Yoona
First day ko ngayon as a college student. Yes naman excited ako na kinakabahan. Nung isang araw dineliver dito yung uniform and schedule ko, si Ms. Park pala ang umasikaso ng scholarship ko sa Oh University. Taray ng name mapaghahalataan mong tunog mayaman.
4am pa lang gumising na ko kanina para magluto. Excited ang lola nyo ayoko malate sa first day 'no! Sana may makilala ko na mabait jusko tired of dealing with rich kids ya know, english yon ha!
At about don sa nangyari last time, tumigil na sila sa pantitrip sa'kin, parang hangin na lang ako dito sa bahay which is good for me naman kasi mapapadali yung trabaho ko dito tapos eto papasok na din ako.
Di ko alam kung gising na yung mga amo ko pero aalis na ko hehe, di ko pa kasi nakikita yung mismong school, address lang yung alam ko. Hindi ko rin alam pasikot sikot don para in case na maligaw ako, mahaba pa oras ko maghanap di ako malalate. So brainy ko talaga hihi.
Sa backdoor na ko dumaan para di ko na sila makita. Si Sehun lang naman kumakausap sa'kin. Gusto ko silang makilala lahat pero para maging mabilis na lang trabaho ko, hinayaan ko na lang na si Sehun ang kaclose ko. Makulit ako pero alam ko kung hanggang saan ang limits ko.
Mahaba pa pala lalakarin ko palabas, buti tanda ko pa. Walang tricycle na nadaan dito exclusive rin 'tong subdivision mayayaman nga naman.
Halos 20 minutes din akong naglakad bago ko makita ang gate palabas. Ayos lang exercise na din to, nakakareduce ng stress. Agad akong sumakay ng jeep. Shet kabado ako first time ko dito sa Maynila.
"Ate alam nyo po ba yung Oh University?"tanong ko sa katabi ko na mukhang high school student pero nag 'po' ako, mabait ako e.
"Ay opo ate, madadaanan naman po ng jeep yon dito lang po yon sa right side, may signs naman po kaya makikita nyo po agad."
"Sige salamat. Ingat ka pagpasok."ngumiti lamang sya at tumango, ako naman nakaabang dito sa right side.
Maya-maya lang rin ay pumara na ko. Dinala ko yung enrollment form ko kasi wala pa kong id, ipapakita lang sa guard para papasukin ako. Wow, labas pa lang alam mo ng ang hirap pumasok dito. Paano pa kaya sa loob?
"I.D. mo ineng?"nilabas ko yung form ko at binasa naman nya iyon.
"Sige pagpasok mo, pumunta ka sa may H.R. office pipicturan ka para sa I.D. mo hintayin mo na din kasi ipiprint na nila yon."
"Salamat po kuya."at pinapasok na nya ko.
Pumunta kong H.R at nagpa-ID nakuha ko rin naman agad. Ngayon ko lang natitigan yung malalaking buildings, dire-diretso kasi ako sa H.R. kaya di ko masyadong napansin.
Mukha nga mahihirapan akong makipagkaibigan nito, mga rich kids at spokening dollars sana naman di ako mabully ng mga spoiled brats na 'to.
Hindi ko din ata maiikot ang school ng buong araw, feeling ko maliligaw lang ako. Anong oras na nga ba? Tinignan ko ang oras at nakitang may 1 oras pa ko bago ang first class ko. Nako hindi ako pwedeng tumunganga lang dito dahil kailangan ko hanapin yung room na 'to. Sana pala hindi na lang ako pumayag na ipadeliver na lang ang uniform at schedule ko para naikot ko papaano. Nakakahiya rin naman tanungin si Sehun about dito sa school dahil dito sila nag-aaral lahat.
Bakit kasi initials lang yung nandito sa schedule ko? Full name ng building mga nakasulat jusko day mahihirapan talaga ko neto. Halos pare-parehas naman ng initials.
Andami ko ng napuntahan building pero hindi naman yon yung hinahanap ko, nasaan naba kasi yon?! Di rin kasi ako nakaattend ng orientation kasi okay naman daw na hindi pumunta. Nakakapangsisi naman.
BINABASA MO ANG
12 Boys Fell Inlove with a One Girl(Yoona and Exo Fanfic)
FanfictionIsang babae ang napatira sa isang bahay na may 12 na lalaki. Nanainlove sa kanya ang 12 na lalaki. Sino ang makakatuluyan nya? At sino rin ang mga magiging kontrabida? EXO Fanfic Yoona Fanfic.