Chapter 9: Lovenat

827 24 4
                                    

"I don't see any problem, Ms. Montes." Sabi ng school doctor namin na si Dr. Ramirez. "It's not heartburns, and no-you do not have any heart condition and it can't be asthma as you have no history of it."

"Ganoon ho ba, doc? So ano po ba yung problema? Ang weird naman po if may mga symptomas akong nararamdaman if wala naman akong sakit?"

"Madalas mo ba itong nararamdaman, Ms. Montes? Yung paghihigpit ng dibdib mo?"

"Hindi naman po. Minsan lang." Minsan nga lang, pero hindi ko binanggit ang minsang iyon ay ang mga sandaling kasama ko si Quen o naiisip ko siya.

"Doc, hindi po ba allergies?"

"Hindi, ms. Montes. Wala ka namang history of any allergies, diba?"

"Pero baka naman ho possible na maging allergic ka sa isang tao?"

Mukhang naaliw ang doctor sa akin. May nakakatawa ba? Seryoso ako nang tinanong ko iyon. Kumuha siya ng post-it note at may isinulat dito at inabot niya ito sa akin.

MRS. HELENA CRISTOBAL

"Doc, dito po ba ako kukuha ng second opinion?" Tanong ko. Pero parang narinig ko na ang pangalan ni Mrs. Cristobal. Hmmmm. Saan ko ba narinig yun.

Wait, hindi ba siya yung head ng guidance office namin?

"Ms. Montes, you are not sick. Siguro kung anuman yung nararamdaman mo, it could be something psychological." Paliwanag ni Dr. Ramirez.

"Like what po, doc?"

"Well, pwede siyang dulot ng stress. Maaring kulang ka lang ng tulog o pahinga. At pwede rin siyang dulot ng matinding emotion gaya ng love."

Bakit parang may emphasis ang doctor sa salitang love? Baka hindi talaga ako siniseryoso ng doctor na ito. Palibhasa kasi, baguhan lang siya. Mukha pa nga siyang intern kung tingnan. Ang bata-bata pa niya. Hindi siguro ito legit na doctor. Sus. Nag-abala pa akong magpatingin dito.

"Sige po. Salamat po, doc."

Wala na akong makitang iba pang dahilan. Siguro nga psychological ang nagdulot ng heartburns ko. Pero hindi naman tungkol sa love, more on stress siguro. Nakakastress kaya ang maging architecture student, dagdagan mo pa ng Quenito na makulit. Double stress talaga.

"Hey, I know you!" May Inglisero na bigla na lang kumausap sa akin. Napatingin ako sa kanya. Parang namumukhaan ko siya. Hindi ba siya isa sa mga miyembro ng basketball team at kaibigan ni Quen?

"You're Miles's friend, right? At ikaw rin yung tutor ni Quen?" Sabi ng poging lalaking ito. "Ako pala si Marco, kaibigan ni Quen."

Oo nga, siya itong madalas kasama ni Quen. Ang gwapo rin pala niya up close. Siguro namimili ng friends tong si Quen. Bawal kang maging kaibigan niya pag hindi ka gwapo o maganda. And speaking of maganda, naalala ko si Maureen. Sheet! Nakakainsecure talaga ang kagandahan niya.

"You're name is Julia, right?"

Wow, kilala niya ako.

"What are you doing here sa clinic?" Tanong ni Marco.

"Wala. Nagpatingin lang ako kay doc." Sabi ko. "Pero wala naman pala."

"Ganoon ba? Well, I'm actually here to pick up Quen. He's been sick this afternoon."

"Huh? Ganoon ba? Kawawa naman. Okay lang ba siya?" Tanong ko.

Tumango siya. "Okay na siya, I think. Wait, wala ka na bang pasok?"

"Wala na." Sagot ko. "Last class ko na kanina. Maaga kasi kaming dinismis ng guro namin."

Dahil makakauwi ako ng maaga, kaya naisipan ko na lang na dumaan ng clinic para magpatingin.

My Crush's Favor (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon