Kabanata 4

62 3 2
                                    

Naalimpungatan ako nang huminto ang sasakyan. Hindi ko napansin nakatulog na naman pala ako ulit. Tumingin ako sa paligid. Andito na nga kami sa tapat ng munting tahanan namin.

"So, we're here..." saad niya kaya tiningnan ko siya. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat sa paghatid" saad ko habang naglalakad papalapit sa kahoy naming tarangkahan. Nararamdaman ko syang sumusunod.

"Walang anuman..." saad niya.

"Sige. Papasok na ako"

"Teka naiwan mo ang bilao mo" sabay abot niya sa akin ng bilao.

"Ay oo nga pala. Hay naku utak mo talaga Amor o! Tsk!" mahinang sermon ko sa sarili ko habang kinukuha ang inaabot niyang bilao.

"Salamat..."

"Walang anuman... Amor"

"Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ba kita?"

"No, but you just mentioned your name earlier"

"Ahhhhh oo nga pala. Muntanga ko lang" tumalikod na ako at binuksan yung tarangkahan naming kahoy.

"Salamat ulit sa lahat ah" muli kong pagpapasalamat sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon simula nung magkasama kami kanina, nginitian ko siya. Halatang nabigla sya sa ginawa ko.

"Bakit, ngayon ka pa lang nakakita ng babaeng ngumiti?"

"No... It's just that... you are more beautiful when you are smiling"

"Ay salamat sa pang-uuto ah. Naappreciate ko. Sobra. To the highest level. Bongga. Pero alam ko na namang maganda ako eh simula nung magkamalay ako. Hindi naman kasi nagbibiro salamin nam-" hindi ko natapos sasabihin ko nang may magsalita sa likod ko.

"Ay nak! Andito ka na pala" sambit ni mama.

"Ay hindi ma. Ano ka ba! Hindi ako 'to, hologram ko lang..." sarkastiko kung sagot. Narinig kong tumawa itong lalaking ugok. Napalingon tuloy si mama sa kanya.

"Hala anak... Sino itong pagkagwapong binatang kasama mo? Boyprend mo ano? Anak ang gwapo ng nasungkit mo ah" tuloy-tuloy na sambit ni mama.

O.O whaaaaaat the????!!!!!

Nagkatinginan kami nitong lalaking ugok na kasama ko. Sya? Boyprend ko?????

"Ma hindi! Hindi ko sya boyprend!"

"Ah ganun ba? So, nangliligaw pa pala sya. Ay iho, wag kang mag-alala sasagutin ka rin nitong anak ko. Nagpapakipot lang 'to hehe" sabi ni Mama sabay hagikhik at hampas sa lalaking ugok. Aba, close sila?

Narinig kong napahagalpak ng tawa 'tong lalaking ugok. Alam kong kanina pa sya nagpipigil ng tawa. Haiiiissssst!

"Ma! Hindi ko rin sya manliligaw! Pwede ba Ma tumahimik ka muna? You're so judgmental..."

"Ay nak! Englissss yung ah. Nakasama mo lang itong si pogi, pinapadugo mo na ilong ko"

"Ma, isa nalang talaga masasapok na kita"

"Ay hehe. Sige anak behave na ako"

"Aherm! Uhm, Eduardo po pala, Tita" sabi ni ugok sabay abot ng kamay niya.

"Ay wag mo na akong tawaging Tita, Eduardo. Mama nalang. Tutal papakasalan mo rin nam-" hindi tinuloy ni mama ang sasabihin niya dahil sinamaan ko siya ng tingin na para bang sinasabing 'sige-magsalita-ka-pa-sasapukin-talaga-kita'.

"Ay hehe. Joke lang yun Eduardo. Tita Emilia nalang ang itawag mo sakin" sabay abot ni mama sa nakalahad na kamay ni ugok at naglandian na silang dalawa. I mean, magkamayan.

"Uhm, sige po Tita Emilia dadayo na po ako"

Haaaaaaaay salamat naman ano.

"Pumarito ka muna Eduardo. Dito ka na mag-agahan" paanyaya ni mama kay ugok.

"Wag na po Tita. May pupuntahan pa po kasi ako eh"

"Ah ganun ba? Sayang naman. Di bale, next time nalang"

"Yes Tita. Next time nalang. Sige po, alis na po ako"

"Mag-iingat ka, iho"

"Salamat po"

Sumakay na sya sa sasakyan niya at pinaharorot ito.

"Hay salamat naman makakakain na ako. Tara na ma"

"Anak sigurado ka bang hindi mo sya boyprend?"

"Hindi nga Ma!"

"Sigurado ka rin bang hindi mo talaga sya manliligaw?"

"Hindi nga eh! Paulit-ulit?"

"Ahhh ka M.U mo?" huli niyang hirit saka nakatanggap ng sapok na kanina ko pa ninais gawin.

PS: Sorry sa typos kasi cellphone lang gamit ko. Sorry din sa short update. Di bale, mag-a-update ako bukas ^_^ yun lang.

Loving You (JodIan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon