Chapter 4- His celebration (Part I)

12 2 0
                                    

Chapter 4- His celebration (Part I)


Ashkeeyah Brix Sarmiento's POV


"Bakit ayan suot mo?" reklamo ko.

Paano ba naman naka-black dress.  

"Okay naman ah. Mukha namang elegante." 

'oo mukha ngang elegante... pang-burol lang. 

"Drae party. Birthday ang pupuntahan natin hindi burol." 

tiningnan ko yung closet nya... Halos mga black dress ang laman, bilang na lang ang masasabi mong okay... dati hindi naman ganto yung mga laman nito e. Nagbakasyon lang, nagbakasyon na rin taste niya.. tsk tsk.

"Wag ka na maghanap dyan, okay na 'tong suot ko. Tara na."

"Ito! oh." sabay hagis sa kanya nung white dress na makintab, simple lang siya.. pero alam kong bagay sa kanya.

"Seriously? bakit white? ang pangit naman ng napili mo." reklamo niya. 

"Ay naku! suutin mo na nga lang." itinulak-tulak ko siya papuntang banyo.

*********

Meanwhile....

"Oh ano pang tinutunganga mo dyan? pasok na." 

kanina pa kaya kami dito sa labas ng bahay nung celebrant, dapat kanina pa kami nakapasok. Ayaw pa kasi niya... 

"Wait nga lang diba.." huminga siya ng malim. "Nagpapahangin pa ko."

"Wow ah! kanina ka pa nagpapahangin. Kung nakakamatay lang ang hangin, isang malamig na bangkay na tayo ngayon."

"Mauna ka na, susunod na lang ako." 

"A.YO.KO. tara na !" hinatak ko siya sa braso niya para hilain papasok..

"Ayoko nga e...A--ano ba Brix!" nagpupumiglas naman siya.

"Sabay na lang kaming pumasok." 

Napabitaw naman ako sa pagkakahawak sa braso niya.

"K-Kian.." sabi nung bruha.. yan natulala na naman. 

"Oh kian, invited ka rin?" tanong ko.

"Ah oo eh." napakamot siya sa ulo niya. "sa katunayan, magkasabay lang tayong dumating.."

"Kung ganon..."

"Dapat papasok na 'ko kaso nakita ko kayo, mukhang ayaw nga pumasok ni Drae." paliwanag niya..

"Ah... so hinintay mo pa pala kami makapasok bago ka pumasok, ganon ba?"

"Parang ganon na nga.. hehe"  

"Oh I see. So ikaw na ang bahala sa bestfriend ko ah. Siguraduhin mong makakapasok yan.." saka ako naglakad....

"Teka!" pigil niya sa'kin. "Diba hindi makakapasok ang walang partner---"

"Don't worry, I have one." sabay kindat ko sa kanya. saka ako dumaretso sa entrance gate nung mansion.

********

"Ang tagal mo, alam mo yun." reklamo niya.

"Tss. Sinabi ko ba kasing samahan mo 'ko dito ah!" inis na bulyaw ko sa kanya.

"Aba't!---"

"Ano ha! sisigawan mo rin ako!?" 

"Hays naku na man oo." napasabunot na lang siya sa buhok niya. "Tara na nga." kinuha niya yung kaliwang kamay ko saka isinukbit sa kanang braso niya.

"*insert grin here*" 

sinalubong kami ng mga bouncer.

"Where's the invitation, Ma'am/Sir?" 

Iniabot na namin yung invitation card saka kami nagtuloy-tuloy papasok sa loob ng mansion.

Habang naglalakad kami sa red carpet, pinagtitinginan kaming dalawa..at yung iba ay nagbulung-bulungan.

"Sino yung babaeng kasama ni Prince Claud?"

"Baka bagong girlfriend."

"Oh.. break na ba sila ni Suzy?"

"Teka.. diba si Askeeyah Brix Sarmiento yan, yung rank 4 sa school natin."

umismid naman ako. "tss. nagbubulungan pa naririnig naman. Hampasin ko kayo ng cactus diyan e." inis na sabi ko pero mahina lang.

"Alam ko namang nagseselos ka sa mga fans ko, pero paki-usap lang...wag mo namang ipahalata. haha." sabi niya habang tumatawa.

'Aba't kapal ng apog nito!

*****

Nakita ko yung ex-bestfriend nung bestfriend ko..Aba't tingnan mo nga naman oh, nakikipagharutan sa girlfriend niyang bruha. tsk.tsk.

Tumayo ako sa table na inuupuan namin. "Oy wait lang ah." saka nagpaalam. Pupuntahan ko lang yung mokong na yun.

"Uy teka.." hinawakan niya ako sa wrist ko. "Saan ka pupunta?" nakataas na kilay na tanong niya.

"Sa ibang planeta." saka ko hinatak yung kamay ko sa kanya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "I'm serious, pwede bang sumagot ka ng maayos." seryosong sabi niya.

"Bakit di ba mukhang maayos yun----"

"Brix!" 

Napalingon naman ako sa taong tumawag sakin.

"Drae.." tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ko.. sumunod naman sa kanya si Kian.

"Kakapasok niyo lang?" tanong ko.

"Hindi naman..Uhh..medyo?..teka, is that Claud Ruzzele Fuentez?" di siguradong sagot niya habang tinuturo yung katabi kong mokong na seryosong-seryoso na nakatingin sa aming dalawa.

Yeah , He's Claud Ruzzele Fuentez.. One of the richest person in our school, the cousin of Elixir tim Fuentez, Rank 3 sa buong Centennial Academy and one of "the Populars" .

"Yes."

"Partner mo?" 

"Uhh--"

"Yes, I'm his partner...tonight." tumayo siya sa kinauupuan niya. "I'm Claud Ruzzele Fuentez." saka niya inilahad ang kamay niya sa bestfriend ko.. 


Pero tinitigan lang niya ito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ibaba ang kamay niya.

ngumiti siya habang pailing-iling. "Magbestfriend nga kayo." sabi niya sa'kin. 

Napataas na lamang ang kilay ko. 

Hinawakan ko sa braso si Drae "Please excuse us."saka hinatak pa-alis sa pwesto namin pero bago pa kami maka-alis...

Hinatak na naman ako nung bruhong Claud na 'to.

"Di nyo naman kami i-indian-nin diba?" 

tumaas na lamang ang kilay ko pati si Drae "Mag-cCR lang kami, OK?" sabi ko.


Saka ko siya hinatak palayo dun sa dalawa..

*****

"Ayun siya oh. Bilis kausapin mo na habang mag-isa lang siya."

"Ah--wait lang, magsi-CR lang ako." saka siya tumakbo sa papuntang cr.

makikita mo sa mga kilos niya na balisa siya.. 

'Hays, ayaw niya talagang kausapin si Tim.. '

=====================================================================================

Ako + Siya = 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon