Music 3 - The Concert
[Jessh POV]:
"aba't yan lang ang dala mo?"
"ito lang naman talaga ang dadalhin ko eh" ang sagot sakin ni Laymne. Nakalagay kasi ung guitar nya sa bag ng guitar.
"tulungan mo naman ako rito sa bag na dala ko." sabay abot ko sakanya. Nagdala pa kasi ako ng babaunin ko sa biyahe, puro biscuits at mineral water lang naman. Kaya hindi na siya nakaangal pa hehe.
Ako nga pala si Jessh Lavigne. Half american? nope. Ako nga rin pala ang drummer ng band. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ang ugali ko? Happy-go-lucky ba?? Ganito talaga ako eh, pero I had a personality na wala sa iba. Prangka kasi akong tao eh.
Anyway, lumabas narin kami sa bahay. Nakita kong kausap ni Miles si Melody at lumapit naman ako sakanila. Parang hindi enjoy ang travel na to, puro kasi seryuso ang mga kasama ko. Tsk. Sana sumabay nalang si Melody eh.
"sir, okay lang po kung di ako makasabay sa inyong flight, ire-review ko rin po kasi ung chords ng kanta eh." ang paliwanag ni Melody. Sumakay na kami sa sasakyan naming Van.
"okay sumakay ka ng third flight bago pa magsimula ang concert, at marami pang press sa airport mag-iingat ka" ang sabi naman ni sir Steph, at pumasok narin siya sa sasakyan.
"ako ng bahala ron basta darating ako" melody said.
"nasa entrance gate ako, aabangan kita don baka dagsain ka pa ng mga fans mo" ang pahabol pa ni sir Steph, parang kuya lang namin no?
"bye"
"bye ka jan! eh magkikita-kita naman tayo dun." ang pagsususngit naman sakin ni Laymne.
"Kfine. See you there" then nakita ko ng nag wave ng hand si melody at umalis narin kami sa lugar na yun.
[Melody POV]:
Inayos ko na yong mga dadalhin ko sa concert para makasunod na ako dun. Natapos ko narin ung chords na tutugtugin ni miles.
*Knock Knock*
When I hear someone knock the door of course I open it and I see the face of my bestfriend.
"Gelbert ikaw pala."
"nagpaiwan ka ata." he said then pumasok na siya sa living room.
"may inayos pa kasi akong chords." at dinala ko na ung guitar ko na naka bag. Kaya as usual bi-nag ko nalang sa likod.
"tara hatid na kita" he said, then he bring my other things I brought. Dala niya yong cliefed folder ko na nilalagyan ko ng lyrics. Lumabas narin kami ng bahay at ni-lock ko narin ang main door, then sumakay na kami sa kotse niya.
"so, pagkatapos ng concert uuwi ka na ng Pinas?" he ask me while he start to drive.
"hindi ko pa na-ihanda ung mga dadalhin ko kaya bukas na lang siguro ako makakauwi don"
Kung tutuusin dapat makauwi na dapat ako. After 3 years na pamamalagi ko rito, dahil sa hangarin kong maipakilala ang musika bilang parte ng pagkatao ko at maipahatid sa mga tao kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng musika sa puso ng bawat tao.
"gusto kong ikaw ang unang makarinig ng new album na 'to." binuksan ko ung bag ko at kinuha ang MP3 ko at inabot ko kay bestfriend.
"kaso hindi ka pala makakapanood ng concert, ito pakinggan mo." tinangap naman yon ni gelbert.
BINABASA MO ANG
My Wife is a Rockstar [Editing]
Romance[Editing] ||COMPLETE|| The Rockstar and the President. Story by: AiharaKirisawa