Chapter Ten

19.4K 373 15
                                    


ANG ISANG linggong nagdaan ay naging dalawang linggo at tatlong araw. Pero walang Race na kumatok sa pintuan nila para makita siya at kumustahin ang kalagayan niya. Masakit man ay kailangan niyang tanggapin ng maluwag sa sarili na hindi talaga sila nito para sa isa't-isa. But it didn't mean it was the end of the world for her. Tulad nga ng sinasabi niya noon, 'tuloy pa rin ang ikot ng mundo'.

She had to forget anything about Race and to get rid of him out of her system, even though, that meant to stop thinking those sweet memories they shared together. Dahil masasaktan lang siya sa tuwing aalalahanin niya ang mga iyon. It would be a torture on her if she wouldn't put it behind her. Minsan nga ay natutulala siya tuwing naalala niya si Race, then the familiar pain followed and almost succumbed her to death. It really hurt, so hurt like a cut of a knife. It's not an easy thing to do. But she had to move on.

Binalikan niya ang trabaho niya sa Sandoval Building. It's good to feel home again. Lalo't na-miss niya ang mga empleyado nila at na-misss din siya ng mga ito. Balik na naman siya sa daily routine niya. Bahay-opisina, opisina-bahay. No more nightlife for her. Tama na muna o huwag na. Mas maganda kung tutulungan niya si Cherry sa pagpapatakbo ng business nila.

Triple ang itinaas ng sales nila sa tatlong branch nila sa France. At nagpaplano silang magtayo pa ng tatlong branch sa New York.

Kung wala silang laboratory performance ni Cherry, maaga siyang umuuwi ng bahay. Pero ala-una palang ng hapon ay umuwi siya dahil sumumpong ang migraine niya. Nagkulong siya sa silid niya at sinabihan niya si Nanay Lauring na huwag muna siyang gagambalain.

Hindi niya alam kung saan siya nagising, kung sa lamig ba ng aircon o ang ingay sa labas ng bintana niyang bahagyang bukas. May ugong ng sasakyan siyang bahagyang narinig. Nagbabad muna siya sa kama, iniisip kung lalabas ba siya o mananatili roon. Pinili niyang bumangon na lang dahil biglang kumalam ang sikmura niya. Alas-siyete na pala ng gabi.

Paglabas niya ng pinto ay natigilan siya sa may puno ng hagdan. May mga nag-uusap sa sala. Nabosesan niya si Nanay Lauring. Pihadong may bisita ito. Babalik na sana siya sa silid nang sumalit ang tinig ni Tito Rey. Ito pala ang kausap ng kaniyang nanay-nanayan at hindi niya sinasadyang mapakinggan ang palitan ng salita ng dalawa.

"Hindi ka na sana nagpakita pa sa kaniya, Rey. Tahimik na ang buhay ni Chazel. Ngayong may pinagdadaanan siya kay Race ay saka ka nagpasyang kausapin siya." sabi ni Nanay Lauring rito.

"Hanggang kailan? Karapatan niyang malaman ang lahat. Hindi mo alam kung ano ang hirap na dinanas ko nang mawala sa buhay ko si Rebecca, nang hindi ko makapiling ang anak ko."

"Nagagawa mong sabihin iyan samantalang iniwan mo ang mag-ina mo noon?"

"Ayaw ni Mrs. Juliana Sandoval na panindigan ko si Rebecca."

"Paano mo paninindigan si Rebecca gayong may-asawa ka?"

"Ang unang plano ko ay makipaghiwalay sa asawa ko at ipa-annul ang kasal namin. Hindi ko siya mahal. Ours was an arranged marriage. Hindi siya pumayag. Nagbanta siyang idedemanda niya kami ni Rebecca. Alam iyon ni Mrs. Sandoval. Pero pinaglayo pa rin niya kami. Itinago niya si Rebecca."

"Dahil buntis na noon si Rebecca. Ayaw niyang malagay sa kahihiyan ang pamilya niya."

"I admit it was my fault. Hindi ko nagawang ipaglaban ang mag-ina ko. Naduwag ako at pinagsisisihan ko iyon. Pero nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa. Ang gusto ko lang ay makilala ako ng anak ko. Noon pa man ay nakasubaybay na ako sa kaniya bata pa lang siya. Gustung-gusto ko siyang lapitan at yakapin kapag nasisilip ko siyang naglalaro diyan sa hardin. Matagal akong nangulila sa anak ko. Nagtiis ako na hindi magpakita sa kaniya sa takot na baka sumbatan niya ako."

When I See You Smile (published under Phr completed)   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon