INIP NA INIP na si Chazel sa likod ng manibela. May head-on collision na naganap sa kahabaang iyon ng E. Rodriquez Sr. Avenue at twenty minutes na siyang naghihintay na maalis sa gitna ng kalsada ang nakaharang na dalawang behikulong nagbanggaan. Na-paralyzed ang mga sasakyan sa bahaging iyon. Kaya minabuti niyang lumiko sa nakitang daan upang humanap ng short-cut. Kailangan na niyang makauwi ng bahay. Kahit hindi niya kabisado ang pasikut-sikot sa lugar ay nagbakasakali siya.
Pasado alas-dose na ng hatinggabi. Hindi kasi nila tinantanan ni Cherry hangga't hindi nila na-pe-perfect ang formula ng isang klase ng pabango na tiyak na magiging mabenta kapag inilabas nila sa market.
May sariling laboratoryo ang kaniyang kaibigan sa bahay nito na malapit lang sa Welcome Rotonda kung saan nila kadalasang isinasagawa ang mga perfume experiment. Minsan naman ay sa bahay niya dahil may sarili rin siyang laboratoryo.
Mayamaya ay kumarag-karag ang kotse niya hanggang sa tumirik iyon.
"OMG! What happened?" Nag-panic siya. Wala siyang alam tungkol sa mga makina ng sasakyan! She tried to start the ignition again and again. But unfortunately, it didn't work.
Jeez! What am I gonna do in this godly hour?
Mangangatok siya sa bahay-bahay para humingi ng tulong? No way! Tipong mayayaman ang mga nakatira doon at impossibleng paniwalaan at pagkatiwalaan siya. Baka mapagkamalan pa siyang kriminal. Another one try, she begun to revive the car engine but she ended up dismay. Pinukpok niya ang manibela sa sobrang inis.
"Saang lugar ba ako napasuot?" tanong niya sa sarili. Inaninaw niya ang nakapaskil na street sign board na namataan niya. "Balete Drive?" Nasa Balete Drive ako?
She felt goose bumps in her nape when she recalled the old ghost story about the place. Napanood na niya noon ang 'Ang Babae Sa Balete Drive' kaya alam niya ang buong kuwentong kaugnay ng nasabing lugar. Isang white lady ang nagpapakita raw doon. Kaya ibinilang iyon bilang accident-prone area.
Nangilabot siya eksaktong mapatingin sa malaking puno ng Balete na ang mga sangang nakayungyong sa itaas ay umaabot na sa kalsada. Mula sa malayo ay para iyong nakakakilabot na kapre.
Anak ng pitong kuba naman! Sa dami ng lugar na puwedeng pagtirikan ng kaniyang kotse, bakit doon pa? Matatakutin pa naman siya mula pagkabata. Dahil sa tuwing nakakapanood siya noon ng mga pelikulang nakakatakot ay dala-dala niya iyon hanggang sa panaginip niya. Ang huling horror movie na napanood niya ay sapilitan pa dahil hinamon siya ni Cherry.
But in her case now, she had no choice but to ask for help from some vehicles that would pass by. Baka may magmagandang-loob na tulungan siya. Umibis siya, sumandal sa kotse at naghintay ng parating na sasakyan. Hindi pa siya nagtatagal sa pagkakatayo nang umalulong ang isang aso na hindi niya alam kung saan nagmula. Nanindig ang mga balahibo niya sa katawan at mabilis na nagkulong sa loob ng kotse niya. Nanginginig na sinapo niya ang dibdib.
Lola Juliana, tulungan ninyo ako!
Kinuha niya sa globe compartment ang bottled mineral water na hindi niya nakakalimutang dalhin. Lumagok siya roon. Aatakihin yata siya sa puso sa takot! Pagkaraan ay nakaramdam siya ng malamig ng hangin na tila yumakap sa kaniya. Napatingin siya sa aircon ng kotse. Patay iyon. Saan nanggaling ang hangin?
Mas nanuot sa kalamnan niya ang lamig. She closed her eyes in horror and wished that it was just a dream. Baka may mga kamay na biglang sumakal sa kaniya mula sa backseat tulad ng kadalasang napapanood niya. Halos ayaw na niyang idilat ang mga mata nang umuga ng bahagya ang kinalalagyan niya. Pagkatapos ay ang mga kaluskos na nanggagaling sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
When I See You Smile (published under Phr completed)
General FictionSi Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance nito ay parang ipu-ipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga niya rito. Naka-briefs lang kasi ito sa higanteng billboard nito na nasa...