ako lalo. I kissed her forehead. "Alright. Go na."

"Thanks, babe! U da best!"

Tumayo sya and went straight to the bathroom. Bago sya pumasok ay lumingon sya ulit sa akin.

"Bei..."

"Yes?"

"Para tayong mag asawa. Nakakakiliiiig!" She ran towards me. She pinched both of my cheeks and kissed my nose.

"Gigiiiiiil!!!" Sabi nya lang at tumayo na sya para kumuha ng damit sa closet.

Pagpasok nya sa bathroom ay tinawagan ko na si Jho.

Maddie's POV

"Matagal ka pa ba? The pizza's here." Tawag ni Bea.

"Just a sec!" Sigaw ko.

Ang ingay ata sa labas?

"Okay na to, Tey." -Bea's voice.

"Beh, balik na kami sa kwarto. Tirhan nyo kami ng food please lang." -si Jho ata yun? Beh daw eh.

"Thanks, guys." -Bea's voice again.

"Andyan ba sila Jho?" Pasigaw kong tanong.

"Uhh... yeah! Nagpatulong ako maglinis ng kwarto. Ang gulo eh!" Pasigaw ding sagot ni Bea.

Tinagalan ko talaga maligo. Todo scrub ako at nakatatlong beses akong gamit ng body wash.

You'll never know. Baka may ganap ulit mamaya 😈😈😈

Natatawa na lang ako sa sarili ko. Bigla akong na conscious sa katawan ko. Syempre ayoko naman na may masabi sa akin si Bea kaya hilod kung hilod! Nakalimang toothbrush ata ako. Tumigil lang ako nung nafifeel ko na dudugo na ang gums ko at three times akong nag mouth wash. Dito na ako sa bathroom nagbihis. Baka maakit na naman sa akin si Bea ng wala sa oras at ako ang gawin nyang lunch hahaha.

I got out of the bathroom.

"Surprise!"

Nanglaki ang mata ko.

Nakatayo si Bea sa entrance ng coolest blanket fort na nakita ko sa buong buhay ko.

(*see the attached media 🔝🔝🔝⬆⬆⬆*)

"Omg, babe! You built this?? Pumasok ako sa fort. Ang cool!" Para akong bata na nagpagulong gulong sa loob.

"Jho and Tey helped me." Pumasok din sya sa fort. Nag indian sit sya, gumaya naman ako. Magkaharap kaming nakaupo.

She took both of my hands and squeezed it gently. She looked straight into my eyes.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ughh Bea.

"Madeleine Yrenea Madayag... I love you so much! You're literally the best thing that ever happened to me. Everything's better when you're around and I can't seem to last a day without you. You're my weakness but it's you who I get my strength from. Being with you is like one hell of a roller coaster ride and I won't mind riding it over and over again. You can light up my world just by smiling. You stole my heart a long time back and, I don't need it back. I don't know where to start to explain how much I love you. To understand the intensity, you'll have to dive in my heart. "

"Bei..." my voice started to shake.

She took out a golden necklace from her pocket. It spelled out Beaddie.

"Turn around." Utos nya. Sumunod naman ako agad. Ikinabit nya ang kwintas sa akin and I felt her kiss my nape. Nagtayuan ang balahibo ko. Iniharap nya ako sa kanya. Hinawakan nya ulit ang dalawa kong kamay. Ang lamig ng kamay nya.

"Maddie, will you be my girlfriend? As in my official girlfriend? With an official anniversary? All strings attached?"

"Yes, Bea! Yes!" I pulled her and kissed her.

Tumulo ang luha ko. Di kinakaya ng puso ko ito! She wiped my tear with her thumb.

"I love you so much, babe!" She hugged me.

"I love you too, babe. So much!"

Tumayo si Bea at tumakbo sa bintana at binuksan yun.

"Girlfriend ko na si Maddie!!!" Sigaw nya sa ulan.

"Bea!" Tawag ko sa kanya.

Kinuha nya ang box ng pizza, inabot nya iyon sa akin at kumuha pa sya ng soda, ice cream, chocolate, and chips. Dinala nya lahat ng food na makakaya nyang dalhin pati na laptop nya.

"I'm sorry I couldn't take you out on a proper date. May bagyo kasi. Ayoko naman maanod tayo sa baha. First day pa lang natin as official couple tegi agad tayo sa bagyo." Natawa naman ako. Pinlay nya ang movie.

Kumuha sya ng slice ng pizza at isinubo sa akin. I took a big bite on the pizza.

"Easy, Madzilla!"tumawa sya. Na kirat na naman lalo ang mata nya kaya natawa ako.

"Anong title ng movie?" Tanong ko. Ako naman ang nagsubo sa kanya.

"Friends with benefits." Sagot nya sabay wink. "Parang tayo nung una, babe."

Sinuntok ko ang braso nya at inirapan ko sya. Tumawa sya.

"Joke lang. You're my girlfriend now. Nothing and no one can ever take you away from me."

Kinilig na naman ako.

"Bei." Tawag ko sa kanya.

"Yes, babe?"

"I went home to Davao to tell my parents about you."

Nasamid sya at naibuga ang food nya.

"W-what??" Kitang kita ko kung paanong namutla ang mukha nya and I swear! Parang tumibok ang cute nyang ilong.

"Alam mo kung di mo ginawa yung ginawa mo ngayon, ako sana ang gagawa ng move para maging tayo na kasi inip na inip na ako kakahintay na magsalita ka about sa atin. Nagseselos na ako ng wala naman akong karapatan. Kaya yun. I asked Marco for advice. Sabi naman nya, wag na daw ako pa-chicks at maghintay pa sayo. I should take control na daw. Atat na atat na ako maging tayo kaya I flew agad to Davao to tell Mama and Papa about you and about us."

"Talaga??? Anong sabi nila? Nagalit ba sila sayo??" Napainom ng isang basong soda si Bea.

"Their flying here to Manila just to meet you."

Bea's jaw dropped.

All Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon