ღ Chapter 19 ღ - Everything Has Changed...

348 9 2
                                    

Ashley's P.O.V

Eto na ako sa kusina naghihiwa ng mga ingredients para sa lulutuin namin. Habang nagluluto kami ni Tita Devan syempre nagkukwentuhan din kami.

"Alam mo Ash... Gusto kita..." biglang sinabi ni Tita Devan habang naghihiwa ako ng bawang at sibuyas. Napatigil tuloy ako sa paghihiwa at napatingin ako sa kanya.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Tita?" tanong ko sa kanya. Tumigil din siya sa paghahalo nung niluluto niya.

"Ibig kong sabihin... Gusto kita para sa anak ko." sagot ni Tita Devan. Nanlaki naman ang mga mata ko. Gusto niya ako para sa anak niya?!? Teka! Sinong anak?!? Kay Will ba o kay Josh?!? Parang magulo!

"Teka lang po... Sino po bang anak ang tinutukoy niyo?" tanong ko ulit sa kanya. Napatawa naman si Tita Devan sa sinabi ko.

"Ano ka ba! Syempre... sa anak kong si Will." sagot ulit ni Tita Devan. Namula naman ako agad. G-gusto niya a-ako para k-kay Will? Ibig sabihin ba nun boto siya sa akin?!? Ayyiiieeee!!!! Kinikilig ako!!! Naman eh! Alam niyo naman na crush ko si Will di ba?!? Di ba?!? >_<

"T-talaga po?" tanong ko kay Tita. Namumula pa rin ako.

"Oo naman! In fact... kahit nga hindi sabihin sa akin ni Will. Sa tingin ko gusto ka niya." sabi ni Tita Devan. Gusto niya ako?!? Gusto niya ako?!? Waaaaah!!! Ayoko na! Baka himatayin na ako sa sobrang kilig! Oh my gulay! Ang pula ko na sobra! >/////<

"Ikaw ba? Gusto mo rin ba yung anak ko?" tanong ni Tita sa akin. Enebenemenyen!!! Mapapaamin ako ng wala sa oras eh! Sasabihin ko ba? Eh... nahihiya ako eh! Pero... mapagkakatiwalaan naman yang si Tita Devan eh... tingin ko... Psh! Bahala na nga!

"Ah... eh... Wag niyo pong sasabihin kay Will ha, Tita?!?" tanong ko kay Tita.

"Makakaasa ka sa akin!" sagot ni Tita Devan. Here goes nothing... Sasabihin ko na talaga... *fingers cross*

"C-crush ko p-po kasi y-yung anak n-niyo..." sabi ko ng hindi man lang tumitingin kay Tita Devan. Ang pula ko na kasi at tsaka nahihiya na ako. Bigla naman akong niyakap ni Tita.

"Sabi ko na nga baga at bagay talaga kayo eh!" sabi ni Tita Devan habang nakayakap sa akin at kumalas naman siya agad.

"Naku! Kailangan nating icelebrate ito!" sabi ulit ni Tita.

"Ah... eh... Di ba po Tita nag-promise po kayo sa akin na hindi niyo po sasabihin kay Will?" pagpapaalala ko kay Tita. Kung maka-react naman kasi akala mo naman kami na ni Will... Napakamot naman si Tita Devan sa ulo.

"Oo nga pala no? Haay! Sasabihin ko nga kay Will na ligawan ka na para naman makapag-celebrate na talaga tayo!" sabi ni Tita. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Balik na po tayo sa pagluluto. Medyo na pahaba po yata yung usapan natin eh." pag-aaya ko kay Tita Devan. Napahaba kasi yung chikahan namin nakalimutan na namin na nagluluto nga pala kami.

"Nawala na sa isip kong nagluluto nga pala tayo." sabi ni Tita. Kaya naman bumalik na kami sa pagluluto.

*Matapos ang ilang oras ng pagluluto...*

"Ayan! Malapit na tayo matapos sa pagluluto. Konti na lang maluluto na tong adobo." sabi ni Tita Devan. Buti na lang malapit na kami matapos! Ayoko na talagang magluto!

"Oo nga po. Sigurado ako napaka-sarap po niyan." sabi ko habang inaamoy yung adobo. Hmmm... Ambango! Hmmm... Ansarap! Nagugutom na ako...

"Talagang masarap yan. Tayong dalawa ang nagluto eh..." sabi ni Tita. Natawa naman ako kasi sa totoong lang halos lahat naman yata eh siya ang gumawa. Pero may naitulong din naman ako no! Konti nga lang...

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon