Chapter 14: Inconsistencies

481 29 16
                                    

“Pahiram ako ng t-square, Julia!” Narinig ko si kuya mula sa sala. Ayoko siyang papasukin sana sa kwarto at makikita niya ang nangyari nito.

“Julia? Anong nangyari at dinaanan ba ng signal number four itong kwarto mo?” Nanlaki parang bola ang mga mata ni kuya pagpasok niya sa kwarto ko.

Hindi kasi ako yung tipong tao na makalat. Maalaga ako sa gamit ko at parating organized. Kaya nang nakita ni kuya ang kwarto ko, nagtaka talaga siya. Paano naman kasi ang hirap maghanap ng perfect outfit. Pero nakita ko na rin yung perfect. Pink floral top na may lace at saka skirt na hindi naman masyadong mababa. Mga an inch above the knee lang.

Pero if nagreact si kuya sa kalat, mas nagreact siya nang nakita ang suot ko. “Ano iyan? Saan ka pupunta?”

“Wala.” I tried to act normal. “May lakad lang ako with Miles.”

“Bakit ganyan ang suot mo?”

“Bakit? Anong problema nito? Masagwa ba?”

“Hindi naman. Parang nag-eeffort lang.”

“Aaaargh!” Sumigaw ako sa inis at tinulak si kuya palabas ng kwarto. Hindi ako inis kay kuya ha. Inis ako sa sarili ko. Ang engot lang kasi na mag-astang na parang nag-eeffort ka. Kahit totoo man na nag-effort talaga ako at naghasik pa ng bagyo sa kwarto ko, dapat sana parang chill-chill lang ang peg ko.

In the end, ang sinuot ko lang ay t-shirt with jeans at rubber shoes. Sayang talaga yung ineffort ko na nihanda. Too late na para magsisis ako na ito na yung suot ko

Nagkita-kita kami nina Miles sa harap ng movie house Buti pa si Miles, bagay na bagay sa kanya yung blue na floral dress na suot niya. Kung ng floral top pa lang ako, magmatch sana kami. Halata sa mukha ni Miles na nadisappoint siya sa outfit ko. Nag-expect siguro siya ng bonggang-bongga kasi tinext ko siya kagabi na naghahanda ako ng outfit para sa ngayon. Kahit sino sigurong lalaki na makadate ako ngayon ay madidismaya.

“Late si Quen.” Marco sighed, naiinis na ang kaibigan ay late.

“Wait. Ayun na pala siya!”

Kinabahan ako, kaya hindi ako agad lumingon sa kanya. Nakita ko nalang ang mga mukha nina Marco at Miles na nakanganga.

Bakit ba?

Pakshet! Lumingon ako at nakita ang proma ni Quen. Nakasuit siya, nakaslacks and black leather shoes. Parang mag-aattend ng wedding! Kung hindi lang sana siya gwapo, mukha talaga siyang tanga. Pero dahil bagay naman sa kanya, hindi naman nakakasagwang tingnan.

Ang problema lang ay… Kapag pinagtapat kaming dalawa, nagmumukha akong trapo.

“Quen, saan ba ang aattenan natin na prom.” Pang-aasar na tugon ni Marco kay Quenito.Nagsitwanan sila ni Miles. Sama naman nilang mga kaibigan. Napablush tuloy si Quenito. Hahaha. Kawawa naman!

Pero if mas may nagmumukhang kawawa. Ako iyon.

“Eh akala ko date?”

“Manonoodd lang tayo ng sine. Hindi mag-aattend ng prom.”

“Ang cute nyo naman guys. One is going to the prom, the other one may PE class pa yatang aattenan.” Sabi ni Marco. Hamahalakhak si Miles. Grabe naman tong kaibigan ko, hindi man lang ako madepensaan.

“Wala namang problema sa suot ni Julia ah!” Sabi ni Quen in my defense. “Hindi naman iyon ang mahalaga.”

“Aieeeeeee.” Sabi ni Miles.

Umiling lang ako para hindi halata.

“Sige, kumain muna tayo ng lunch. At 2pm pa magsisimula yung movie.” Sabi ni Marco.

My Crush's Favor (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon