Yoona
Today is the day, charot! HAHAHA. Sa makalawa pa talaga ko aalis hehe. Maka today is the day naman ako parang ikakasal eno.
Pagkatapos kong pirmahan yung kontrata, onti onti ko ng inayos gamit ko. Osige di ko onti ontiin ng mahirapan ako mag ayos sa makalawa hay HAHAHAHA.
Lately ramdam na ramdam ko na aalis talaga ko. Kasi naman si gagang Jess binigyan ako ng letter at dahil iyakin ako, nagdramahan kami kaso panira yung bruhang Imee at sinigawan kami ng maarte, sino kaya mas maarte samin yung tipong naka uniporme pang kasambahay tas kekendeng kendeng sa labas ano ha payt me!
Actually last week nasa Maynila na dapat ako kaso namove kasi may inaasikaso si Ms. Park sa Batangas ilang days sya don eh ang usapan kailangan kasama sya pagpunta namin sa Maynila.
Ngayon ay nagdidilig ako ng garden. Ako sana magluluto kaso sabi ni Jess sya nalang kasi may ipapatikim daw syang bagong specialty kaya I let her.
Mamimiss ko ang pag aalaga sa garden na to. May garden din kaya don? Sanaaaa huehue kasi ang saya kayang mag alaga ng halaman tas kausapin mo sila then biglang hahangin ng malakas.
Di ka naman magmumukang tanga tho sa iba oo pero if you really love plants, kakausapin mo sila.
Teka nga, bat napunta tayo sa halaman? Kaloka ha hahahahaha.
"Hoy Yoona!"muntikan ko ng mabitawan ng hose sa gulat ko. Napatingin ako sa sumigaw, si bruhang Imee lang pala!
"Ano na naman bang problema mo at naninigaw ka dyan? Wag kang feeling teacher di bagay sayo."at inirapan ko sya. Sinabi kong wag feeling teacher eh para syang alam mo yung super duper terror na teacher tas yung mata nanlalaki. Imagine nyo nalang hahaha.
"I heard na pupunta kang Maynila at don sa mansyon ni Ms. Park ka titira?"so what? Alam naman pala nya eh bat nagtatanong pa to? Ihampas ko sa kanya mga paso dito eh.
"So chismosa kana pala ngayon Imee? At oo dun nga may problema ka?"tinaasan ko lang sya ng kilay. Kala nya sya lang pwede magtaray?
"Aba aba sinasagot mo na ko ha! Hoy gusto ko lang sabihin sayo na wag mong lalandiin si Luhan dahil akin sya!"ano daw? Luhan?
"Sinasabi mue? Lumayas kana nga kaimbyerna to ayoko ng makipag away sayo kaya better umalis kana lang?"at tinalikuran kona sya at nagdilig nalang uli
"Kinakausap pa kita babae, wag mo kong tatalikuran!"at naramdaman ko na lang na hinila nya ang buhok ko.
Pinipigilan kong hilain nya ang buhok ko pero mukang expert sya sa pananabunot!
"IMEE BITAWAN MO NGA KO! MASAKIT A--ARAY!"shet naiiyak nako sa sakit. Ayoko na hutek naman feeling ko makakalbo nako sa babaeng to!
"WALA KANG KARAPATAN NA TALIKURAN AKO HABANG KINAKAUSAP KITA!"at mas lalo pa nyang hinila ang buhok ko!
Napaupo ako sa sakit at tuluyan ng bumuhos ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. Ayaw nya talagang pigilan ang buhok ko kahit anong hataw ko sa mga kamay nya! Di ko din maabot ang muka nya dahil patalikod nya kong sinabunutan at hindi na ko na nagawang harapin sya.
"IMEE TAMA NA NASASAKTAN NAKO! ANO BA---."napatigil ako sa pagsigaw ng may narinig akong sumigaw.
"HEY HEY HEY STOP!"at tuluyan ng binitawan ni Imee ang buhok ko.
May lumapit saamin na lalaki pero di ko nakita ang muka dahil yumuko nako at umiyak.
Nakakainis bat di ko nagawang labanan si Imee sa simpleng sabunot nya?!
"Uhm hi. Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"dinig kong sabi ni Imee sa kausap. Tamo tong bruhang to, kahit di ko sya nakikita alam kong nagpapacute sya dun sa lalaki. But still faq super sakit ng ulo ko!
BINABASA MO ANG
12 Boys Fell Inlove with a One Girl(Yoona and Exo Fanfic)
FanficIsang babae ang napatira sa isang bahay na may 12 na lalaki. Nanainlove sa kanya ang 12 na lalaki. Sino ang makakatuluyan nya? At sino rin ang mga magiging kontrabida? EXO Fanfic Yoona Fanfic.