Yoona
Kakatapos ko lang magluto ng hapunan. Nandito pa din si Ms. Park dito daw muna sya magpapalipas ng gabi bukas nalang daw sya uuwi.
Nagluto ako ngayon ng Sinigang dahil ito ang request ni Ms. Park. Buti nalang kumpleto ang stocks dito.
Inayos ko na agad ang lamesa para makakain na din sila. Pasado ala-siete na kasi ng gabi.
Nilagyan ko na ng tigi-tigisang plato, kutsara, tinidor at baso ang lamesa. Medyo nakakapanibago kasi yung kusina dito. New environment kumbaga ganon hehe.
Nilagay kona din ang kanin ay ulam sa gitna. Grabe nga yung table dito eh ang haba sa dami ba naman nila, mga 15 na upuan ata to.
Habang inaayos ko ang lamesa, may naramdaman akong presensya sa gilid, nilingon ko ito si Sehun lang pala!
"Hi Yoona."sabi nya ng maibalik ko ang tingin sa lamesa.
"Hi? Hahaha ano, patawag nalang sila hehe, pero wag mong isipin na nagiging bossy ako eh ikaw tong amo ko. Aayusin ko pa kasi yung pinaglutuan ko. Salamat!"at muli akong tumingin sakanya.
"Uh sure haha go lang yun lang pala. Gotta go."nagwink pa sya bago umalis. Loko yon hahaha.
Pumunta ko sa lababo at hinugasan ang pinaglutuan ko.
Maya-maya lang ay dumating na sila at nag tig-isa isa na sa mga upuan, hindi pa sila nagsisimula dahil wala pa si Ms. Park pero nag-uusap sila sa kung anong bagay. Umalis na ako sa kusina dahil baka maisipan pa kong chismosa pero totoo naman hahaha. Mahilig ako sa chika pero may hiya pa din naman ako lalo na't hindi ko pa sila gaanong kilala.
Napadpad ako sa malawak na living room ng mansyon. Makikita ang malalaking sofa at mahabang flat screen na t.v. Nakasabit rin ang nga naglalakihang mga picture frame at painting. Hiyang hiya ako sa sahig mga sismar, ang kintab pwede na manalamin, infairness ang ganda ko dito! Charot.
Hindi ako magaling sa pag-eexplain ng mga bagay-bagay pero isa lang ang masasabi ko, mas maganda ang mansyon ni Ms. Park dito kaysa doon sa Laguna. Napakahirap na linisan lang 'to.
Nakita ko si Ms. Park na bumababa sa hagdanan, nagulat nung makita ako dito.
"Yoona why are you still here? Dinner is ready right? Join us."hala nakakahiya! Saka di ko ata kayang makasabay sa pagkain yung mga spoiled brats na yon.
"Nakakahiya po Ms. Park mamaya na lang po ako. Hindi pa naman po ko gutom."tanggi ko. Alam ko limits ko, hindi porket napunta ako dito ay sasabay nako sa kanila.
"Don't be shy at utos ko yon. Sumabay ka na lang please?"hindi nako nagsalita at sumunod na lang. Sabi ko nga utos e.
Pumwesto si Ms. Park sa gitna nung dulong table sa right side at ako naman sa right nya at minamalas nga naman, katapat ko pa tong Luhan laki mata na sarap dukutin jusko nanggigigil ako. Pigilan nyo ko ha ang sarap manghambalos.
Nagsimula na kami magdasal na ni-lead naman ni Baekhyun na may pa-eye liner ang naggagandahan mga mata, hindi ba bakla to? Charot sana hindi barbie coz sayang na sayang!
Tahimik lang kami kumain, wala ni isang sumubok magsalita. Nakakabingi ang katahimikan. Maririnig mo lang ang kubyertos kada tumatama ang kutsara at tinidor. Gan'to ba talaga kumain mga mayayaman? Hindi ako sanay! Ang ingay kasi namin ni Jessica 'pag nakain hehe lam nyo na mga chismis! I lab that huhubels.
Buong pagkain, tahimik lang ayaw nyo ba ng chismis? Marami akong alam baka gusto nyo? Joke. Isa-isa na rin silang umalis hanggang sa kami nalang ni Ms. Park ang natira. Tignan nyo tong mga to walang galang! Pagkatapos kayo pakainin? Mga mayayaman nga naman?
BINABASA MO ANG
12 Boys Fell Inlove with a One Girl(Yoona and Exo Fanfic)
FanfictionIsang babae ang napatira sa isang bahay na may 12 na lalaki. Nanainlove sa kanya ang 12 na lalaki. Sino ang makakatuluyan nya? At sino rin ang mga magiging kontrabida? EXO Fanfic Yoona Fanfic.