Chapter 2: Ang Unang Pagkikita

855 15 3
                                    

Chapter 2:  Ang Unang Pagkikita

Ngayon ipapakilala sa akin ang taong tututoran ko. Sana mabait siya, matiyaga at madaling turuan para hindi naman ako mahirapan.

“Mababait ba yung mga guys sa basketball team?” Tanong ko kay Khalil. Nag-try out kasi siya sa basketball team kamakailan lang. Hindi nga lang natanggap.

“Hindi ko alam.” Naiinis niyang sagot. Ay, oo nga pala ayaw niyang ipinaalala sa kanya yung nagyari. Palagi ko naman kasing nakakalimutan kaya akala ni Khalil tuloy na iniinis ko lang siya.

“I think okay naman sila.” Sabi sa kin ni Miles. Yung kuya niya pala member ng basketball team. Nagkataon pa na ang kuya niya ang Team Captain, yung tinutukoy ni Kuya Enchong na malapit sa kanya.

“Close friends pala ang kuya mo at saka si Kuya Enchong?” Tanong ko kay Miles.

“Oo.  Magbabarkada sila noong high school.” Sagot ni Miles.

“Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi?” Ngayon ko lang pala alam ito kaya ikinagulat kong malaman na kilala na pala ni Miles ang minsan kong tinutukoy sa kanila na crush ko.

“Hindi ka naman nagtatanong.” Paliwanag ni Miles. Hindi naman kasi nagsasalita itong si Miles kapag hindi pinangungunahan.

“Diba, Enchong was that guy on our orientation? The one na pinakilalang Student Council Secretary?” Tanong ni Janella.

“Oo. Siya nga yun. At saka siya rin yung nag-number one sa Dean’s list for consecutive semesters na. Kaya hanggang ngayon full scholar pa rin siya.”

 “Wow!” Napahanga din sina Janella at Khalil. Syempre, ang hirap kayang magtop sa dean’s list, lalo na kapag Architecture ang kurso. Bihira lang ang taong magaling sa arts, sa technical drawings, sa design at saka sa Math at the same time.

 “Kaya lang medyo may pagkanerd.” Dagdag ni Miles.

“Hindi ah!” Dumepensa agad ako.

Tumawa lang naman sila. Alam kasi nila na matagal ko ng crush si Kuya Enchong. Kaya lang daw, hindi nila alam ko ano ang nakita ko kay Enchong bukod sa katalinuhan niya. Baduy daw siya kung manamit at saka masyadong bookish and nerdy, parang may own world daw. Pinagtatanggol naman ako ni Janella, pero ewan ko lang if may kahalong sarcasm. “Don’t make pakialam nalang with Julia. Kasi nerd naman is the new sexy, diba?”

Hay naku, hindi naman ako nahulog sa kanya dahil sa hitsura niya. Nahulog ako sa kanya dahil ang bait-bait niya, lalo na kay kuya. Madalas kaming nagkukuwentuhan kahit kami-kami lang. Taos-puso siyang nakikinig kapag nagkukuwento ako. Higit sa lahat, napakamapagkumbaba niyang tao. Kahit napakatalino niya at napakagaling, ni minsan hindi siya nagsalita tungkol sa sarili niya at sa mga naging achievements niya. Kay kuya ko naman lang nalaman ang tungkol sa kanya at doon ako higit pang napahanga.

“O, sya nga pala, may kameet pa ako ng 4:30.” Napatingin ako sa relo ko. Mag aalas kwatro pa lang.

Maaga pa nga pero ayaw ko lang malate. Gusto ko lang na magpagood shot kay Enchong, kahit hindi ako sigurado if dadating siya.

Pagdating ko sa library, hindi ko inasahan na nandun na pala siya. Mabuti lang pala na napaaga ako. Kaharap niya ang laptop niya at seryosong-seryoso ang mukha. Kumaway ako sa kanya at nakita niya rin ako. Nilapitan ko siya at nakiupo sa harap niya.

“Ang aga mo pala, Kuya.”

“Mabuti naman na napaaga ka rin, so I can leave early pala.” Sabi niya.

Kakarating ko pa nga lang, aalis na agad siya? Nakakadisappoint naman to.

“Hihintayin sana kita rito hanggang mag4:30 para ipakilala ko sa yo si Quen.” Sabi niya. “Sinabihan ko na siya na dito siya pumunta pagkatapos ng practice niya. Pero dahil maaga ka, try kong kontakin siya at baka makapunta siya dito ngayon na.”

My Crush's Favor (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon