ღ Chapter 15 ღ - My Knight In Shining Armor...

332 8 0
                                    

Ashley's P.O.V

"Ash!!!" narinig kong may sumigaw at napalingon naman ako dun sa direksyon nung tumawag sa akin. At nakita ko si...

.

.

.

Will na tumatakbo palapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin bigla niya akong niyakap. At para bang automatic ay tumigil na ako sa pag-iyak at parang hindi ko na maramdaman yung sakit ng tuhod ko. Kumalas siya pagkakayakap sa akin at tiningnan ako.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Napaluha naman ako lalo. Naalala ko sa kanya si Daddy. Si Daddy kasi ang superhero ko. Siya ang laging nagpapatahan sa akin tuwing umiiyak ako at ang laging nagtatanggol sa akin sa tuwing inaapi ako. Kaya lang... wala na siya lagi sa tabi ko para protektahan ako kasi naghiwalay na sila ni Mommy at syempre kay Mommy ako napunta. Hindi ko alam kung bakit sila nag-away basta ang alam ko na lang pinalayas na lang ni Mommy si Daddy. Binibisita naman ako ni Daddy at the end of each month pero syempre iba pa rin yung lagi mo syang nakikita at nakakasama. Kapag wala ang superhero ko na si Daddy nandyan naman ang knight and shining armor ko... at si Will yun. Napayakap na lang ulit ako kay Will ng mahigpit at napahagulgol.

"Ssshhh... Tama na. Wag ka ng umiyak... Andito lang ako." sabi ni Will. Kumalas ako sa yakap at humarap sa kanya. Pinunasan naman niya yung luha ko. Napa-ngiti naman ako dun.

"Ikaw pa rin talaga ang knight and shining armor ko..." sabi ko habang naka-ngiti. Nginitian din naman ako ni Will. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong binuhat... yung parang bagong kasal.

"Hoy Will! A-ano bang g-ginagawa mo?" sigaw ko habang nagpupumilit na bumaba.

"Alam mo ang kulit mo! Wag ka na ngang gumalaw! May sugat ka sa tuhod kaya kailangan kitang buhatin. Iuupo lang naman kita dun sa may bench eh..." pagpapaliwanag ni Will. Hindi na ako nagpumigil pa. Inupo niya ako dun sa may malapit na bench at saka tinabihan ako. Nagulat ako ng bigla niyang itinaas ang palda ko.

"H-hoy! Anong g-ginagawa mo?!?" sigaw ko sabay palo sa kamay niya. Takte! Namumula na yata ako ngayon. Napansin kong parang namula din si Will sa kanyang ginawa. Nabigla siguro siya.

"Ah... eh... S-sorry! Gusto k-ko lang s-sanang tingnan y-yung sugat m-mo eh..." pagpapaliwanag ni Will na hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Ah... G-ganun ba? T-teka lang i-itataas ko l-lang yung p-palda ko p-para makita m-mo..." sabi ko. Hanggang ngayon pulang-pula pa rin ako. Itinaas ko na yung palda ko para ipakita sa kanya yung sugat ko. Nagdudugo pa rin siya at tsaka may pagkamalalim din yung sugat ko. Hinawakan ni Will yung sugat ko at napasigaw naman ako sa sobrang sakit.

"Arraaayyyy!!!!" sigaw ko.

"Naku! Sorry! Sorry!" biglang panic ni Will. Hinipan niya yung sugat ko para medyo mawala yung sakit.

"Masakit pa ba?" tanong ni Will sa akin.

"Hindi na masyado..." sabi ko.

"Malalim yung sugat mo kaya mukhang kailangan na kitang dalhin sa clinic. Itetext ko na lang yung iba para pumunta dun." sabi ni Will. Tumango na lang ako.

"Ay! Teka lang! Bago tayo pumuntang clinic..." sabi ulit ni Will na biglang dumukot sa kanyang bulsa. Nang makuha na niya yung kinukuha niya nagulat ako at ibinigay niya ito sa akin.

"Snickers?!?" tanong ko sa kanya. Chocolate kasi yung kinuha niya sa bulsa niya.

"Oo. Kainin mo na... Sabi sa akin ng Mommy ko nakakawala daw ng sakit yung chocolate kaya kainin mo na yan." sabi ni Will.

"Pero... paborito mo yan ah?" tanong ko. Paboritong chocolate niya kasi yun at kadalasan kapag meron siya nun ipinagdadamot niya ito sa lahat kahit nga sa akin eh...

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon