ღ Chapter 10 ღ - Tutoring Sessions...

367 9 4
                                    

Twstd_sunshine!!! Thanks sa support mo girl! Gagalingan ko talaga! I swear! Love you a lot! And again... THANKS!!! :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley's P.O.V

Hanggang ngayon tumatakbo pa rin ako papuntang library at nagdadasal pa rin ako kay Lord na sana hindi pa ito ang katapusan ko. Medyo malayo rin kasi yung library sa classroom namin kaya medyo natagalan ako bago makarating sa library. Nang makarating na ako agad na akong pumasok at hinanap si Ivan. Wala na akong pakialam kung mapapagalitan niya ako basta ang importante mahanap ko siya. Buti na lang mabilis ko siyang nakita kaya lumapit na ako sa kanya. Nagbabasa siya ng libro kaya hindi niya napapansin na nasa harap na niya ako. Kinakabahan ako... Ano ba ang dapat kong sabihin? Magsasalita pa lang sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Kung wala kang sasabihin umupo ka na lang." sabi ni Ivan sa akin. Pero hindi pa rin siya nalingon at patuloy pa rin siya sa kanyang pagbabasa. Umupo naman ako sa harap niya.

"Ah... A-anong binabasa m-mo?" tanong ko sa kanya. Ang awkward kasi eh!

"Wala ka na dun." matipid na sagot ni Ivan. Mukhang galit siya kasi hindi pa rin niya ako tinitingnan. Ano ba ang dapat kong gawin? Arrggghhhh!!!!! Kainis naman oh! Bakit ba kasi na-late ako ng dating?!?

"Sorry..." sabi ko. Hindi ko kasi alam ang dapat kong sabihin kaya yun na lang ang sinabi ko. Bigla naman niyang sinara yung binabasa niyang libro at tumingin sa akin. Mata sa mata! Ginalit ko yata siya ng sobra...

"Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ni Ivan sa akin. Tumango naman ako.

"Wag mo namang sasabihin sa akin na hindi ka pa rin late?" sabi ni Ivan.

"Kaya nga sorry na di ba?" sabi ko sa kanya.

"Anong magagawa ng sorry mo huh? Alam mo bang pinag-alala mo ako..." sabi ni Ivan. Nung marinig ko yung huli niyang sinabi nagulat ako kasi... ang isang Ivan Reyes mag-aalala?!? Nananaginip ba ako?!?

"Ikaw? Nag-alala ka?" pagtatanong ko sa kanya.

"Syempre! Nag-aalala ako kasi baka hindi ka sumipot sa usapan natin..." pagpapaliwanag ni Ivan. Akala ko kahit papaano bumait ng konti tong mokong na to... hindi pa rin pala!

"Tsk... akala ko pa naman nagbago ka na! Mag-aral na nga lang tayo..." sabi ko sa kanya.

"Ano bang pag-aaralan natin?" tanong ni Ivan sa akin.

"Malamang Physics kasi yun ang itutor ko sayo di ba?" sagot ko.

"Sabi ko nga..." sabi ni Ivan. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Wala pala akong sinabi... hehe..." dagdag pa ulit ni Ivan.

"Good." sabi ko sabay tapik sa ulo niya na para bang aso. Tumayo naman ako para kumuha sana ng mga libro pero pinigilan naman ako ni Ivan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ivan sa akin.

"Kukuha ng libro." sagot ko.

"Hindi mo na kailangan kumuha ng libro. Nakakuha na ako ng mga libro." sabi ni Ivan sabay turo dun sa mga librong kinuha niya.

"Naks naman! Ang sipag ah!" kantyaw ko sa kanya sabay upo ulit sa harapan niya.

"Ang tagal mo kasing dumating!" sigaw ni Ivan.

"Kaya nga nag-sorry na di ba?!?" sigaw ko.

"Ssssshhhhh!!!!!" sigaw nung mga tao sa paligid namin. Nagkatinginan kami ni Ivan.

"Ang ingay mo kasi!" sigaw namin ng pabulong sa isa't isa. Nagkatinginan ulit kami tapos napatawa ng malakas.

"Ssssshhhhh!!!!!" sigaw ulit nung mga tao sa paligid namin.

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon