Kakatapos lang naming maghapunan at andito ako ngayon, nakaupo sa kahoy na upuan sa labas ng aming tahanan. Ang lamig ng simoy ng hanging dumadampi sa aking balat. Nakakagaan ng pakiramdam. Mataman kong tinitingnan ang mga bituing kumukutitap sa kalangitan.
"Pa? Alam ko andiyan ka. Pa, miss na miss na kita. Kumusta ka na? Yung lisa mo naging kuto na ba? Ay teka wala ka palang lisa kasi kalbo ka. Pa, yun palang isang salawal mo, nagamit ko kanina kasi di ako nakapaglaba ng akin pero wag kang mag-alala kasi lalabhan ko naman yun bukas pag di ako tinamad pero imposibleng hindi ako tamarin eh kaya hindi ko rin yun malalabhan" kausap ko kay Papa habang nakatingin sa bituin nang kung anu-ano'y may nahulog na mangga sa ulo ko. Sapul! May bukol na ata.
"Grabi ka, Pa! Hindi ko lang malalabhan ang salawal mo, nambabato ka na agad. Tsk! Sige na sige na lalabhan ko na bukas, promise! Bonux pa gagamitin ko kasi malinis, mabango, at maraming malalabhan. Sya nga pala Pa, nakakakain ka pa ba dyan ng puto na kasing sarap ng puto na luto ni mama? Wag kang papagutom Pa ah..." naiiyak na ako.
Namatay si Papa nung 3rd year high school ako dahil inatake sya sa puso. Grabi ang pighati ko noon at hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin. Close kami ni Papa. Lagi nya akong sinasakay sa tricycle na pampasada nya simula noong bata ako. Kahit pagod sya sa buong araw na pamamasada, naglalaan parin sya ng oras sa gabi na makalaro ako. Walang araw na di kami nagtatawanan kaya lagi kaming napapagalitan ni Mama dahil sa ang ingay namin. Siya ang nagturo sa akin kung paano magbisikleta, maglaro ng basketball, maglaro ng dama, kumain ng apoy, tumawid sa alambre, at magsplit at magbending. Baliw kayo kapag naniwala sa ibang sinabi ko.
Pagkawala ni Papa, si Mama nalang ang kumakayod para itaguyod ang pag-aaral ko. Mas lalong naging mahirap noong college na ako kasi kailangang doblehin ni Mama ang kayod niya para matustusan ang pangangailangan ko sa kolehiyo. Lahat nalang siguro nagawa niya, paglalabada, pagiging katulong, pagtitinda ng puto na gawa niya, pagtitinda ng isda, at kung anu-ano pang marangal na trabaho na pwede niyang pasukin para kumita ay napasukan niya. Naisip ko nga noon na tumigil nalang muna sa pag-aaral at tumulong muna kay Mama pero ayaw niya. Nakatanggap pa tulog ako ng piktus. Haisssssst.
Kaya noong nakapagtapos na ako, pinahinga ko na siya sa mga raket niya. Yung pagtitinda ng puto, ako nalang ang sumalo habang naghahanap pa ako ng trabaho. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho. Ewan ko ba dito sa Pilipinas! Ang hirap makahanap ng matinong trabaho eh. Naisip ko nga minsan magdadrug pusher nalang ako kaso takot ako kay Duterte eh kaya wag nalang.
Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok kung kaya't pumasok na ako ng bahay at diretso na sa kwarto ko. Pinagmasdan ko muna ang kisame ng bahay namin habang nag-iisip kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho bukas. Marami na akong pinuntahan kaso hindi ako pinapalad. Hayyyy bahala na nga.
Kusang pumikit ang mga mata ko. Beauty rest na ako madlang people. TTYL. Geh mwuaaaaah!
Maglalakbay na sana ako sa mundo ng panaginip nang biglang may kumanta sa videoke sa labas ng parehong kanta na narinig ko kagabi. Yung "Panaginip" na kanta at yung boses ay pareho rin nung boses ng kung sino man ang kumanta kagabi. Subalit masyado na akong inaantok para maki-osyoso pa. Kung sino man siya, PAKIHANAP ANG PAKE KO. Geh tulog na talaga ako. Bye!
BINABASA MO ANG
Loving You (JodIan)
De TodoUhm yes ^^ it's an AmoRado/JodIan story. Hold ko muna yung isa kung kwento, yung "Letting Go". Nag-iisip pa ako ng mas makabasag-damdaming banghay. haha So for now, I decided to make another story. Cliche rin ito. Katuwaan lang kasi bakasyon. May pa...