Chapter 1 - War Zone
"This is nonsense!" naiinis sya.
sa totoo nyan, ayaw nya ng ganyang klase ng pag-arte. Parang gusto tuloy nya hilain palabas yung mga karakter sa loob ng screen para ipalit yung sarili nya doon at sya na lamang ang umarte.
*tok
*tok
*tok
"Get out!" sigaw nito sabay hagis ng unan sa may pintuan ng kwarto nya.
Saktong pagbukas ng pintuan nasalo nito ang unan na tatama sana sa mukha nya.
"Tss--Ano ba!" reklamo nito.
"I said get out!" mariin na pagsigaw nito.
"You brat--nababaliw ka na naman ba!?"
"Aish!" iritadong reklamo nito.
Mula sa pagkaka-upo, bigla syang dumapa sa bed sabay hatak ng kumot at talukbong sa buong katawan niya.
Nilapitan nya ito para yugyugin..
"Shandrae....Hoy!"
"......." pero wala pa rin itong kibo.
"Isusumbong kita kay mama.."
"........" wala pa ring imik.
"Isusubong kita kay papa"
"........"
"Isusumbong kita kay lo----"
"KUYA!!" bigla namang bangon nito habang masama ang tingin sa kuya nya.
Napangisi na lamang ang kuya nya. Alam nyang walang ibang kinakatakutan ang kapatid nya kundi ang lolo lang nila.
"ano ba kasing problema mo ah! Bakit nandito ka sa kwarto ko? " inis na sigaw nito.
"eh ikaw anong problema mo ha, makasigaw ka sapukin kaya kita dyan hmm." itinaas niya ang kamay kunwaring manununtok pero ang totoo sa hangin lang naman.
Napayuko tuloy si Shandrae.
"Kuya! Ano ba!" asar na asar namang tiningnan ni Shandrae ang kuya nya sabay tayo ng nakapameywang habang masama ang tingin nito
"kuya ano ba. ..blah..blah..blah" ginaya nya ang tono ng kapatid.
"argh! I hate you Clinth Jez Saavedra !!! Isusumbong kita kay papa!" tumakbo sya sa palabas ng kwarto nya sabay sarado ng pinto ng pabalibag.
Isang ngisi ang pinawalan nito... Nanalo na naman sya.
sa kusina...
Mabilis na tumakbo sa hagdan pababa si Shandrae.
"Pa! Papa si Clinth inaaway na naman ako! " nakasimangot siyang umupo at ipinatong ang baba sa dalawang brasong nakalagay sa lamesa. Nakangalungbaba na siya ngayon.
"Oh Drae anak.. Nag-aaway na naman kayong dalawa ng kuya mo?" tanong ni papa.
"Pa siya po nang-away sakin.. "
"Hoy leewaana Shandrae, tigilan nyo na yang away-bata nyong dalawa ng kuya mo ah. Baka gusto mong pag-untugin ko kayong dalawa! " sigaw ni mama mula sa kusina.
Wala na syang naisagot pa, dahil pagsumagot pa siya baka magliparan na naman yung mga gamit sa kusina.. May pagka-amasona pa naman nanay nila.
Saka alam nya kasing tama ang mama nya baka totohanin pa nitong pag-untugin nga silang dalawa ng kuya nya..mas lalong malaki ang problema.
"kumain ka na anak" utos ni papa. Saka ito tumayo. Pinuntahan nya si mama.
Lumapit din sakin si papa. "Bye princess." sabay kiss ni papa sa cheeks ko. Saka nagderetso na palabas ng bahay.
CEO sa isang kompanya ang papa nila, kaya kailangan maaga siyang umalis ng bahay.. Marami kasi siyang paper works na kailangan tapusin.
kumuha siya ng pancake at nilagyan iyon ng strawberry syrup..
"Oh hot chocolate drae." inilapag ni mama sa side ko.
"Mommy. I want milk pls."
Napatingin naman si Shandrae sa hagdan...
Bumaba mula rito ang bunso nilang kapatid na kinukuskos pa ang mata.. mukhang kagigising lang nya..
Tinuloy na lamang ni Shandrae ang pagkain para makatapos na sya at makapasok na..
"Excuse me Shan, thats my seat.. "
Naningkit ang mga mata ni Shandrae dahil sa tinuran ng kapatid.
"Sorry the chair is already in use pls find another. Thank you." pokerface na sabi nito.
"Mommy!! Shan annoyed me! " nagpapapadyak pa sya sa floor.
"Shandrae ano na naman yan ah!" sigaw ng mama nila mula sa kusina..
"what the----Argh! You little boy! What's your problem huh!?" inis na bulyaw nito sa kapatid.
"You are my problem." walang emosyong sabi nito.
Masamang tingin lamang ang ipinukol niya sa bunsong kapatid. Nagsusukatan na sila ng tingin, walang gustong bumitaw.
"Padaan nga." dumaan ang kuya nila sa gitna ng dalawang kapatid na nagtititigan ng masama..
Kumuha siya ng pagkain na parang walang nangyaring away sa pagitan ng dalawa nyang kapatid.
"Tss. Magsama kayong dalawa!" inis na umalis si Shandrae sa hapagkainan at nagderetso na pataas ng kwarto nya. .
====================================================================================
hanggang dito muna ang update. Hehe. Marami pa akong dapat ayusin.. Thanks po sa pagtangkilik ;) Godbless.
BINABASA MO ANG
Ako + Siya = 1
General FictionAko + Siya = 1 A story written by: I'mASecretWriter Naniniwala akong "Imagination is more than knowledge" sabi nga ni Albert Eistein. E ang tanong ko : Saan ba nanggagaling ang imagination? malamang sa utak. Saan ba nanggagaling ang knowledge? m...