[ NASH IMAGE ABOVE :) ]
I'm Jahrel Khaine Romero. Simple, sweet daw, mabait daw, thoughtful at cheerful. Sabi nila yan eh. walang angalan. Ayun nga. I have two siblings pero nasa Bulacan sila. I was born in the province of Mindoro kung saan masaya ako.
Mayroon kaming two-storey house, beach cottage at apat na lote. Yung isa, yung mismong house namin. yung isa, sa tabi ng beach. Yung isa, ginawang fish pond at yung isa, vacation house. I'm not rich neither poor. Sakto lang. kumakain ng tatlong beses isang araw, nag-aaral sa private school, nakukuha ang mga needs.
Now, 3rd year high school na ako at nakakabaliw ang salubong sakin sa corridor ng mga magagaling kong classmates!
"Jah!!! PASALUBONG!!! WAAAAHH!"
"KAMUSTA ANG AIRPLANE?!"
"WAAAH!! DURIAN!!!"
"KUMUSTA ANG DAVAO???"
"UI.... LABAS MO NA YUNG PASALUBONG!!!!!!"
"MAY PEANUT BRITTLE?!"
"EH YUNG MACAPUNO??"
"UI...JAH, DALI NA!!!!"
At syempre, automatic na napatingin sakin lahat. Dios ko naman. ang iingay ng mga ito. Nalaman tuloy nilang galing akong Davao. Ang mga tao pa naman dito mukang pasalubong. Kala mo naman hindi nila afford yun. Let's say, mahilig lang sila sa libre!
"Kung hindi kayo titigil dyan, hindi ko ibibigay yung pasalubong niyo."
Nanahimik naman sila. bwahaha. Oh ano kayo....
Pumasok na ko sa loob ng room at pumwesto sa tabi ni best friend na busying busy sa pag-drodrowing ng anime. "Hoy boss, wala kabang balak kunin ang pasalubong mo?"
"Bigay mo nalang mamaya, boss. Busy ako."
He's my best friend sa boy. His name is Nash Cortiz. Then, yung best friend ko sa girl na ay sina Vanna Cruiz at Althea Nica Fox na nasa ibang room. Section B yun. Section A kasi ako eh. May isa pa kong best friend na guy na tinuturing kong kuya, but, nasa States siya eh. I don't know kung kelan babalik ng Pinas.
'BOSS' ang Call sign namin ni Nash. Then, kay Vanna, 'SIS' naman. then kay Thea, 'Muffin'. Madami pa yan. Mamaya na yung iba.
Naupo ako tapos inikot ko yung mata ko. 1 week nadin pala akong absent pero okay lang, first week palang naman last week eh. Wala pang gaanong klase yun. Puro pormahan lang. Mas importante ang kasal nila tito at tita kesa sa first day ko. hehe.
NASH: Boss, kokopya ka ba ng notes?
AKO: Yep. Madami na bang lesson?
NASH: Hmm, sakto lang. you can catch up naman eh. madali lang.
AKO: Eh yung Math kamusta?
NASH: Haha. ikaw talaga, tuwing umaabsent, Math agad ang kinukumusta.
AKO: Eh alam mo namang bobo ako sa Math eh.
NASH: Hmm.......
Nagtuloy siya sa pag-drawing.
AKO: Silent means yes diba, boss?
NASH: Pwede rin. Ang sabi kasi ng mama ko, kapag wala daw mabuting sasabihin, manahimik nalang. Ayokong marinig mo yung comment ko.
AKO: Yeah. kasi negative comment yon. Bait mo talaga.
NASH: Ako pa. haha.
Hinampas ko nga ng mahina.
NASH: Boss naman eh! Malapit na matapos ang drawing ko. wag ka muna magulo.
AKO: Oo na, boss.
Inayos ko nalang yung gamit ko. dala ko nadin yung mga pasalubong. Iba-iba eh. Mamayang recess ko nalang ibibigay.

BINABASA MO ANG
Complicated Heart (COMPLETED)
Teen FictionSometimes you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.