Chapter 10 - To The Rescue
*BLAG!
"Who's that?" Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking pisnge..
Nilapitan ko ang pinaggalingan ng ingay.. "Sinong nandyan?" wala pa ring sumagot...
Nakita ko ang pintuang nakaawang sa likod ng locker..May pintuan pala rito? Sa tatlong taong pag-aaral ko rito sa eskwelahang ito ngayon ko lamang ito nakita..Nilapitan ko ito at binuksan ng tuluyan... nagulat ako sa aking nakita, isa pala itong lagusan...lagusan patungong Auditorium na pinaniniwalaang may nakatirang masasamang espiritu.. ngunit hindi naman ako naniniwala sa mga ganon..
Nilibot ko ang aking paningin, madilim ang buong paligid, madumi halatang hindi na ginagamit, sobrang maalikabok, puno ng sapot ng gagampa at upuang sira sir----
*BLAG!
Napatalon ako sa gulat, muntikan pa akong mapasigaw dahil sa biglang pagsara ng pintuan...teka...
Tumakbo ako patungong pintuan, pilit kong binubuksan ngunit ako'y bigo....nanlulumo akong napa-upo...TAKOT..takot ang aking nadarama sa kasalukuyang ito..Muling umagos ang maiinit nalikido sa aking pisnge...
"Buksan nyo ito!" Sumisigaw ako sa kawalan.
Hinahampas ko ang pintuan gamit ang aking kamao, alam kong wala na itong lakas dahil nanghihina na ang aking katawan, alam kong wala ng makakarinig sakin pero nagpatuloy pa rin ako sa aking ginagawa, wala na akong pakialam kung nananakit na ang aking kamao, ang tanging nasa isip ko lamang ay makaalis sa lugar na kinasasadlakan ko.....
Unti-unti nang bumibigat ang aking paghinga, nahihirapan na 'ko...
natulala na lamng ako habang hirap sa paghinga...nagpa-flashback ang mga nagaganap sa aking buhay sa mga nakalipas na mga araw...Wala na akong kaibigan...wala nang tutulung sa'kin...
Someone's POV
Library....
"Nicholas Sparks...Hmmm, J.K Rowling..." ano bang magandang basahin? Puro books of drama's ang nakikita ko rito sa section na 'to kundi man puro magical..Hay..wala bang horror?
"Ah..ito---"
"Ano nagawa mo ba?"
"oo naman. paniguradong takot na takot na yun sa mga oras na'to hahaha" mala-demonyong tawa nito.
"Sssh... wag kang maingay baka may makarinig sa'tin."
Nasa harapan ko lang sila...napapagitnaan lang kami ng mga libro, alam kong hindi nila ako napansin dahil sa makakapal na librong humaharang sa pahitan namin...
Aalis na sana ako... pero napatigil ako bigla...
"Siguraduhin mo lang na hindi ka papalya dyan ah. Ayokong malaman ng babaeng yun na ako ang may pakana sa kanya nun.. Alam mo naman ang kaya niyang gawin."
"Sure Madam! I'm very very very sure! haha walang tutulong dun kasi nag-away sila ng bestfriend niyang warfreak..haha"
"Pano mo naman nalaman aber...?"
"Narinig ko kasi silang nagsisigawan knina pero di ko naman naintindihan pinag-uusapan nila.."
"Okay good. tara na baka ma-late pa tayo.."
Parang may kung ano sakin na tulungan kung sino man yung taong yun...Bigla tuloy akong nagsisi dahil nakinig ako sa usapan ng mga witches na yun.
'tch di dapat ako makialam, nakinig lang naman ako.
Aalis na sana ako para pumasok sa unang subject ko...Pero namalayan ko na lamang na nag-iba na ako ng daan....hanggang sa makarating ako sa harap ng malaking auditorium...
Napakamot na lamang ako sa aking ulo.
'Tsk mukhang absent na ako sa klase nito..Ang aga-aga problema agad inaatupag ko.
