Chapter 6: Ang Emergency Basketball Practice

754 20 9
                                    

Ang hirap ng kursong ito. Ang daming projects at plates na dapat iaccomplish in short notice and on top of that, may mga minor subjects pa na gumagambala. Minsan, naisipan ko nang mag-give up. Pero tuwing naaalala ko si Enchong, naiinspired ako ulit. Kaya at times when gusto ko nang sumuko, iisipin ko na lang siya. Binibigyan niya ako ng strength to carry on.

Minsan kong nasilayan si Enchong sa linggong ito kapag dumaan ako sa Fourth year class cubicles. Minsan sinasadya ko talagang na dumaan doon, pero talagang busy rin siya at hindi rin ako napapansin. Minsan mag-g-gm ako na pm para may maitext lang sa kanya. Nagbabakasakali lang naman na magreply siya.

Isang gabi, habang nagpapahinga ako sa paggawa ng plates, dumaan sa isip ko si Enchong. Alam ko na super busy niya this week dahil may deadline sila next week. Balita ko kay Miles ang pinapagawa daw sa fourth year ay airport. Extensive daw ang research na ginagawa nila at marami-rami rin ang mga required drawings na dapat ipass.

Busy si Enchong. Busy lang siya talaga! Ito ang palagi kong sinasabi sa sarili ko. Excuse man o hindi, iyan talaga ang dahilan kung bakit minsan hindi ako batid niya. Pero kahit kailan, hindi talaga ako susuko! I won't give up on us!

May naisip akong iGM sa kanya. (GM pero isa lang ang sinesendan ko kundi siya. Hahaha!)

Me: I won't give up on us. Even if the sky gets rough. I'm leaving you all my love. God knows we're worth it. Good evening. GM.

Lyrics ito ng isa sa mga pinaghuhugutan kong songs. Kapag naririnig ko ang kantang ito, naalalala ko palagi si Enchong, at saka naimention na niya sa akin noon na si Jason Mraz ang favorite artist niya. Umaasa talaga ako na baka magreply siya. Malay natin, nakakarelate din siya sa song. Hahaha!

Bip!

Tumunog ang cell phone ko.

Nagreply siya? Wow! Nagreply siya kahit sobrang busy niya! Nagreply siya kahit may ginagawa pa siyang plate ngayon! It's something na talaga!

Kinilig ako ng husto. Ang tagal ko ng makaramdam ng ganito.

Hindi ko agad tiningnan ang phone ko. Sinulit ko muna ang moment at ang excitement. Tumalon-talon ako sa kama ko at gumulong-gulong na parang baliw. Nagreply siya! OMG! Nakakakilig naman nito!

Ayyyy....

Nang tiningnan ko ang phone, hindi pangalan ni Enchong ang tumatak, kundi Enrique?

Shit! Bakit kasi ang first two letters ng name nila ay magkapareho? Dahil sa excitement ko siguro, hindi ko namalayan na sa maling tao ko naisend yung text. Binuksan ko ang text ng gunggung na iyon. If I know, aasarin na naman ako nito.

Hahaha! Wrong yung lyrics mo, Montage!

Agad, kong tiningnan ang previous message ko.... Ano bang mali doon?

I won't give up on us. Even if the sky gets rough. I'm leaving you all my love. God knows we're worth it. Good evening. GM.

Kinanta ko ang kanta sa ulo ko para alamin kung ano ang mali sa lyrics ko, pero bago ako makarating sa chorus ng kanta, may tinext siya agad.

I won't give up on us.

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love.

I'm still looking up.

>> Correct na lyrics, Montage! :P

Hindi ko alam kung ako ay maiinis dahil nawrong send ako o matutuwa dahil din nawrong send ako at di pa umabot kay Enchong.

My Crush's Favor (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon