AN: Yesssss another update. Bumabawi lang. hahaha
Pero ngayon lang 'to.
Medyo mataas. Medyo lang naman xD
ENJOY!***
Alas-sais na ng umaga ngunit wala pa akong naibebenta. Haisssssst!
"Puto po! Puto po kayo diyan!" patuloy kong sigaw.
Nakalipas na ang kalahating oras ngunit wala parin akong benta. Sumisikat na ang araw at nakaramdam narin ako ng pagod. Nagpahinga muna ako sa ilalim ng punong mangga.
"Naku ano ba yan! Parang ang malas ko ata ngayon. Ngayon lang pumalya itong ganda ko +__+ "
Pinunasan ko ang butil-butil na pawis sa aking noo gamit ang puting panyo na bigay sakin ni papa. Napakalinis ng panyo simbolo ng pagmamahal ni papa sakin, puro. Nanlaki ang mata ko nang tiningnan ko muli ang panyo pagkatapos kong ipunas.
"Ha? Bakit ang dumi? Kakalaba ko lang nito kahapon ah. Saan galing itong dumi?"
kunot noo kong kausap sa sarili ko. Wala talaga akong ideya kung saan galing yun. Kayo ba readers?"Mamaya ko na nga ito problemahin. Tsk!"
Ibinalik ko ang panyo sa bulsa ng aking pantalon. Magsisimula na sana akong maglakad nang may nagsalita sa gilid ko.
Paglingon ko, isang di pamilyar na mukha ang tumambad sa akin."Hi" wika nito
Teka, parang pamilyar ang boses ah. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig. Pero imposible, parang ngayon ko pa talaga 'to nakita. Pero, kanina pa ba ito dito??
"Anong 'hi' ? Wala akong oras makipagplastikan sa'yo SIR!" hahakbang na sana ako nang humarang na naman siya. Hinahamon ba ako nito? Eh hampasin ko kaya ito nitong dala-dala kong bilao? Hindi kaya.... hindi kaya... RAPIST 'TO?! Kalma ka lang Amor. Breathe in, breathe in, breathe in. Teka di na ako makahinga! *coughs*
"ANO BANG PROBLEMA MO HA?! SUNTUKAN NALANG O!" maangas kong sambit.
"Hep hep-!" - siya
Sasagot na sana ako ng 'hooooray' pero nagsalita sya. Naman o! Walang manners. Hindi ako pinasagot. Tsk! Hindi nangshishare ng moment.
"Hindi ako makikipag-away sa'yo Miss. Gusto ko lang sanang makipagkaibigan"
nakangiti syang nakatingin sa akin.
Psssssh! Akala mo naman guwapo."Kaibigan? Doon ka maghanap ng friends sa Facebook! O baka hindi mo alam yun? Uso yun ngayon!" imbyerna na talaga ako.
For sure hindi nya alam kung ano ang Facebook."Hahahahaha! Laughtrip ka pala" tawa sya ng tawa. Ha? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Sabi ko na nga ba di nya alam ang Facebook. Pssssssh!
"Hindi mo alam ang Facebook ano? Palibhasa. Atsaka, laughtrip mo mukha mo! Tumabi ka nga! Wag kang humarang diyan manong. Bakit, bibili ka ba?" tinaasan ko sya ng kilay.
"Magkano ba yan?" ha? di nga? bibili siya? kung nagkataon, sya bwena mano ko sa araw na ito.
"Tatlong piso isa" mapakla kong sambit. Ininis nya kasi ako eh.
"Magkano yan lahat?"
biglang nagningning ang mga mata ko at nawala ang pagod ko."TALAGA? BIBILHIN MO LAHAT?" tumango lang siya't ngumiti.
"Yes! 300 pesos lang po ito lahat. Kunin nyo na po" magalang kong sagot. Hay salamat.
"Okay" kinuha niya pitaka niya sabay kuha ng tatlong tig-iisang daan. Aba yayamanin to ah...
"Here" sabay abot niya sakin ng pera.
"Naku salamat Sir! Hulog ka ng langit! Char!"
Narinig ko siyang tumawa.
"Teka, saan mo ba ilalagay 'tong mga ito? Maliit lang ang mga dala kong plastic at hindi 'to kasya lahat"
Teka, bakit parang bumait ata ako bigla? Well, mabait naman talaga ako diba?
"No problem" kinuha nya ang bilao na bitbit ko. Anong plano nito?
"Papayag ka bang ihatid nalang kita?" tanong niya.
"Ha? Eh? Wag na. Hindi naman ako maliligaw"
Tumawa na naman siya.
"Wag na po talaga" tanggi kong muli nang bigla namang tumunog ang tiyan ko. Naman o! Walang pakikisama.
"See? Alam ko gutom ka na kaya pumayag ka nang ihatid kita"
Haisssst! Tumango nalang ako. Nakita ko na naman siyang ngumiti.
"Halika sumunod ka sakin" saad niya kaya sinundan ko siya. Hindi naman siguro ito sindikato kasi hindi halata sa itsura. Parang safe naman ako sa kanya. Sana nga Lord. Sayang naman ang ganda ko kapag wawakasan mo ng ganito ka aga ang buhay ko. May mga plano pa po ako sa buhay. Magiging Miss Universe pa ako. That is my major-major dream and I am confidently beautiful with a heart and a bilao naman kaya ako mananalo. Aja! Figting!
Napapangiti ako habang pinagmamasdan siyang nagdadala ng bilao na may lamang mga puto. Halatang hindi siya sanay magdala nun.
"Ako nalang magdadala Sir. Parang nahihirapan ka eh" boluntaryo ko.
"No. Wag na. Kaya ko ito. Kanina mo pa bitbit ito at medyo mabigat pa naman kaya ako na"
"O sige hindi na kita pipilitin. Madali naman akong kausap eh"
Nakita ko na naman siyang ngumiti.
Kanina ko pa napapansin na panay ngiti at tawa siya. Pero infernis (infairness) ang puti ng ngipin niya. Ano kayang toothpaste gamit ng isang ito? Pero feel ko talaga, sanga ng bayabas gamit niya.Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang may bigla akong maalala.
"Sir wag mo na pala ako ihatid. Malayo pa bahay namin kaya mapapagod ka lang sa kakalakad"
"Sino ba may sabi na maglalakad lang tayo?"
"Wheee di nga? May sasakyan ka?"
Ngumisi lang siya. Nakailang hakbang pa lang kami nang bigla siyang huminto kaya huminto narin ako. Nagkataon namang sa tapat ng isang magarang kotse na kulay pula kami napahinto kaya napangiti ako. Lumapit ako sa salamin ng sasakyan at nanalamin doon.
"Ang ganda ko talaga" mahina kong kausap sa sarili ko. Pero ang buhok ko, sabog parin subalit hindi nababawasan nito ang kariktan ko. Nakakasawa nang maging maganda. Haissssst. Gusto nyo ng kaunting ganda readers? Magdodonate ako. :)
"Sir tara na kasi magtatanghali na" hindi siya nagsalita kaya nilingon ko at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
****
Ano kayang nakita ni Amor at sino kaya ang lalaking nakasama niya?
Who do you think?
BINABASA MO ANG
Loving You (JodIan)
RandomUhm yes ^^ it's an AmoRado/JodIan story. Hold ko muna yung isa kung kwento, yung "Letting Go". Nag-iisip pa ako ng mas makabasag-damdaming banghay. haha So for now, I decided to make another story. Cliche rin ito. Katuwaan lang kasi bakasyon. May pa...