Yoona
3 araw na ang nakalipas simula ng kausapin ako ni Ms. Park. Hanggang ngayon di ko pa din nasasabi kay Nanay. Ayoko kasi talaga syang iwan eh.
Napagdesisyonan ko na kausapin sya ngayon baka kasi naiinip na si Ms. Park
Hinanap ko si Nanay at nakita ko syang naghuhugas ng plato. Sasabihin ko na talaga hay.
"Nay."tawag ko pagkalapit ko sa kanya.
"Oh ineng may kailangan ka ba?"sabi nya habang nakatingin pa rin sa mga hinuhugasan.
"May sasabihin po kong importante hintayin ko nalang po kayong matapos sa ginagawa nyo."tumango lang sya at umupo naman ako sa gilid.
Mabilis lang naman sya natapos dahil nagbabanlaw na sya ng dumating ako.
"Dun tayo sa labas nak, mukang napakaimportante ng sasabihin mo."pumunta na kami sa may garden at umupo sa bench.
Dito din namin napag usapan ni Jessica yung sa sasabihin ko eh.
"Nay, di po ba sinasabi ni Ms. Park sainyo?"baka kasi mamaya alam nya na gusto nya lang na ako magsabi.
"Ang alin?"di nya nga alam huhubels. Hanuna ako pala talaga ang magsasabi.
"Nay, pinatawag po kasi ako ni Ms. Park nung isang araw."huminga ako ng malalim bago ko nagsalita uli."May inassigned po sya saken na trabaho sa Maynila. Bibigyan nya din po ako ng scholarship then may sweldo pa din po ako buwan buwan."di ako makatingin ng diretso. Ayoko syang iwan.
"Tapos? Anong sinabi mo?"
"Di ko po muna pinirmahan yung kontrata. Sabi ko po pag iisipan ko pa tsaka magtatanong po ako sainyo."niyakap ko sya ng mahigpit.
"Anak, ok lang saken. Diba gusto mo mag aral? Gusto mong mag ipon diba? Pagkakataon mona to. Palalampasin mo pa ba?"napatingin ako sakanya.
"Nay, ayokong iwan kayo dito, gusto ko ang mag aalaga sa inyo."at tuluyan ng tumulo ng luha ko. Sa totoo lang nahihirapan nako agad pag naiisip ko na malalayo ako kay nanay. Siya ang nagpalaki saakin simula ng napulot nya daw ako sa may basurahan nung bata pa ako. Di ko na talaga maalala ang nangyari saken noon pero alam kong nagsasabi sya ng totoo.
"Sshh wag kang umiyak. Mag aaral ka lang naman don diba? Dadalawin naman kita buwan buwan kaya wag ka ng umiyak. Malalayo ka man saken, matutupad mo naman ang mga pangarap mo. Ayaw mo ba non? Pinangako mo sa akin na bibili tayo ng sarili nating bahay at kotse. Sabi mo non, dadalhin mo ko sa ibang bansa, maggagala tayo."humagulgol nako. Kainis naman, sinabi ko yon after ng graduation ko ng highschool 2 years ago. Kailangan ko ba talagang malayo sa kanya?
"Nay naman eh."niyakap nya lang ako ng mahigpit.
"Pirmahan mo na. Para saakin sige na anak. Para sa mga pangarap mo."niyakap ko rin sya ng mahigpit at patuloy pading umiiyak.
---
Nandito kami ni Jessica sa plaza. Sabi nya magbonding daw muna kami bago ko pumunta sa Maynila. Sakto malapit na rin mag June. Saktuhan lang pala ko pagpasok sa first sem. Culinary pala ang kukunin ko mahilig ako magluto eh, kung di nyo naitatanong haha. Minsan ako nagluluto sa mansyon ni Ms. Park pag di kaya ni Nanay.Mamimiss ko tong Laguna pag lumipat ako sa Maynila. Dito kasi ako lumaki eh. Nakakaloka lang din na isipin na, makakapag aral nako uwuuu.
2 years ago, nung gumaraduate ako ng high school sinabihan ako ni Nanay na mag ipon muna para sa pag aaral ko. Buti nga di ako naabutan ng K to 12 eh kundi, baka gagraduate palang ako.
Si Jessica pala ay best friend kona simula bata. Dala dala sya ng nanay nya nung namasukan kela Ms. Park eh sa kasamaang palad namatay yung nanay nya nung 7 years sya. Kakabirthday nya pa nga lang non eh. Di maintindihan kung bat namatay nanay nya wala naman itong iniindang sakit kaya misteryo yung pagkamatay ng nanay nya.
BINABASA MO ANG
12 Boys Fell Inlove with a One Girl(Yoona and Exo Fanfic)
FanfictionIsang babae ang napatira sa isang bahay na may 12 na lalaki. Nanainlove sa kanya ang 12 na lalaki. Sino ang makakatuluyan nya? At sino rin ang mga magiging kontrabida? EXO Fanfic Yoona Fanfic.