I'm Still Into You

1K 57 11
                                    

Bea's POV

"Couz, welcome back..."

Sabay yakap niya sa akin. Niyakap ko din siya. Sobrang namiss ko tong babaeng to.

"I miss you girl, ang tagal mo nawala... Buti naman naisipan mong umuwi pa..."

"Namiss din kita... Ang OA mo ah, one year lang ako nawala e.."

"LANG? Ang tagal kaya nun... Di ka pa masyado nagpaparamdam.."

"Busy lang.."

"Asus! Dahil dyan, marami kang utang na kwento sa akin, kaya tara na!"

Humarap siya kina Mama at Tita.

"Ma, Tita... Akyat po muna kami ni Bea ah..."

"Oh sige, mukhang namiss niyo ang isa't isa e..."

"Ofcourse not!" Pagtutol ko. Tapos naramdaman ko na lang na may palad na dumapo sa noo ko. "Aray!"

"Namiss mo yan di ba?" Sabi niya ng may pang-iinis sabay ngiti sa akin. Baliw talaga tong pinsan kong to.

"Kayo talagang dalawa, sige na... Umakyat na kayo, ipapaakyat na lang namin yung gamit mo Bea..."

"Sige po, Tita..." magalang na tugon ko.

"Akyat na po kami..." huling hirit ni Louise at umakyat na nga kami. Dumiretso kami sa kwarto niya at umupo sa kama. Humarap siya sa akin at umayos ng upo. "Game!"

"Anong game?" tanong ko sa kanya.

"Game na, magkwento ka na."

"Wala naman akong ike-kwento sayo.."

"Twelve months, best? Imposible..." di kumbinsidong tugon niya.

"Ano ka ba? Kanina 'couz', naging 'girl' tapos ngayon 'best'... Ano mo ba talaga ko?" natatawang tanong ko. Sa sobrang daldal nitong si Louise kung anu-ano na natatawag sa akin.

"Ganun talaga, pinsan kita at the same time bestfriend. Tsaka girl ka naman talaga ah..." pagpapaliwanag niya.

"Sabi ko nga... Haha..." walang labang sagot ko. Hindi ko naman talaga gustong gawing big deal yun e, gusto ko lang ma-divert yung atensyon niya kahit sandali.

"Tama na nga, nililibang mo ko e. Iniiba mo yung usapan..." ay, nahalata niya. Haha! "Magkwento ka na kasi.."

"Ano bang ike-ikwento ko? Lahat naman nasasabi ko sayo tuwing nagkakachat tayo, sa facetime, viber, skype... Lahat nakwento ko na, yung nangyayari sa bahay, sa school, sa kalye, sa america, kay Obama... Lahat na..."

"Lahat? Sigurado ka?" Tanong niya sakin na parang di satisfied sa sagot ko. Ni hindi man lang natawa sa mga kalokohang sinabi ko. Nagnod na lang ako sa kanya. "E kamusta naman lovelife?" pagpapatuloy niya.

"Zero!" diretsong sagot ko sa kanya. Sinasabi ko na nga eto lang naman ang gusto niyang malaman eh.

"As in wala? Sa tagal mo dun, wala ka man lang nagustuhan? Imposible naman walang nagkagusto sayo, sa ganda nating to? Wag ka nga..." Ang baliw talaga nito. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya. Pero agad ko din pinigil kasi mukhang seryoso siya. Haha.

One Shot Stories (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon