Ok time to update! haha
***
Nabuksan ng lalaking ito ang pinto ng kotse O.O ?????"Sakay ka dito. Ihahatid kita" paanyaya niya.
"Paano mo nabuksan yan? Sabi ko na nga ba, sindikato ka ano? Naku po! Wag kang mandamay ng inosente! Mahirap lang kami at walang pantubos si inay! huhuhu! May mga utang pa nga kami dun kina aling Marian na hindi nababayaran eh! Noong grade school pa ako nun! Kaya please, wag mo na ako kidnapin! huhuhu.
Parang awa n'yo na po please" pagmamakaawa ko sa kanya. Tatakbo narin sana ako para tumakas nang bigla syang nagsalita."No, don't panic. This car is mine okay? See this key?" sabay taas niya ng susi.
Ha? So sa kanya nga itong sasakyan? Ahuhuhu :'( Napahiya ako dun.
"Ahihihi joke lang po yun Sir. Practice lang. Balak ko po kasing mag Star Magic hihi. Bagay ako dun kasi ang ganda ko naman di ba? hihi" palusot ko nalang. Sana lumusot yun. Pero sure akong lulusot yun. Ako pa!
"Hahaha! Okay :). Halika na sumakay ka na"
"Ahihi. Wag na po" eh ano bang magagawa ko? shy ako eh. aherm!
"Talaga?" kunot-noo niyang tanong
"Ok lang ta-" hindi ko natapos sasabihin ko nung biglang tumunog na naman ang tiyan ko.
*gruuuuu* *gruuuuu*
Oh sheymssss! WALANG PAKIKISAMA -_-"See? You're really hungry now" sabi niya habang nakangiti. Nakakaasar ang ngiti niya. Sinamaan ko siya ng tingin at sumakay na sa sasakyan.
Pumasok na rin siya at pumwesto sa driver's seat.
"Teka nasaan ang mga puto?" takhang tanong ko.
"Ahhh nilagay ko sa likod. Nilipat ko sa tupperware yung mga puto " sagot niya at pinasadahan pa ako ng tingin at ngiti at sinimulan ng paandarin ang kotse.
***
Naalimpungatan ako nang naramdaman kong huminto ang kotse. Sheeeyms! Nakatulog ako -_- Ano ba yan Amor!!! Paano kung makidnap ka, abiiiir?
Nagpalinga-linga ako sa pag-aakalang dumating na ako sa amin.
Teka O.O Ibang kanto 'to ahhhh. SABI KO NA NGA BA NAKIDNAP AKO!!!!!
OH MEN!"HOY HINDI ITO SA AMIN AH! LANGYA KA! KIDNAPPER KA! KIDNAPPER!!! TULOOONGGGGGGG! TULUNGAN NIYO AKOOOOOOOOO" mangiyak-ngiyak kong sigaw habang hinahampas ang katabi ko.
"WALANGHIYA KA! PINAGKATIWALAAN KITA! ALAM MO YUN? PERO SINIRA MO LANG ANG TIWALA KO. BAKIT? BAKIT ITO ANG IGINANTI MO?" umiiyak na talaga ako.
"Teka lang. I'll going to explain." sabi niya subalit hindi parin ako tumigil kakahampas.
Bigla nya nalang hinawakan ang dalawa kong kamay at mahina akong hinila palapit sa kanya kaya nagkalapit ang aming mga mukha. Sobrang lapit. Magsisigaw na naman sana ako pero naisip ko na sa lapit ng mga mukha namin, kunting galaw ko lang ay maaari ko na siyang mahalikan. Tingnan ko siya. Mata sa mata pero agad din naman akong umiwas ng tingin. Sobrang nakakalunod ang titig niya. Bakit ganito? Bakit may sobrang lakas na kabog na nanggagaling sa dibdib ko? Pinaharap niya ulit ang ulo ko sa kanya gamit ang isang kamay niya saka siya nagsalita.
"Wag ka munang magpanic. Makinig ka muna ok?"
Wala sa sarili akong napatango. Eh kasi naman eh. Yung titig niya talaga eh.
"Tatanungin na sana kita kanina kung saan ang papunta sa bahay ninyo subalit ang himbing ng tulog mo. Kaya inuna ko nalang munang pumunta dito. Mabilis lang ako dito, ok? O baka gusto mo sumama?" pagpapaliwanag niya.
Hindi ako makapagconcentrate makinig sa sinasabi niya kasi sobrang lapit parin ng mga mukha namin. Inaamoy ko rin ang hininga nya. Grabi! Sobrang bango.
"Ano? Gusto mo sumama?"
Ha? Ako ba tinatanong niya? Eh malamang. Kayo lang dalawa Amor eh. Susmeeee naman. Mapapasapo na sana ako ng noo nang maalala kong nakahawak parin siya sa mga kamay ko. Tiningnan ko mga kamay ko at inilipat ang tingin sa kanya. Nagets niya naman ang gusto kong iparating kaya binitawan niya. Dagli akong lumayo. Nakahinga ako ng maluwag.
"Wag na. Dito nalang ako. Baka kidnapin mo na talaga ako eh. Maghihintay nalang ako dito." saad ko havang di makatingin sa kanya.
"Sigurado ka?"
Tumango nalang ako bilang tugon.
Pagkatapos nun, lumabas na siya bitbit yung tupperware na pinaglagyan niya ng puto. Mula dito sa bintana ng kotse, nakita ko siyang naglakad papunta sa direksiyon ng may mga batang nagkukumpulan. Tuwang-tuwa ang mga bata nang makita siya. May sinabi siya sa mga bata na kung ano saka binuksan ang tupperware. Tuwang-tuwa ang mga bata na nagsipagkuha ng puto. Lumapit sa kanya ang isang batang babae at hinila-hila ang pantalon niya na wari ba'y nanglalambing. Kinarga niya ito. Nakikita ko sa mga mukha ng mga bata ang saya. Hinalikan siya nung batang babae at saka ko nakita ang napakalapad niyang ngiti. Ang buti niyang tao. Ilang sandali pa ay nakita ko siyang kumaway sa mga bata na wari ba'y nagpapaalam na na umalis.
Tumingin ako sa ubang direksyon nang makita ko siyang papalapit na sa kotse.
Naramdaman ko ang pag bukas ng pinto ng sasakyan saka niya sinimulang paandarin ang kotse."Tara hatid na kita sa inyo"
Saka ko sinabi sa kanya ang direksiyon na papunta sa amin.
PS:
As usual, maiksi na naman. Sorry din sa typos. Cellphone lang kasi gamit ko.
By the way highway! Panoorin niyo bagong movie ng JodIan ha! xoxo
BINABASA MO ANG
Loving You (JodIan)
De TodoUhm yes ^^ it's an AmoRado/JodIan story. Hold ko muna yung isa kung kwento, yung "Letting Go". Nag-iisip pa ako ng mas makabasag-damdaming banghay. haha So for now, I decided to make another story. Cliche rin ito. Katuwaan lang kasi bakasyon. May pa...