Kagaya ng nakagawian, maaga na naman akong gumising para magtinda ng mga puto. Nag-ayos ako ng sarili at alam niyo namang hindi ko na kailangang mag-ayos masyado kasi maganda na ako. Effortless kung baga. *wink*
"Ma, alis na ako" paalam ko kay Mama.
"Sige anak. Mag-iingat ka" bilin naman niya.
"Geh" atsaka lumabas na ako ng bahay.
Iniisip ko parin kung saan ako mag-aapply mamaya. Kahit anong bakante tatanggapin ko nalang kahit janitor pa.
Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang may magsalita sa tabi ko.
"Ang lalim ng iniisip natin ah"
"Ay janitor!"
"Hala ang pogi ko naman atang janitor"
"Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo rito?! Sinusundan mo ako ano?! Stalker kita 'no?!"
"Hindi ah. Nagjojogging lang ako at nagkataon namang nakita kita. Teka, bakit ka ba sumisigaw? May nagawa ba akong mali sayo? Sa pagkakaalala ko, wala naman. Hinatid pa nga kita kahapon eh"
"Eh nambibigla ka kasi eh! Tse! Magjogging ka na! Tsupe! Magtitinda pa ako sinasayang mo lang oras ko" nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Wait. Since nandito narin lang ako, tutulunga nalang kitang magtinda. Akin na yang mga paninda mo ako na magdadala"
"Ha? Ano? Wag na! Madadagdagan pa ang utang na loob ko sayo. Kaya ko na 'to. Sanay na ako"
"I insist. Mas lalong masasayang oras mo kapag maikipagtalo ka pa sakin. So, akin na yan"
"O eh mapilit ka eh. O sayo na o! Ikaw magdadala niyan hanggang maubos ah at wag na wag mong ilalaglag!"
"Aye aye, captain!
"O sige na. Bilisan mo rin sa paglalakad baka abutin tayo ng pasko rito sa daan"
"Yes boss!"
Nakita kong lumilingon sa amin ang mga echosera kung mga kapitbahay lalo na yung mga babaeng mga mukhang palaka. Naging korte puso pa mga mata. Aba eh! Ang tindi! Lumapit sa kanila si ugok.
"Bili po kayong puto. Mura lang po at napakasarap pa! Tikman niyo at siguradong kikiligin kayo sa sarap" sabi niya sabay pakita ng matamis na ngiti.
"Ahmmmmp! Ang fogi mo! Ang gondo pa ng ismayl. Eiiiiiihhhhhhh"
"Naku po, mas pogi itong mga paninda kong puto kaya bili ka na"
"Tsige. Bili ako 20 pirasho ahihihi" may papuppy-eyes puppy-eyes pa siyang nalalaman. Mas lalo tuloy siyang pumangit hahaha.
"O sige ito na po ang puto ninyo, Ma'am"
"Ay shalamat fogi!" kinuha niya ang inabot ni ugok at pasimpleng humawak sa kamay nito sabay hagikgik.
"Hala te, nasapian ka ata" apela ko kaso deadma si ateng. Nakatitig lang siya sa mukha ni ugok. Bahala na nga sya.
Padami ng padami ang mga nagsibili. Aba matindi! Kapag ako ang nagtitinda noon, deadma lang beauty ko pero ngayon, grabi nagtutulakan pa. Tsk tsk! Very good ugok! Push mo yan. Baka ikayaman pa kita. Bwahahahahahahaha!
Naghintay lang ako ng ilang sandali nang iniluwa sa pagsisiksikan nila si ugok na pawis na pawis at namumula. Habang dinig ko parin ang impit natili ng mga palaka.
"Boss ubos na mga paninda mo" nakangiti niyang balita sakin.
"Alam ko. Wala na namang laman yang bilao eh so malamang ubos na. Anong akala mo sakin, tanga? Akin na nga" hinablot ko ang bilao. "O asan ang kita ko?"
"Ito na boss" sabay bigay niya sakin ng pera.
"Salamat at makakaalis ka na. Uwi na ako"
"Sasamahan na kita"
"Wag na. Hindi pa naman tayo masyadong nakakalayo eh. Andiyan lang yung bahay namin o" sabay turo ko sa bahay namin na ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan namin.
"Hindi. Sasamahan na kita"
"Bahala ka"
"Syanga pala, bakit ang lalim ng iniisip mo kanina?"
"Ano bang pake mo? Close ba tayo?"
"Porket di close, di na pwedeng magtanong?"
Oo nga 'no?
"Iniisip ko kasi kung saan ako mag-aaply ng trabaho"
"Ah. Ano bang inaapply-an mo?"
"Kahit anong bakante pero hanggat maaari sana related sa kurso na natapos ko"
"Teka, ano bang kurso ang natapos mo?"
Huminto ako at hinarap siya.
"Teka nga rin ah, bakit ang dami mong tanong?"
"Nais kasi sana kitang tulungan"
"Ha? Talaga? Wheeeee? HRM ang kursong natapos ko.May alam kang pwede kong pasukan?"
Nakita ko siyang tumango-tango.
"WHAAAAA???!!! DI NGA? SERYOSO???!!! TALAGA??!!! WALANG HALONG BIRO? TEKA, SAAN YAN?" halata sa boses ko ang pagkagalak. Baka ito na ang hinahanap ko. Please Lord...
BINABASA MO ANG
Loving You (JodIan)
RandomUhm yes ^^ it's an AmoRado/JodIan story. Hold ko muna yung isa kung kwento, yung "Letting Go". Nag-iisip pa ako ng mas makabasag-damdaming banghay. haha So for now, I decided to make another story. Cliche rin ito. Katuwaan lang kasi bakasyon. May pa...