Chapter 7- Exchange student
Centennial Academy.....
Leewaanaa Shandrae Yu's POV
Pagdating ko ng school parang ang tahimik, nakakapagtaka naman..
"Hey miss." tinawag ko yung isang nerd, BA student ata 'to base sa uniform na suot niya.Nilapitan niya ako pero busy ito sa pagtingin-tingin sa notes niya.
"Bakit?" hindi pa rin niya ako nililingon. Napataas na lang yung kilay ko.
"Anong meron, bakit parang walang gaanong estudyante dito? Nasaan sila?"
Inangat nito ang ulo niya "Ah nandun kasi sila sa----M--miss Yu i--ikaw po pala.."
"Why?". Anong problema nito? "Hey, i'm asking you. What's happening here?" kunot noong tanong ko.
"A--ah o--opo..Ano..ah..M--may exchange student po kasi ngayon--"
"So?"
"A--ano..nasa room 185 po siya ngayon..Nandun po karamihan yung mga estudyante.."
Napataas ulit yung kilay ko. "Doong room yung 1st subject ko ah."
"Ah Miss Yu, Pwede na po ba akong umalis? male-late na po kasi ako.."
"Edi umalis ka..bakit nagpapaalam ka pa sa akin?"
"A--ah o--opo." sabay takbo nito.
'Ang wierd nung nerd na yun ah.'
*****
Sa hallway...
"Drae!"
"Brix."
"Nabalitaan mo na ba?" excited na tanong nito sa akin.
"Alin?.. Yung exchange student daw?"
Nagtuloy-tuloy lang kami ng lakad hanggang makarating ng elevator. Pinindot ko ang 4th floor.
"Ah..Oo yun nga! ikaw ah nakasagap ka na agad ng balita!"
"*insert wala me paki stare here*"
Pailing-iling niya akong tiningnan. "You're hopeless."
"You're annoying." pokerface na sabi ko.
*TING!
inunahan ko nang lumabas si Brix, sinundan naman niya ako..
'Ang dami ngang tao.'
"Excuse me!" sigaw ni Brix.
Nagsidistansya naman sila.. Nagkaroon ng daanan para sa amin.Hanggang makapasok kami sa loob ng room...Naabutan namin magpapakilala pa lang si Mr. Transfery.
"Alchemy Jairus Nicart." then nag-bow na siya saka dumaretso sa....Left side ng upuan ko.
'NO WAY!'
"Ms.Yu and Miss Sarmiento, sit down."
Nakasimangot akong umupo sa upuan ko. Pag-upo ko, nakita ko siyang naglagay ng headset sa dalawang tenga niya.
"Don't stare at me. Baka matunaw ako." malamig na saad nito.
sinamaan ko na lamang siya ng tingin.
"I said don't stare at me." lalo tuloy sumama tingin ko sa kanya.
"I'm not starr----"
*KRING! KRING! (bell ringing)
Bigla siyang tumayo saka dere-deretsong umalis palabas ng room.
Dahil sa inis ko tumayo na lang din ako at sinipa ng malakas ang upuan niya, saka lumabas ng room.
'shocks! ang sakit ng paa ko ah! natamaan ata ingroan ko kainis!'
Lunchbreak.
sa Garden....
"Alam mo Drae ang palad mo!"
"What are you talking about?"
"Seatmate mo si Mr.Handsome.hihi." Kinikilig na turan nito.
"Tss."
'Mr.Scientist' , malas kamo. yung pangalan niyang pang science nakakairita.
"Ikaw talaga! Palibhasa si bestfriend mo pa rin ang laman ng iyong puso. hahaha."
"*insert death glare here*"
Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Hay naku, bestfriend? tss. Ayoko na marinig ang salitang yan, nabi-bitter ako.
"Joke lang! 'to naman nagjo-joke lang yung tao e. hehe"
"Say it again and your----"
"Oo na oo, hindi na. Tara na nga sa next class. Anong klase mo ba?"
"Chemistry."
"Oh sige, SocSci ako. May subject ka pa ba after nyan?"
"Wala na."
"Okay. See you after class. May isa pa ako eh. Wait me ha! Bye!" saka ito kumaripas ng takbo.
*****
Nag-experiment lang kami then after that dinismiss na rin agad kami...
'Hihintayin ko na lang siya sa garden..'
Pagdating ko sa garden...
'Aba! may nakahiga sa may spot ko! Arghh! Sino yang lapastangan na yan!'
Dahil sa inis ko pinuntahan ko yung taong nakahiga sa favorite spot ko...
"Hey! Get lost!" I shouted, pero mukhang di ako naririnig..May takip kasi yung mukha niya ng libro.
Dahil sa inis ko, hinablot ko yung libro nito..
"You--Scientist-boy!?"
Mukhang nasilaw ata siya sa araw kaya unti-unti niyang ibinukas ang kanyang mga mata. Umupo siya ng maayos.
Tss. di ba niya alam na walang natatangkang pumunta sa spot kong yan! argh! lapastangan!
"Where's my book?" walang emosyong sabi nito.
"What are you doing here? hindi mo ba alam na---"
Bigla nitong hinablot ang libro mula sa kamay ko dahilan para matumba ako.....sa kanya.
'Bakit ang bango niya?'napalunok ako bigla'
tss. what am I thinking?
"Sinira mo na.."
bigla naman akong natauhan saka ako umayos..
Tumayo na siya saka pinalpag ang sarili.Tiningnan niya ako,nagkatitigan kami... wala kang makikitang emosyon sa mga mata niya.
"You'll pay for this." saka siya tuluyang umalis.
==============================================================================================================================
Sino kaya si Scientist-boy?
Alamin natin sa susunod na kabanata :)
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
BINABASA MO ANG
Ako + Siya = 1
Fiksi UmumAko + Siya = 1 A story written by: I'mASecretWriter Naniniwala akong "Imagination is more than knowledge" sabi nga ni Albert Eistein. E ang tanong ko : Saan ba nanggagaling ang imagination? malamang sa utak. Saan ba nanggagaling ang knowledge? m...