PATUNGO si Chazel sa Fairview nang magkaroon na naman ng traffic jam. Bakit ba alaga siyang maging biktima ng mga traffic-traffic na iyan? Nakibusina rin siya dahil sa pagtawid ng maraming tao na walang pakialam kung masagasaan man ang mga ito. Ilan sa mga iyon ay pawang babae.
Hinayon niya ng tingin ang kumpulan ng mga tao sa isang panig ng gusali. May kung anong iniisyoso ang mga ito roon. Hindi siya nakatiis. Ma-le-late siya. Umibis siya ng sasakyan at nagtanong sa isang matabang ale na napadaan sa harap niya.
"May shooting, Ma'm. Kanina pa raw pero ngayon ko lang nalaman." Pagkasabi niyon ay umalis na ito.
Dala ng kuryosidad, sinundan niya ang babae. Nakipagsiksikan siya at nakipagbalyahan sa mga miron. Napatda siya nang matanto kung ano ang pinaggagawa niya. Naka-business suit pa naman siya. Tumalikod siya para bumalik sana sa pinanggalingan pero narinig niya ang isang malakas na sigaw ng kung sino.
"Cut! Okey, pack-up na tayo!"
Marahil ay ang direktor iyon. Nabuwag sa pagkakatipon ang mga tao at nagkaniya-kaniya ng direksiyon.
"I love you, Race Rios! I love you!"
"Race, pa-autograph!"
"Pa-kiss naman at payakap, idol!"
Naagaw ng pansin niya ang pangalang nabanggit. Humarap siya. Sa kanang panig niya ay nakita niya ang mga babeng nagkakagulo habang hinaharangan ng mga lalaking nagsisilbing 'hawi boys' ng modelo. Sa isang Hi-Ace van ay nakatayo sa labas niyon si Race, kumakaway sa mga fans nito.
Nalipat sa kaniya ang tingin nito dahil siguro siya lang ang nag-iisa sa bahaging iyon. Then, she saw recognition in his eyes. Binasa niya kung ano ang sinasabi ng mga mata nito. She caught a glimpse of bliss on it. Natutuwa ito na makita siya matapos niyang masampal ito? That's absurd! Baka nag-i-ilusyon lang siya. But she noticed he was more handsome than the last time she saw him. May kakaiba sa mukha nito na hindi niya matukoy kung ano. Was it in his eyes? Or was it the way he looked at her like she was the only beautiful woman he had seen on earth. Gusto niyang matawa sa itinatakbo ng isip niya. Hindi siya maganda!
Naputol ang ugnayan ng kanilang mga mata nang may isang matabang lalaking kumausap dito. Manager siguro nito. Matapos siyang bigyan nito ng huling sulyap ay pumasok na ito sa loob ng van.
Nilisan niya ang location ng shooting na parang nakalutang siya sa hangin. Hindi pa rin mapagkit sa isipan niya ang maamong mukha ni Race, the shimmering warmth of his eyes, the way he looked at her tenderly. Ang sunud-sunod na busina ang nagpabalik sa kaniya sa kamalayan. But this time, hindi na iyon sanhi ng mga pedestrians kundi sa sasakyan niyang na-trapped sa gitna ng daan. Nakalimutan niyang itabi iyon!
Panay ang hingi niya ng 'sorry' sa may-ari ng mga sasakyan. Nagmamadaling pinasibat niya ang kaniyang kotse. Safe and sound, narating naman niya ang Sandoval Building na pag-aari niya.
Five stories lamang iyon sa lawak na one thousand square meters. Ipinatayo niya iyon one and a half years ago nang dumami ang mga kliyente nila. Ginamit niya ang perang minana niya kay Lola Juliana. Siya ang nag-iisang tagapagpamana nito dahil wala na ang kaniyang ina. Minana niya ang mga beach resorts nito sa Tagaytay at Boracay na ipinagkatiwala niya ang pamamahala sa kaibigan nitong pinagkakatiwalaan nito ng lubos noon pa man.
Ngayon, ang balak nila ni Cherry ay i-expand ang business nila abroad. They were planning an exportation outside the country.
Nag-elevator siya papuntang fifth floor. Nasalubong niya si Cherry sa hallway. Mag-la-lunch break siguro. "Bakit parang sinalo mo yata ang lahat ng problema sa mundo?" Umangat ang isang kilay nito. "And why are you late a little, my dear friend? Dati, mas maaga ka pang dumating kesa sa mga empleyado natin."
BINABASA MO ANG
When I See You Smile (published under Phr completed)
General FictionSi Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance nito ay parang ipu-ipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga niya rito. Naka-briefs lang kasi ito sa higanteng billboard nito na nasa...