Music 23 - Keep as a Secret

3K 55 6
                                    

Music 23 - Keep as a Secret
    
   
Lumabas ako ng bahay mag-isa, plano ko kasing magpa-check up I felt something weird na kasi.

"Mrs. Lovriegal lagi ka bang nahihilo nitong mga nakaraang araw?" Tanong sa akin nong babaeng doctor.

"Opo doc."

"Nagsusuka ka rin ba?" Nakangiting tanong niya, napakunot naman ang noo ko.

"Minsan po kapag may nakikita at may naamoy akong pagkain na hindi ko gusto."

Pero nakakapagtaka dahil mahilig akong magpalaman ng cheese ngunit ngayon ay isinusuka ko na ito.

Bigla akong kinabahan. May sakit ba ako?

"Congratulations," nakangiting sabi ni Doc.

Napa-huh nalang ako.

"You're three weeks pregnant."

"Doc, hindi po totoo 'yan. Wala akong sakit."

Natawa ang doktora sa sinabi ko, "buntis ka hija."
  
  
[Joseph POV]:

Napansin ko lang si Melody, she's acting weird. Nag-uusap naman kami ng normal this days kahit na labag sa kalooban ko ang pag-alis niya. Gusto ko siyang pigilan ngunit nire-respeto ko ang desisyon niya kahit na gusto ko siyang itali sa akin.

Ngayin hindi na siya makatingin ng diretso sakin, hindi ako sanay.

"Are you okay?"

Papaakyat na sana siya sa kwarto niya ng tanongin ko siya. Nandito ako sa sala at hindi man lang ako pinansin.

"Yeah, " she replied at nagpatuloy sa pag-akyat.
   
    
[Melody POV]:

Should I tell him or not? He's the father and he needs to know that he's going to become a father.

Napahilamos nalang ako ng mukha.

I should call Jasmine.

Tatawagan ko sana siya ng may unknown number na tumawag sa akin. Ito ang tumawag sa akin nong huli. Mukha makulit ito kaya sinagot ko na.

"Hi.."

Boses babae 'yong nasa kabilang linya and her voice is familiar. Napatigil naman ako ng ilang segundo. It's Jesica. Bigla naman akong kinabahan.

"Melody, helloww..."

"Who's this?"

"Rememer, Jesica?" maarte pa niyang sagot.

"Jesica? Sorry, si Jessica Jung lang ang kilala ko. Hindi kita kilala. Wrong number ka ata. Sige, bye..."

Bat naman napatawag ang hinayupak na 'to? Siya ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito ni Joseph eh. Kung wala siya edi naamin ko na kay Joseph ang nararamdaman ko sa kaniya, at masaya sana namin cini-celebrate ang birthday niya. Edi sana happily ever after kami ni Joseph.

Papatayan ko sana siya ng magsalita ito agad.

"No, I think we need to talk."

"Anong nakain mo?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Ngayon nalaman ko na ang totoo,  mahal ka talaga niya."

Napatawa naman ako ng sabihin niya 'yon may tumakas pang konting luha sa mata ko.

"Teka lang, nakakatawa ang joke mo. Isa pa nga."

"No, I'm not."

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Winner ka na nga eh, ikaw ang mahal niya. Bakit mo pa ako ginugulo?" Naiinis na sabi ko.

Natahinik naman ang sa kabila.

"I'm done and he proved it."

"Prove mo mukha mo!"

Pagkatapos pinatayan ko na siya ng tawag. Baka may marinig pa akong ayakong marinig.
    
   
Ngayon na ang alis ko, ngunit nandito muna kami sa isang italian restaurant. At may pag-uusapan pa kami ni Bes.

"Bes, hindi ka na ba tutuloy? I mean, nagbago na ba ang isip mo?"

"I'm hesitating." Sabi ko na ikinagulat niya ngunit masaya na rin.

"Bakit? Okay na kayo?"

"No"

"Eh ano?"

"Bes, I'm pregnant and its his."

Bumilog naman ang mata nito at ang bibig nito na pwede nang lagyan ng apple.

"Omg! Alam ba ni Joseph 'yan?" Excited nitong tanong.

"Hindi, ngunit hindi ko alam kong sasabihin ko ba ito sa kaniya. Bes, help me anong gagawin ko? Gusto ko namang sabihin sa kaniya 'to eh pero kapag nakikita ko siya ay naglalaro sa isipan ko si Jesica na kasama niya. At kapag nagtuloy-tuloy 'yon ay baka kamuihan ko siya at maapektohan non ang anak namin."

Naiiyak ko sabi sa kaniya.

"Bes..." nakatitig sa akin si Bes, "hindi ko alam na ganito ka-lalim ang pinagdadaanan mo."

Napayuko nalang ako at napahawak sa aking tiyan na hindi pa halata ang baby bump ko.

Hindi nakayanan ng isipan ko ang sobrang sakit na naramdaman ko kaya kung ano-ano ang ipinapakita nito sa akin kapag nakikita ko si Joseph. Pinipilit ko lang na makipag-usap sa kaniya this weeks.

"Nagka mental illness ka Bes." Nangingilid ang luha ni Bes sa kaniyang mata. "Hindi ka ba magpapagamot?"

"Sa States na ako magpapagamot. Pero, Bes, si Joseph, ayoko siyang iwan."

Hinawakan naman si Bes ang kamay ko na nasa mesa.

"Bes, this time, sarili mo naman ang isipin mo. Baka, baka kung ano pa ang mangyari sayo. At 'yong baby niyo, kapag magaling ka na at dumating ang tamang oras, ipakilala mo sa kaniya ang anak niyo. Siguro naman, maiintindihan ka ni Joseph."

"Pero si Joseph---"

"No, ikaw muna bago siya. Sa tingin ko mahal ka naman niya dahil tanong siya ng tanong sa akin tungkol sayo at alalang-alala siya sayo. At kung mahal ka talaga niya ay makakapaghintay siya kahit anong katagal pa 'yan. I'll keep this a secret from him."

Tinitigan ko lang si Bes habang nagsi-sink-in sa utak ko ang sinabi niya.
    
   
Andito na ako sa airport

.
Yeah, ako lang mag isa. Si Bes hindi ko na pinasama baka magka-dramatic scene pa kami rito. Si Mama naman ay may appointment daw siya ngayon.
Si Joseph, hindi ko alam kung nasaan siya. Umaasa pa rin ako na kahit dito man lang ay ihatid niya ako.

'Yong about naman sa contract namin? Well, kasal pa rin kami sa mga mata ng publiko. Andun pa rin yung agreement na two years.

Malapit na ang flight ko ngunit wala pa rin si Joseph. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hihintayin kita at sana hintayin mo rin ako. Hanggang sa muli mahal ko."
   
   
Joseph's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng taxi at kanina ko pa pinapanood si Melody na palinga-linga.

Hindi ako pwedeng lumabas at harapin siya alam ko sa sarili kong kapag nangyari 'yon ay hihilain ko siya pabalik sa bahay namin at ika-kadena ko siya sa yakap ko at hinding hindi ko siya papakawalan pa.

Nakita kong pumasok na siya dala-dala ang mga maleta nito.

"Hanggang sa muli mahal ko. At kapag nagkita tayo ulit ay papakasalan kita."
  
  
***

My Wife is a Rockstar [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon