ღ Chapter 33 ღ - AshIv Moments: Ayaw ko sa'yo...

134 6 2
                                    

Dedicated sa aking pinakamamahal kong pinsan!!! Naks naman! Sabi sayo malakas ka sa akin eh! Tenkyu at sinoportahan mo tong storya na to! Kahit na katulad ka din ng mga kaklase kong ipinagpipilitan na si "alam-mo-na" at ako yung bida! -_- Eh hindi naman kasi talaga!!! Mas marunong pa kayo sa author! Magbasa na lang kayo! Ang daming niyong alam eh! XD Hahahahaha! Love you Kayla Padilla! Yiieee! Kilig naman daw siya sa Padilla! Hart! Hart! (Oh? Diana? Wag masasaktan! May message nga pala si Daniel sayo... "There was NEVER an US!") Hahahaha! Masingit ko lng! XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley’s P.O.V

SATURDAY

=____________=

 

Ang alam ko… Kapag Saturdays ganito dapat ang mga mukha ng estudyante…

 

^____________^

 

Dahil walang pasok ngayon… Pero! Ibahin niyo ang Sabado ko kasi madaling araw pa lang… BWISET NA BWISET NA AKO!!!! Kung bakit kamo? Eto lang naman kasi ang nangyari…

 

 

Mahimbing na mahimbing yung pagtulog ko since sobra rin naman akong napagod dun sa lakad naming magkakabarkada. Kaso sa kalagitnaan ng NAPAKA-HIMBING kong tulog bigla na lang…

♪♪ Kidnap my heart

Take me with you

Kidnap my heart

Make my dreams come true♪♪

Tumunog yung cellphone ko!!! May tumatawag pa ata sa akin. Leche! Naputol tuloy yung mahimbing kong tulog at naalimpungatan ako. Minulat ko naman ng bahagya yung mga mata ko para matingnan ko kung anong oras na ba.

.

.

.

.

.

Shit! 4:00 PA LANG NG UMAGA!!! Sino ba naman ang tatawag sa akin ng ganito kaaga at talagang inistorbo pa ang napaka-gandang tulog ko?!? Ah! Bahala siya sa buhay niya! Bangungutin sana siya sa pagtulog niya! Bwiset siya! Nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot at pinilit na bumalik ulit sa pagkakatulog.

♪♪ Take me away

‘Cause falling in love ain’t very far

Not far from the start

Kidnap my heart♪♪

Kaya lang hindi na ako makatulog pa dahil sa sobrang inis ko at dahil na rin sa leche kong cellphone na tunog ng tunog kaya naman ay sinagot ko na yung tawag nang hindi ko man lang tinitingnan kung sino yun.

“HELLO?!? ANO BANG KAILANGAN MONG GAGO KA AT TALAGANG TUMAWAG KA PA NG GANITO KAAGA?!? TANGINA NAMAN OH!” pambungad ko doon sa tumawag sa akin. Oo! Ganun kaagad! Wala nang hello hello o hi at kamusta ka na na pambungad. Hindi ko siya mapapatawad dahil sinira niya ang tulog ko!

[Wala man lang bang hi or hello dyan? Napaka-ganda naman yata ng pambungad mo sa akin…] sabi nung nasa kabilang linya tapos tumawa pa. 0.o Teka! Parang pamilyar yung boses niya eh! Ah! Ewan ko na! Wala na akong panahon para mag-isip kasi talaga namang nasususot na ako sa kung sino mang tumawag sa akin ngayon!

“OO!!! GANUN NA TALAGA ANG MGA TAO NGAYON!!! SINO KA BANG PUTANGINA KA HA?!? AT TALAGA NAMANG NAPAKA-LAKAS NG LOOB MONG TAWAGAN AKO NG NAPAKA-AGA!!!” sigaw ko ulit doon sa kausap ko. Kapag ako narinig ni Mommy malamang sa malamang papagalitan ako nun dahil sa pagsigaw ko nang napakalakas gayong 4:00 pa lang ng umaga. Kasalanan kasi nitong bwiset na to eh! Pwede naman siguro siyang tumawag ng mga 7 o di kaya 8 di ba?!? Pero hindi eh! 4:00 pa talaga ng umaga! >_<

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon