Chapter Nine

10.7K 211 1
                                    


HINDI na nga nagpakita pa si Race sa kaniya. Ni tawag nito ay hindi ginambala ang pananahimik niya. Aaminin niyang nasasaktan siya. Kahit man lang sana bilang kaibigan ay dumalaw ito sa kaniya sa ospital at ipinakita ang pagdamay sa kaniya. Pero ni anino nito ay hindi niya nakita. Wala na ba siyang halaga rito tulad ng ipinaramdam nito sa kaniya dati? Bakit sa kabila ng lahat ay si Starr pa rin ang mas matimbang rito?

Hell! Sana ay namatay na lang siya sa aksidenteng iyon para hindi na niya nararamdaman pa ang pinong sakit na lumalatay sa puso niya. Minahal niya ito pero hindi siya nito minahal gaya ng pagmamahal ng isang lalaki sa isang babae. At kung minahal man siya nito ay hindi iyon kasinlalim ng pagmamahal niya rito.

Lagi na lang ba siyang ganoon? Iniiwan ng mga mahal niya sa buhay? Si Lola Juliana, ang mommy niya, ang daddy niya at ngayon ay si Race. Bakit pinagkakaitan siya ng pagmamahal? Maybe, she deserved all of this. Gusto niyang paghigantihan si Race at si Starr kaya 'yon ang napala niya. Pero paano naman siya, sa pananakit ng mga ito sa damdamin niya?

Life was so unfair!

But this is life, Chazel.May mga bagay na nangyayari na malayo sa inaasasahan natin. At hindi mo iyon maitatanggi. Kailangan mo iyong tanggapin. Magingmatibay ka at magkaroon ng pag-asa na maibabalik mo sa normal ay buhay mo.

Mula sa pagkakaupo sa wheelchair ay tumayo siya. Hinagilap niya ang silver-plated na saklay niya. Lahat ng tao sa bahay ay sinusungitan niya maliban kay Nanay Lauring kaya walang nangangahas na lapitan siya. Hindi siya imbalido. Kaya niyang tumayo at maglakad na mag-isa. Hindi siya patatali habambuhay sa silyang de-gulong!

Iyon ang unang pagkakataon na gagamitin niya ang saklay niya. Noong una ay ayaw niya iyong gamitin dahil hindi siya sanay at hindi niya matanggap na isa na siyang walang silbi. Pero ngayon ay pipilitin niyang ilakad ang isa niyang paa. Nang itapak niya iyon sa sahig ay natumba siya. Walang lakas ang paa niya, parang lantang gulay iyon.

"Susmaryosep na bata ka!" Nataranta si Nanay Lauring nang makita siya. "Bakit hindi mo ako tinawag? Bebang! Chayong! Halikayo dito, madali!" tawag nito sa mga kasambahay nila.

Inalalayan siya ng mga ito sa pagtayo dahil malaking babae siya. Pinaupo siya ng mga ito sa sofa. "Sa uli-uli, tawagin mo ako kung kailangan mo ng tulong." Pinagalitan siya ni Nanay Lauring. "Paano kung magkamali ka ng bagsak at tumama ang ulo mo sa kung saan?"

"Sorry, 'Nay." yuko ang ulong sagot niya.

"Bukas ay pupunta rito ang physical therapist mo. Sana naman, anak ay pumayag ka nang magpa-therapy." Nang maiuwi siya sa bahay, ang gusto niya ay magkulong lang siya sa silid niya. Iniiyakan niya ang naging kabiguan niya sa buhay dulot ng pagkakaaksidente niya at ng pag-iwas ni Race. May sandali pa ngang natukso siyang mag-suicide.

"Oho, 'Nay. Magpapa-therapy na ako." She had to live her life and move-on, dahil may isa pang taong nagmamahal sa kaniya.

Natutuwang niyapos siya nito. "Naku! Salamat naman, anak. Gagaling ka rin. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa."

Napaluha siya. Ngayon lang niya napagtanto na kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay alang-alang dito. Tuloy pa rin ang ikot ng mundo. Kung mawawala siya, magiging malungkot ang nanay-nanayan niya. At ayaw niyang mangyari iyon.

"Tao po!"

Sabay nilang nilingon ang taong tumatawag. It was Mr. Belmonte or Tito Rey. Iyon ang gusto nitong itawag niya rito. Pangatlong balik na nito sa bahay nila. Kapag binibisita siya nito ay kung anu-ano ang dinadala nito para sa kaniya, mga vitamins supplements at mga piling-piling prutas na sa Baguio at Davao lang matatagpuan tulad ng strawberry at cherry. Dito nanggaling ang wheelchair at crutch niya kahit afford niyang bumili niyon. Alam niyang kaya nito ginagawa iyon ay dahil anak na kung ituring siya nito.

When I See You Smile (published under Phr completed)   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon