ISANG GABI ay naging panauhin ni Chazel si Kiko. Hindi niya agad ito nakilala dahil malaki ang ipinagbago ng manliligaw mula nang huli niya itong makausap sa restaurant. Dalawang buwan mahigit na iyon.
Ang Kiko na nasa harapan niya ay isang makisig na lalaki base sa nakikita niyang mga muscles sa dibdib at braso nito. May hinala siyang nag-gi-gym ito. Ang pananamit nito ay hindi na katulad ng dati na ang mga butones ay nakasara. Ang printed na long-sleeved polo na suot nito ay bukas hanggang sa pangatlong butones. Nasisilip niya ang pinong buhok nito roon.
Nakarolyo ang mga manggas nito hanggang siko. Wala na rin ang makapal na salamin nito sa mga mata. Tiyak niyang naka-contact lens ito para luminaw ang paningin nito. Iyon ang uso ngayon. Hindi na ito nalalayo kay Race kung itsura ang pag-uusapan. May itinatago pala itong kaguwapuhan.
Nag-abot ito ng mga bulaklak sa kaniya. Three stems iyon. Kapag tatlo, ang ibig sabihin daw ay 'I love you'. Ngayon lang ba ito magtatapat ng pag-ibig sa kaniya? Funny. Noon ay libro ang bitbit nito. Seryoso na ba ito?
"Sorry, ngayon lang ako pumanhik uli ng ligaw sa iyo pagkagaling ko ng Chicago. Akala ko may boyfriend ka na."
"Saan mo naman nabalitaan iyan?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "Rumors. But I want an honest woman out of you, Chazel, kaya nandito ako ngayon. May relasyon nga ba kayo ng Race Rios na 'yon?"
"Wala kaming relasyon." sagot niya. May nag-doorbell sa labas ng gate nila. Bahagya na niyang pinansin si Bebang na lumabas upang sinuhin ang dumating.
"Hindi siya nanliligaw sa iyo?" Parang hindi pa makapaniwala si Kiko sa isiniwalat niya.
Umiling siya. Sa mga araw na nakakasama niya si Race ay maraming masasayang alaala ang pinagsasaluhan nila. Nag-de-date pa rin sila kapag may oras ito. Pero hindi yata nakikisama ang tadhana sa kaniya. She had a hard time to make him fall for her. Hindi ito nagpahayag ng pag-ibig sa kaniya kahit tatlong beses na siya nitong nahalikan at muntik pang may mangyari sa kanila sa Antipolo.
The realization almost depressed her too much. Kung bakit ay hindi niya alam. Ano ba sa kaniya kung hindi siya maibig ni Race? Bigo man siyang mabatid kung ano talaga ang damdamin nito sa kaniya ay hindi niya ito mapipilit na umibig sa kaniya. Malay niya baka isang laro lang pala dito ang lahat. Iyon ang ipinagpuputok ng butse niya.
Nagliwanag ang mukha ni Kiko. "Salamat. Sana ay matagal ko nang sinabi ito sa iyo. Noon pa sana." Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. "I love you, Chazel."
"Ma'm, may naghahanap sa inyo." tinig iyon ni Bebang.
Si Race ang nakatayo sa bungad ng pinto at nasa tabi nito si Bebang. Pero nagsasalubong ang mga kilay ng binata. Napatingin siya sa kamay nitong may dalang bouquet ng naggagandahang mga bulaklak. Kanina pa ba ito roon?
"May bisita ka pala." wika nito sa tonong mas malamig pa sa yelo. Bumalik ang dating pagiging suplado nito. "I just dropped by to give this flowers to you." He came forward to hand her the bouquet. "Hindi na ako magtatagal. May naghihintay na mahalagang tao sa akin." Then, he left them there.
Napatanga siya sa pangyayari. Binigyan siya ni Race ng mga bulaklak?
"Ang sabi mo, hindi ka niya nililigawan?" tila naghihinanakit na tanong ni Kiko sa kaniya.
"Hindi nga."
"Hindi mo siya boyfriend?"
"Wala nga kaming relasyon, Kiko. Iyon ang sabi ko sa iyo, di ba? Iyon ang paniwalaan mo." Ayaw niyang umasa sa simpleng bulaklak lang na inialay ni Race sa kaniya. Alam niyang walang kahulugan iyon.
BINABASA MO ANG
When I See You Smile (published under Phr completed)
Fiksi UmumSi Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance nito ay parang ipu-ipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga niya rito. Naka-briefs lang kasi ito sa higanteng billboard nito na nasa...