Tiningnan ko ang buong lugar. Mukhang walang nadadaang estudyante dito ah... Para kasing abandoned building..
Humanap ako ng pwedeng ipagbukas sa padlock ng auditorium, may nakita akong malaking bato..kinuha ko ito at inihampas ito ngunit di ito umubra...Inihampas ko muli ito ng buong lakas at saktong pagkasira nito ay umagos ang dugo sa aking kamao..nahiwa ito ng isang matulis na bagay.. kumikirot ito pero isinawalang bahala ko na lamang ito..
Pinasok ko ang napakadilim na auditorium at nilibot ko ang aking paningin..
Tumambad sa akin ang babaeng nakaputi, mahaba ang buhok, nakatirik ang mga mata at..at...
Isa lang pala iyon sa aking imahinasyon..
Hays. kung ano-ano ng naiisip ko... Naglakad-lakad ako hanggang makarating ako sa pinakadulo ng auditorium.. may pintuang kulay puti, nilapitan ko ito at nakita kong may taong nakasandal rito mukhang hindi na gumagalaw, dali-dali ko siyang nilapitan...
"Miss...Ok ka lang?" Nakayuko siya. Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga..
"H---hindi....ak--ako...ma---makahi--hinga.." Ano daw? hindi siya makahinga?
Iniagangat ko ang ulo niya para makita ko ang mukha niya..
"I--Ikaw!?" tss. kung minamalas ka nga naman oh.
Hindi na siya makapagsalita..namumutla na siya..Pambihira anong gagawin ko? Mamamatay na ba siya?
"K--kaya mo bang maglakad?" umiling-iling siya.. Itinayo ko siya pero bigla na lamang siyang natumba at nawalan ng malay. Buti nasalo ko siya.. wala na akong choice kundi buhatin siya..Ipinasan ko siya sa aking likuran..
Tumakbo ako ng napakabilis papuntang clinic..Pinagtitinginan na kami ng ilang mga estudyante, break time na pala kaya madaming tao sa campus..
'Pambihira ang bigat niya!'
Malapit na kami sa clinic ng may humarang sa dinaraanan ko.
"Anong nangyare sa kanya?" kita mo sa mukha niya ang labis na pag-aalala...
"Pwede ba pare lumayas ka muna sa dinaraanan ko kung ayaw mong mamatay 'tong kasama ko." bigla naman siyang umalis saka ako tumakbo ng pakabilis-bilis..
Nilagay agad siya sa clinic beb at may kung-ano-anong ginawa ang nurse sa kanya..
"Uhm Sir yung kamay nyo po may sugat..Gamutin po natin." wala na akong nagawa, pinapunta ako sa kabilang bed katabi nung babaeng dinala ko rito saka ako ginamot.
"Shan..ok ka lang ba?. Ugh! di ko mapapatawad sarili ko pag may nangyare sayong masama..Gumising ka na nga, ok na tayo diba? Dito lang ako sa tabi mo, di kita iiwan." sumunod pala yung lalaking humarang sa daanan ko kanina.
Tch. ingay.. Para siyang baliw, kinakausap yung walang malay..
Hays.. how I hate dramas..Makaalis na nga..
Dalawang subject na hindi ko napasukan....Dalawang beses din ako naabala nung babaeng yun...
Tch.. Humanda siya pagkagising niya...sisingilin ko na siya..
=====================================================================================
Sino si Someone slash Super hero at anong sisingilin niya sa ating bida?
Let's find out sa next chapter.
*****
Waaaaaaaaah kapagod magtype ah! haha Yan na ang haba na ng update ko, di 'to keri ng utak ko ha...
=====================================================================================
BINABASA MO ANG
Ako + Siya = 1
General FictionAko + Siya = 1 A story written by: I'mASecretWriter Naniniwala akong "Imagination is more than knowledge" sabi nga ni Albert Eistein. E ang tanong ko : Saan ba nanggagaling ang imagination? malamang sa utak. Saan ba nanggagaling ang knowledge? m...