Kinabukasan:
Milka Pov:
Tsk ! Pasukan na naman.Nandito kami ngayon sa kotse ni Bampira papasok na sana ng school .. Pero bakit kinakabahan ako.Kakaibang kaba ! Maya maya biglang ..
"Magseatbelt ka." Bossy Voice. Tsk !
"Bakit?Wala ka naman yatang planong ibangga tung sasak----" Nang bigla nyang pinutol ang sasabihin ko.
"May sumusunod satin" Mahinahon nyang sabi. Pero nakikita ko sa mga kamay nyang nanggigigil sya sa manibela.
"Si--sigurado ka ? Ba-baka naman--"
"Sumunod ka na lang kung ayaw mong ikaw ang ipain ko sa mga bampirang yun." Wahhh. Anooo daw ?Mga bampira ?Kung ganun mga bampira pala ang sumusunod samin?
"Ma-madami ba sila?"Pagtatanung ko.
"Medyo. Yung iba sumasabay sa hangin. Kaya walang nakakapansin."Wow ! The flash?
"Naki--kita mo ??"Tanung ko ulit ..
"Oo.Sa taas ng kotse yung iba dumadaan "Woooowwww !!! Ang cool pala maging bampira ey.
"Kumapit ka."Utos nya sakin.Hindi pa man din ako nakakasagot ng biglang humagibis sa pagpaharurot ng kotse ang lalaking tuh.Habang ako, halos lumuwa ang mga mata ko sa hindi pagkurap sa mga nakikita kong nakakasalubong namin.
"Kyaaaahh ! Babangga tayooo Zach ! Ka—kanan Zach. Ka-kaliwa Zach may truck ! Lumiko ka—"Habang nagkokonsyerto ako dito,si Zach naman focus na focus sa pagmamaneho at nafefeel ko ng naiirita na sya sa kakasigaw ko.
"Will you shut up your fucking mouth lalo nila tayong mahahabol nito dahil sa bunganga mo ey." Sigaw niya. Ramdam ko ang pag ka inis na ni Zach. Kaya sandali akong nanahimik at kumapit nalang sa seatbelt ko ng napakahigpit.Bahala na si Lord. Tatanggapin pa naman yata ako sa langit ii.Nyemas naman kasi ii.Sa gusto kong sumigaw.Nakakatakot kaya baka bumangg-----
"Waaahhh ! Zachhh babangga tayo. Liko kaaah." Agad namang pinihit ni Zach ang manibela paliko papasok sa isang iskinita.Halos di magkasya ang kotse sa loob ng iskinitang ito.Dahilan para mag gitgitan ang mga gulong sa mga pader at halos tumagilid na ang sinasakyan namin.Pero patuloy padin sa pag andar ang kotseng tuhDyos ko po.Akala ko, sa action movie lang may ganito.Yun pala pati sa buhay ko may vampires na nga may action p------
"Nooo---Zach may pader ! Babangga tayo Zach !" Napapakapit na ako sa kanya.Di ko kaya tuh ..Akala ko itutuloy ni Zach na banggain ang pader ng bigla syang huminto.Saka hinampas ang manibela.
"Shit ! May dala kang gunting? Pen or anything na matulis na bagay?"Tanong nya sakin habang nagpapalingon lingon.
"Huh?Anong----"
"Wag na magtanung. Wala na tayong oras pa. Ilabas mo kung anu man yang matulis na gamit na dala mo."
Shit ! Nasigawan na naman ako, pati tuloy ako natataranta na dahil sa boses ni Zach. Dali dali kong inilabas ang gunting na dala ko saka ko iniabot sa kanya.
Buti nalang girl scout ako lagi pero anong gagawin nya sa gunting---
"Akina ang kamay mo. Bilis." Bossy voice na naman. Nakakatakot ka na pa nga. Pero ramdam kong natataranta narin sya.Ayaw nya lang ipahalata sakin.
"Tokka. Anong binabalak mong gawin sak-------"Napapalunok na ako ng sunod sunod sa laway ko.Anong binabalak nya sa kamay ko at sa gunting ..Lord !!!Pero kahit di ko alam.Iniabot ko pa rin ang kamay ko.May tiwala ako. May tiwala. May tiwala ako sayo Zach.
BINABASA MO ANG
The Last Vampire Prince COMPLETED (Tagalog)
WampiryMilka Claire Fuentes, the lady who accidentally heard the true identity of her famous schoolmate Zacharious, on the rooftop . And Because of the unintended circumstances she would be compelled to be in the agreement in exchange for the salvation of...