CHAPTER 50

2.1K 116 2
                                    

Blue Pov:

Nasa basement kami ngayon kung saan naghahanda ang lahat para sa pag lusob mamayang gabi.

" Uy lafo, umihi ka muna bago ka maunang sumugod dun huh?"Paalala nitong si Dwight

" Oo nga Olaf, baka maihi ka dun habang nakikipaglaban hahah"Dugtong pa nitong si Art

" Tang ni nanay nyo. Di ako naduduwag. Baka ubusin ko pa silang lahat pag ginanahan ako sa pakikipaglaban hahah."Masarap na tawang sabi ni Olaf.

" Basta kayo huh. Mag-iingat kayo. Kailangan sabay sabay tayong babalik dito pag katapos ng laban para icelebrate ang pagwawakas ng storyang pag iibigan ni Prince Zach at ng mortal. Mag iinuman tayo gang sa may gumapang hahaha."Tsk. Lakas mag aya samantalang nakaka dalawa gang apat na bote palang ee knockdown na.Hahahah

" Olaf, ikaw ang mag iingat. Ikaw unang susugod dun. "Paalala ko.

" Syempre naman. Ako pa "Nakangiti nitong sabi samin.Bat ba napaka kalmado mong lalaki.Mapasa hirap o ginhawa ang sarap sarap pa rin ng ngiti nitong damuhong na tuh.

" Nangangatog naba tuhod mo lafo? "Pang-aasar pang sabi ni Blaze.

" Hahahaha! Ngatog na ngatog ng makipag laban bruh!hahhaha."Napapangiti nalang ako.Ang saya tingnan.Parang wala lang mangyayaring lusuban mamaya hahahha

" Basta, mag iingat tayong lahat. Papatayin tayo ni Zach pag may nag pa gulpi sa mga kalaban. "Nakangiti kong paalala.

" Oy Bluebay, anu nga palang plano mo ngayong alam na nating si Fie fie ang lintik na aklat ng propesiya?"Ang bibig talaga nitong Olaf aba.

" Kakausapin ko pa si Zack mamaya pagdating umalis kasi para mag matyag ngayon sa Blackforest."Lahat napatango. Maya maya dumating si Zach.

" Nasan ang mapa?" Tanung nito.

" Oy lafo, mapa daw? " Tanung ni Dwight

"Luh? Bat sakin nyo hinahanap? Mukha ba kong si Dora?" Sarap hambalusin talaga nito ii.

"Hindi! mukha kang doro.. Inidoro hahahah!" Singit pa ni Rook. Mukha namang di maipinta pagmumukha nitong si Olaf hahaha.

" Zach, may babaguhin ba tayo sa plano?" Tanung ko.

Napatango naman ito.Saka kinuha na ni olaf ang mapa bago oa man ito tamaan ng tingin ni Zach hahaha.Takot nya lang. Nag simula ng magseryoso ang lahat ng umupo na si Zach at inilatag ang mapa.

Milka's Pov:

" T--te--tekka! Sa--san nyo ko dadal--dadalhin? Anung gagawin nyo sakin?"

Saka ako inakay sa di ko malamang direksyon.Wala akong makita dahil nakapiring ang mga mata ko.Kasabay ng pangangapa ko sa kinalalagyan ko, ang mabilis na tibok ng puso ko.

Zach? Nasan kanaba? Maabutan mo pa kaya akong humihinga??

Sobrang nanghihina na rin ang katawan ko simula pa kahapon. Masakit pa rin ang mga natamo kung galos sa katawan ko. Di ko alam kung anung nangyari, kung sang impyerno nako ngayon. Natatakot ako. Sa pangalawang pagkakataon, naulit ulit ang ganitong pakiramdam sakin. Jusko. Lord, eto ba ang kapalit sa pag mamahal ko ng isang bampira? Lord? Kelangan ba talagang maging ganito ang kapalaran ko? Lord di ba pwedeng gawin nating madali ang lahat? Tipong walang masasaktan.

Walang mawawala. Di po ba dapat magmahalan nalang? Mahal ko po si Zach.Mahal na mahal, Lord.

Kung eto man po talaga ang kapalaran ko, sana hinayaan nyo naman lang po akong bigyan ng pagkakataong makapagpaalam sa kanya. Ang isiping pagpyepyestahan ang dugo ko ng mga hayok na bampira kinikilabutan na ako. Di ko akalaing, etong mukhang kay ganda na pinaghirapang gawin ng mga magulang ko, pinag isipan ng napakagandang pangalan, pinalaki at pinag aral ay mauuwi lang hapunan ng mga hayok na bampirang tuh.Eeerrrrr! Dapat na ba akong magsisi na pumayag akong magpakasal kay Zach?Dapat na ba akong magsisi na sana nuon palang na binalaan na ako ni Sofie ay inilayo ko na ang sarili ko kay Zach?

The Last Vampire Prince COMPLETED (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon