Chapter 3- Memories of the past
~~~~~Past~~~~
"Seriously Tim?." poker face ko siyang tiningnan.
"Bakit?" inosenteng tanong nya.
"Yun lang talaga ang pinunta mo dito?" bored na sabi ko.
Yung sadyang pupuntahan ka sa bahay nyo para lang sabihin o ik-kwento ang isang bagay na hindi naman mahalaga -_-
"Oo. hahaha. Grabe talaga Shan, kung nakita mo lang yung mukha nya. h--hahhaha pambihira matatawa ka!" kung nakakamatay lang ang pagtawa.. siguro matagal na 'tong pinaglalamayan.
Inilapag ko yung juice at sandwich sa lamesa. "Oh." sabi ko.
Inusisa nya yung sandwich na nilapag ko sa table. "Hmm..nilagyan mo----."
"Oo. Alam ko namang yung letuce at pickles lang ang pinunta mo dito sa bahay namin eh."
"Thanks Best ! the best ka talaga!" sabay sukbit ng braso niya sa balikat ko saka pingot sa ilong ko.
"Uhmmm..!" pinalo ko kamay niya bago ba pumula yung ilong ko.
Isang *dead glare* ang ibinigay ko sa kanya.
"Hehehehe. Love you best!" nag-peace sign naman siya.
"Love yourself." masungit na sabi ko.
"Sungit." nag-pout naman siya.
"Tss. pagkatapos mo kumain dyan, pwede ka nang lumayas sa pamamahay ko." tumayo na ako at umakyat na papuntang kwarto ko.
"Susumbong kita kay tita saka kay tito inaalila mo ko!"
"As if namang masusumbong mo ko."
Alam ko namang di niya ko masusumbong dahil nasa Korea sila Mama at Papa, may business meeting silang in-attend-dan.
Napatigil naman siya...."Edi kay kuya Clinth na lang ! kala mo ah!" biglang sigaw niya.
"Wala sila dito sa Monday pa balik nila ni Xian...Kaya pwede ba wag ka nang magreklamo, isang baso, isang platito, isang tinidor at kutsara lang yang huhugasan mo feeling mo naman ina-abuso ka na."
"Pagkaalis mo, pakisara na lang yung gate ah!" dagdag ko saka ako dumeretso sa kwarto ko...
~~~~Present Time~~~~
"Bukas na yung party, sinong escort mo?" sabi niya habang ngumunguya ng bubble gum.
"Do I really need to have an escort?", bored na tanong ko.
"I guess, sabi sa invitation...the visitors required to have a partner before entering the party." she just shrug.
"Ang arte naman ng party niya." walang buhay na sabi ko.
"Well...He's already 21, what do you expect.?"
Yeah. He's already 21.. nung Monday pa. Nagkaroon lang siya ng post-party.. Alam ko namang parents niya ang may gusto nun..
"I expect nothing. Tara na nga pumasok na tayo."
BINABASA MO ANG
Ako + Siya = 1
Ficțiune generalăAko + Siya = 1 A story written by: I'mASecretWriter Naniniwala akong "Imagination is more than knowledge" sabi nga ni Albert Eistein. E ang tanong ko : Saan ba nanggagaling ang imagination? malamang sa utak. Saan ba nanggagaling ang knowledge? m...