Kabanata 1

171 8 4
                                    

"Bilanggo~ Sa rehas na gawa ng puso mo~
Bilanggo!!!!!!!!!"

Buseeeeeeeeet!

Kanina ko pa pinipilit matulog. Kasi nga, di ba sinabi ko sa inyo kanina sa Prologue na inaantok na ako?

Pero hindi pa ako nakakatulog! Porbida! Ang ingay ng mga kapitbahay naming nagvivideoke! Nakakabeastmode lang!

"BILANGGO!!!~~~"

ABA! AT SUMISIGAW PA HABANG KUMAKANTA!!!!!!!

WHAAAAAAAAAAAAA
MAPUNTAHAN NGA !

"HOY! ANG IINGAY NINYO! HATING-GABI NA O! MAGPATULOG NAMAN KAYO! BILANGGO KAYO NG BILANGGO ANG PAPANGIT NAMAN NG BOSES! GUSTO NYO BANG ISUMBONG KO KAYO KAY KAPITAN AT NANG MABILANGGO TALAGA KAYO?"
sigaw ko sa kanila.

Feeling ko may lumabas na usok sa ilong ko. Usok ba yun o uhog? O kulangot? Aba ewan! Bakit ko nga ba 'yon pinoproblema?

Itong mga maiingay kong kapitbahay dapat.

Humagalpak lang ng tawa ang mga sira-ulo.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Lalo pa akong nainis dahil may isang kwagong sobrang lakas ng tawa. Pagtingin ko sa gawi nya, O.O

Oh my! Bakit nandito siya ??!

"KAPITAN????"

Langjo! Bakit nandito si kapitan???

"Amor, walang nadakip sa pagkanta. Haha! O gusto mo sumali sa amin? Halika!"
tatawa-tawa nyang saad.

Umiling-iling lang ako at padabog na pumasok ulit sa bahay.

Humiga ako sa kama ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.

Langya naman o! Dinig na dinig parin ang boses ng mga walangya -_-

Matapos ang ilang minuto, bigla nalang silang tumahimik na syang ikinatuwa ko.

"Hay salamat naman at makakatulog na a-" hindi ko pa natatapos monologue ko nang bigla na naman silang nag-ingay.

"Kung ikaw ay isang panaginip ayoko nang magising~"

Aba punyemas sino ba ang kumakanta at ang sintunado masyado?

Teka, bakit parang ngayon ko lang narinig ang boses nya?
At? Ano ngayon Amor? Haaaay.. :3

"Kung ikaw ay isang panaginip ayoko ng magising~" dinig kong muli.

Arghhhhhh!!!

"PANAGINIP KAYO NG PANAGINIP EH HINDI NGA KAYO NAGPAPATULOG!!! LECH* MAGPATULOG NAMAN KAYO!!!!!!"
sigaw ko mula sa loob ng bahay habang mas diniinan ang pagtakip ko ng unan sa muka ko.

*******

kriiiiiing!! kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!!!

Dinig kong tunog ng aking alarm clock.

Alas singko na pala ng madaling araw.

"hhhhhhhhmmmmmmmmmm"

Gumising na ako't nagpa-unat-unat at tsaka tumayo na't inayos ang aking hinigaan. Madalian muna akong naligo at inayos ang sarili.

"Ang ganda-ganda ko talaga!" kausap ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Nagpose pa ako ng mala-model saka sinuklay muli ang sabog kong buhok. Pagtingin ko sa cellphone ko,

"Naku! Alas singko na pala i medya na pala! Juskoday! Sisikatan na ako ng araw nito"

Nagmadali akong lumabas sa aking maliit na kuwarto.

"Ma maglalako na po ako!" mahina kong sigaw

Maliit lang naman ang kubo namin kung kaya't sigurado akong maririnig yun ni Mama.

"Sige anak. Nariyan na ang mga paninda sa mesa. Isang daan iyan lahat" saad ni Mama mula sa kuwarto niya.

"Sige po Ma aalis na po ako" paalam ko sabay bitbit ang bilao na pinaglalagyan ng mga paninda.

"Mag-iingat ka anak" pahabol na bilin ni Mama

"Sureness Ma! Alangan naman ipahamak ko sarili ko di ba?"

Minsan talaga ito si Mama walang common sense.

Hindi ko na narinig pang sumagot si Mama kaya lumabas ako sa aming kubo upang magsimula ng maglako.

"Bili po kayo ng puto! Tatlong piso lang po isa at masarap pa! Puto po! Puto po kayo dyan!"

"Bili po kayo ng puto! Tatlong piso lang po isa at masarap pa! Puto po! Puto po kayo dyan!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Amor magkano yang puto mo?" tanong sakin ng lasenggo kong kapitbahay. Umaga na subalit nag-iinuman pa sila ng iba ko pang mga kapitbahay.

"Naku! Kakasabi ko palang ng tatlong piso di ba? Bingi lang ang peg?" sarkastriko kong sagot sabay irap.

"Hahaha! Ang mura lang pala ng PUTO MO!" tawa sya ng tawa at ang mga barkada niya'y nakikitawa rin.
Tama nga ang kasabihang "Birds that have the same feathers are the same birds".

"Mura lang? Eh for sure yang alak na iniinom nyo eh utang na naman yan sa tindahan ni Aling Marian! Pwe! Don't me!" tinaasan ko sya ng kilay sabay flip hair.

Galit nya akong tiningnan. Dinilaan ko nalang siya't nagpatuloy na sa paglalakad.


************

AN:
Maikli lang po ito.
Hahabaan ko nalang sa Kabanata 2.

Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na ibang Amor ang andito. Hindi yong mabait kundi maldita at palaban. Although halata naman hahaha

Second, matagal po akong mag-update due to my studies.

That's all.

I hope I can update tomorrow.

Loving You (JodIan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon