"oy Lex,yung phone mo.Kanina pa yan nagriring."
Sabi sa kanya ng kasamahan nya sa trabaho.
Tumigil muna si Lexin sa ginagawa nya at kinuha ang phone nya.
"Hello?"
"i-ikaw ba si Lexin?"
Tinig ng babae na halatang umiiyak.
"Opo.Sino po sila?"
"Mama to ni Louie.Pwede ka bang pumunta dito sa bahay?"
Nag-iba ang pakiramdam ni Lexin ng marinig nya iyo.
D sya mapalagay sa oras na yun.
Bakit nman sya papapuntahin ng mama ni Louie sa kanila.
Pakiramdam nya ay may nangyari na masama.
Wag nman sana.
"Sige po.Pupunta na po ako dyan."
Dali-dali syang pumunta sa opisina ng Tita ni Louie at nagpaalam.
At pinayagan nman sya nito.
"Nandun po si Maam Alice sa kwarto ni Sir Louie."
Salubong sa kanya ng katulong ng makarating sya sa bahay nina Louie.
"Sige po.Salamat po."
pumunta na sya sa kwarto ni Louie at hindi nya inaasahan ang madadatnan nya.
Si Louie.
Nakahilata sa kama nya at may mga makina na nakatusok sa kanya.
Lumapit sa kanya ang mama ni Louie at niyakap sya nito.
"Lexin,salamat sa pagpapasaya ng anak ko.Lumapit ka na sa kanya at kanina ka pa nya hinihintay."
Ngumiti ito sa kanya at ganun rin ang ginawa nya.
Lumabas na ng kwarto ang ginang at silang dalawa nlng ang natitira sa kwartong iyon
Lumapit sya kay Louie.
At di na nya napigil ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan ng makita nya si Louie.
"Louie."
Isang ngiti lng ang pinakita ni Louie.
Hinawakan ni Lexin ang mukha ni Louie.
"Lumaban ka.Please."
"Mahal kita Lex."
Tanging sagot ni Louie.
"Mahal din kita.Kaya please,lumaban ka.Para sakin.Please Louie,wag mo muna akong iwan.D ko yun makakaya."
"Kapag nawalan ka ng dahilan,humanap ka ulit ng panibagong dahilan"
"Louie nman!ayoko.Ayoko kong humanap ulit ng dahilan.Ikaw lng ang magiging dahilan ko Louie.Ikaw lng."
"Wag kang matakot na buksan ulit yan para sa iba Lex"
Sabay turo nito sa kaliwang dibdib ni Lexin.
"Ikaw lng ang mamahalin nito Louie,kaya please nman oh.Lumaban ka.Kaya mo yan."
"Magmahal ka ulit Lex,yun lng ang hinihiling ko.Humanapka ng taong mamahalin mo at mamahalin ka rin.Yung magagawa nya na alagaan ka at mapapasaya ka habang buhay na hindi ko nagawa.Yung taong sasamahan ka sa pagtanda."
nilagay ni Louie ang dalawa nyang daliri sa labi nya at nilagay iyon sa labi ni Lexin.
"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Lex."
*****
Ilang araw na ang lumipas at ganun pa rin ang kalagayan ni Louie.
Mas lalo syang naghihina sa bwat araw.
At si Lexin ang nag-aalaga sa kanya.
Hindi sya iniiwan ni Lexin.
Hinaharap nila ang bawat umaga na magkayakap at ngumingiti sa isa't isa.
Ayaw kasi ni Louie na makitang umiiyak at malungkot si Lexin kaya patago nlng si Lexin na umiiyak minsan.
****
"Goodnight Lex."Sabay halik nito sa noo ni Lexin.
"Goodnight din"
sabay ngiti nya.
Ganito sila palagi.
Dito na natutulog si Lexin at sabay rin silang gigising na nakangiti.
pumikit na si Lexin pero hindi nya alam na kinuhanan pla sya ng litrato ni Louie
Sweetdreams,my treasure.
BINABASA MO ANG
The Reason(Completed)
Novela JuvenilBawat isa sa atin ay may karapatang mabuhay.May karapatang sumaya at lumigaya. Bawat isa sa atin ay nagmamahal. At nabubuhay tayo para sa kanila.Nabubuhay tayo pra sa mga taong mahal natin. Sila ang dahilan kung bakit gusto nating mabuhay ng matagal...