HALOS malaglag ang dalawa kong mga mata sa ganda at lawak ng kabuuan ng palasyo. Tipong yung lawak ng kwarto ko, pang sala pa lang sa bahay na tuh. Pero nakakakilabot pa din, halatang di tao ang may ari ng bahay na tu. Yung feeling na parang may mga kaluluwa ng kanilang mga nabiktima ang pagala gala sa pamamahay na tuh, tapos may mga napakaraming mga mata ng bampira ang nakamasid sayo na anytime pwede kang sugurin at wakasan ang buhay mo. "Ay ! Bampira—este anu bay un? Wag mo nga ko gugulartin." Sigaw ko sa kanya ng bigla nya akong kalabitin mula sa likuran ko. Tsk.
" Ano bang kelangan mo?" Hmm. Bakit may dala dala na naman tung papel. Kinabahan na naman tuloy ako. Baka mamaya nyan nakakaloka na naman ang nakasulat dyan .Bay magbibigti na talaga ko.
"Read."
"Huh?"
"Tsk. Do I have to say it to you in tagalog para magets mo lang?"
Bay ! Sarap mong hambalusin ng upuan din nuh? Nako ! Kung di ka lang dyan gwap----este bampira ey matagal na kitang sinaksak tagos pa sa baga mo. Saka ko sya tiningnan ng masama at hinablot sa kanya ang papel. Pagkabasa ko.
" Ano? Ayako nga baka kung anong gawin mo sakin. Di ako papaya. Hindi."
"Really?Sino ba sating dalawa ang masusunod?"
Wahh-ayan na naman po yang malamig nyang boses.
"I-i-ikaw" Naalarma kong sagot.
" Then, it's final. Period na tung usapan. Susunod ka sakin o susunod ka sa langit? "
" Ano? Pano naman ang women rights ko nun na ipinaglalab—"
Nang bigla nyang putulin ang sinasabi ko ng tiningnan nya ko mula ulo gang paa. Wah—what's tha look? Saka nya akong tiningnan sa mata at binigyan ng nakaka asar na ngiti.
" Dont worry, di ka naman papasa sa standard ko para maka one night stand mo ak—Ouuch ! Stop't hey "
Pinagkakakagat ko nga ang kamay nya. Akala nya sakin ?Gustong gusto ko syang makatabi gabi gabi. Kapal nya.
Ang isipin ko pa nga lang na isang mangingigib ng dugo ang napangasawa ko ay nangangatog na ko sa takot makasiping ko pa kaya? Baliw lang papaya nun o maske baliw titino kapag nakita yang mga pangil niya. Saka ko sya tiningnan ng masama at tinalikuran .Pero bago pa man ako nakalayo,
" Hey ! I'm hungry. Let's eat."
" Kumain ka mag isa mo."
Zacharious POV:
WELL, alam kong madaming nagtataka dyan kung bakit sa lahat ng kondisyunis ko ay yun ang napili ko para pagpilian nya. Pero kinakailangan kong gawin. Alam ko kasing yun lang ang paraan para mailigtas ko ang babaeng lihim kong minamahal nuon pa man.
Nuon pa man, alam ko ng sya na ang babaeng nakatadhana para ialay ang dugo kay ama at sa mga ninuno ko. At alam din yun ng mga magulang nya.
Oo..
Alam na alam ng mga magulang nyang yun ang magiging kapalaran ng anak nila sa oras na isilang sya sa mundong ituh. Paano nangyari ?Ang ama ni Milka ay malapit na kaibigan ni ama. Halos magkapatid sila kung magturingan,kahit na isang normal na tao lamang nuon ang papa ni milka, di ito naging balakid o hadlang para sa magandang samahan nila.
Hanggang sa dumating ang araw na pareho silang nagkagusto at umibig sa isang babae.
At yun ay ang mama ni Milka.
Na syang naging dahilan para magkaroon ng matinding tensyon ng galit at away sa pagitan nilang dalawang magkaibigan, lalo na ng piliin nung mama ni Milka ang papa nya kesa kay ama. Nalaman din kasi ng mama ni milka ang totoong pagkatao ni ama kaya natakot ito sa kanya. At unti unti ng lumayo kay ama.
Di rin nagtagal ikinasal si ama sa isang bampira din.Yun ay ang aking ina at namuhay ng parang normal lang na mga tao. Hanggang isang araw nalaman ng mga taong bayan ang tungkol sa pagiging bampira ng mga angkan naming kung kaya'y nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga tao at bampira. Nilusob ng mga tao ang tahanan ng mga bampira dahil sa takot na masaktan sila ng mga tuh. Namatay lahat ng bampirang yun at sa kasamaang palad, pati si ama ay kasama. Sa pag aakala ni ama na ang ama ni Milka ang nag siwalat nito sa buong pagkatao niya at sa angkan, bago pa man siya bawian ng buhay, isinumpa niya sa ilalim ng kabilugan ng buwan ng ang magiging anak ng ama ni Milka ay mababalot ng sinumpaang dugo at maisusulat sa aklat ng propesiya ng mga bampira na siyang bubuhay muli sa kanilang lahat.
'Tao ang pumatay kayat tao din ang bubuhay." Yan ang katagang madalas iiwan sa akin ng alagad ni Ama ng maitakas niya ako na sya na rin ang tuluyang nagpalaki sakin.
Nang nalaman tu ng pamilya ni Milka ay nagpakalayo layo sila at nag palipat lipat ng bansang titirahan. Ngunit, ang tadhana nga talagay hindi sadyang matatakasan. Natagpuan pa rin namin sila ng alagad ni ama.
Noon, gustong gusto kong patayin si Milka para ipaghigante ang pagkamatay ni ama at maramdaman nya ang lumaking walang magulang. Sya ang sinisisi ko araw araw kung bakit malungkot ang buhay ko at di ko naranasang maging masaya ang buhay kasama ang pamilya ko. Pero hindi pa daw yun ang tamang panahon para singilin ko sya sa lahat ng pagkakautang nya sakin paalala sakin ng alagad ni ama kung kaya'y binigyan niya ko ng misyon upang mapadali ang planong makuha siya, at yun ay minanmanan ko sya araaw at gabi anu mang lahat ng kilos, pinupuntahan at ginagawa niya
Laging nasa tabi nya ako, ng di niya nararamdaman.
Kasa-kasama nya ko , ng di niya nararamdaman.
at nagliligtas sa kanya sa twing nasa kapahamakan sya ng di niya nararamdaman.Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagdating ng araw na mahuhulog ako sa sarili kong patibong ng di ko man lang nararamdaman. At dun nag bago lahat lahat ang direksyon ng ikot ng mundo ko at mga plano ng hindi nalalaman o nararamdaman ng alagad ni ama.
Gusto ko na siyang iligtas ngayon. Ilayo sa kapahamakan, sa kapalarang naghihintay sa kanya. At ang makasama siya ng walang alinlangan at pangamba sa puso ko.
Hanggang sa dumating ang araw na. Nahuli ako ng mga magulang ni Milka na minamanmanan ko ito lagi, kaya naman ipinagtapat ko sa kanila ang katotohanan. At dahil sa nakita naman nila ang totoong intensyon ko sa anak nila. Ay pumayag sila sa plano kong ito.
Ang maging asawa ni Milka para maprotektahan ang kaligtasan ng anak nila sa mga kalabang gustong kumuha sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Last Vampire Prince COMPLETED (Tagalog)
VampireMilka Claire Fuentes, the lady who accidentally heard the true identity of her famous schoolmate Zacharious, on the rooftop . And Because of the unintended circumstances she would be compelled to be in the agreement in exchange for the salvation of...